Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

29 Nobyembre 2017

Ang Diyos sa Laman Ang Gumagawa ng Panlulupig sa Buong Sangkatauhan

diyos, himno, sangkatauhan, sumasalamin, totoo

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos sa Laman Ang Gumagawa ng Panlulupig sa Buong Sangkatauhan

I
Gawain ng Diyos sa laman ay di-kagila-gilalas,
ni nababalot ng hiwaga.
Ito’y tunay at totoo, tulad ng isa at isa ay dalawa;
ito’y lantad at walang pandaraya.
Tunay ang nakikita ng tao,
gayundin ang nakamit nilang katotohanan at kaalaman.
Kapag matapos ang gawain,
kaalaman nila sa Kanya’y mapanibago,
at ang mga pagkaintindi ng tunay na naghahangad
sa Kanya’y mawawala.
Ito’y di lang epekto ng gawain Niya sa mga Intsik,
ngunit sumasalamin sa gawain Niyang paglulupig sa lahat,
sumasalamin sa gawain Niyang paglulupig sa lahat.

II
Dahil itong laman, ang gawain Niya’t lahat sa Kanya
makikinabang sa Kanyang gawaing panlulupig
higit sa ano pa mang bagay.
Makikinabang sila sa Kanyang gawain ngayon at bukas.
Itong laman lahat ay lulupigin
at matatamo Niya rin ang lahat ng tao.
Ang pinakamabuting gawain ng tao’y masdan,
sundin at unawain ang Diyos.
At ang mga pagkaintindi ng tunay na naghahangad
sa Kanya’y mawawala.
Ito’y di lang epekto ng gawain Niya sa mga Intsik,
ngunit sumasalamin sa gawain Niyang paglulupig sa lahat,
sa gawain Niyang paglulupig sa lahat.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Alam mo ba ang malalim na kahulugan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus ?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?