Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

03 Pebrero 2020

Ang Aking Ama, ang Pastor


Ebanghelyo | Ang Aking Ama, ang Pastor

Si Chi  Shou, isang relihiyosong pastor na apatnapu't taon nang nananampalataya sa Panginoon, ay palaging nanghawak sa pananaw na "lahat ng salita at gawain ng Panginoon ay nasa Biblia," at "ang paniniwala sa Panginoon ay hindi maaaring lumihis mula sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay nangangahulugang paniniwala sa Panginoon." Noong tinanggap ng kanyang anak na babae ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, gumawa sila ng kanyang asawa ng plano para pigilan siya. Sa araw na ito, babalik ang kanyang anak para magpatotoo sa kanila sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, at nagkaroon ng mainit, matalino, ngunit seryosong pagtatalo ang pamilya …
Pinagmumulan : https://tl.godfootsteps.org/videos/my-father-the-pastor.html

31 Enero 2020

Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob




Tagalog worship songs | Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob


I
Tanaw ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa taas,
at nangingibabaw sa lahat mula sa taas.
Kaligtasa'y ipinadala din ng Diyos sa mundo.
Nakamasid lagi ang Diyos mula sa lihim Niyang dako,
bawat kilos ng tao, sinasabi't ginagawa.

28 Enero 2020

Hindi Naglalaho ang Integridad



Tagalog Christian Movie | "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Nagpapatakbo ng isang tindahan ng damit si Wang Xinyu at ang kanyang asawa, at kahit sinikap nila noong una na patakbuhin ang kanilang tindahan nang may integridad at konsiyensya, hindi sila gaanong kumikita, at napakahirap ng buhay nila.

25 Enero 2020

Masasalubong Ba ng Isang Tao ang Panginoon sa Pamamagitan ng Pagtingin sa Langit?



Pag aaral ng bibliya | Masasalubong Ba ng Isang Tao ang Panginoon sa Pamamagitan ng Pagtingin sa Langit?

Ni Yang Shuo, Tsina
Matapos ang agahan, naglakad ang mag-asawang Zhong Cheng at Chen Hua sa daan sa gilid ng burol. Tumingala si Chen Hua sa mga puting ulap sa langit at pabuntong-hiningang sinabing, “Ilang taon na tayong naglalakad sa mga burol na ito at tumitingin sa langit, pero kailanman ay hindi natin nakita ang Panginoong Jesus sa kahit anong ulap. Nasa mga huling araw na tayo, lumalala na ang mga sakuna, at hindi pa rin natin nasasalubong ang Panginoon. Nag-aalala ako!”

22 Enero 2020

Lahat ng Bagay ay Pagpapakita ng Awtoridad ng Maylikha


Tagalog Christian Songs | "Lahat ng Bagay ay Pagpapakita ng Awtoridad ng Maylikha"

I
Sa bagong mundo, wala pa ang sangkatauhan,
inihanda ng Maylikha ang umaga at gabi.
Inihanda Niya ang kalangitan, lupa, at karagatan,
damo, halaman, inihanda Niya lahat ng puno.
Inihanda Niya mga liwanag, panahon, taon at araw
para sa bagong buhay na Kanyang nalalapit na likhain.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?