I
Huling yugto ng paglupig,
iligtas ang sangkatauhan,
ihayag ang kanilang katapusan,
sa paghatol ay ibunyag ang kanilang kasamaan.
Kaya't tulungan silang magsisi't magbangon,
itaguyod buhay at tamang landas.
Huling yugto ng paglupig ay para
pukawin ang puso ng mga taong manhid,
paghihimagsik nila ipinapakita sa paghatol.
Kung di pa rin sila magsisi at tumigil sa katiwalian,
at tumahak sa tamang landas ng buhay,
sila ang di maliligtas
lulunukin sila ni Satanas.
Ang kabuluhan ng paglupig
ay iligtas ang tao, ihayag ang kanilang katapusan,
mabuti o masama, ligtas o isinumpa,
lahat ay inihahayag ng gawain ng paglupig.
II
Sa mga huling araw, lahat ay inuuri
sa pamamagitan ng paglupig.
Gawain sa mga huling araw,
lupigin ang tao, hatulan kasalanan nila.
Kung di'y paano uuriin ang tao?
Pag-uuri sa inyo'y
simula ng gawaing 'yon sa buong sansinukob.
Inuuri nito ang mga tao sa sansinukob.
Mga tao sa lahat ng bansa'y sasailalim sa
gawain ng paglupig, sa harap ng luklukan ng paghatol.
Lahat ng nilalang ay uuriin.
Lahat hahatulan sa harap ng luklukan ng paghatol.
Walang tao,
ni bagay na makakatakas sa paghatol na 'to.
Walang tao,
ni bagay na pag-uuri ay malalagpasan.
Lahat uuriin, malapit na ang katapusan.
Buong kalangitan, at lupa ay wawakasan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pag-ibig ng Diyos ay walang bayad na ipinagkaloob sa bawat isa sa atin.