Mabilis na tumatakbo ang panahon. Lumaki si Hong’er mula sa isang simpleng bata sa isang kaaya-ayang dalaga, at nagising ang kanyang umuusbong na interes sa pag-ibig. Hindi siya interesado sa yaman o estado, gusto niya lang ng isang relasyon kung saan, ano mang bagyo ang kanilang pagdaanan, may pag-ibig at pagmamahalan, magtutulungan sila sa oras ng pangangailangan, at tatanda silang magkasama. Tahimik niyang hinihintay ang pagdating ng sandaling ‘yon…
Dumating ang lalake sa kanyang mundo, pinatibok ang puso niya dahil sa gwapo nitong mukha at mala-kristal nitong mata, at may nararamdaman din ang lalake para sa kanya. Simula no’n, ang tahimik at walang kulay niyang mga araw ay napuno ng liwanag. Hindi nagtagal, nagsama sila, at higit pa sa kanyang kagwapuhan, napukaw ang pagmamahal ni Hong’er dahil sa kanyang kalambingan at pagiging mapagbigay. Alam ni Hong’er na siya ang gusto niyang pagtiwalaan ng buhay niya at makasama hanggang pagtanda. Nangako rin ‘yon na paliligayahin siya habang-buhay. Gano’n pa man, tutol ang mga magulang niya dahil nagmula ang lalake sa mahirap na pamilya. Hindi ‘yon mahalaga kay Hong’er, ang mahalaga sa kanya ay mahal nila ang isa’t isa at habang-buhay silang magsasama. Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang niya, lumayo siya at nagsama silang dalawa.