Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

22 Pebrero 2018

Cristianong Musikang Video | Lahat ng Bansa at Lahat ng Bayan Purihin ang Makapangyarihang Diyos

               


Cristianong Musikang Video | Lahat ng Bansa at Lahat ng Bayan Purihin ang Makapangyarihang Diyos



Ang Diyos na nagkatawang tao ay Diyos na Makapangyarihan,
nagpapalabas ng katotohanan tao’y dinadalisay at hinahatulan.
Ngayo’y nanaig ang Diyos mula sa impluwensiya ni Satanas,
nanlupig at nagkamit ng bayan.
Pinupuri namin ang Diyos, Marunong at Makapangyarihan,
si Satanas ay talunan.
Purihin ang Diyos na may matuwid na kalooban,
nabunyag nang lubusan.
Lahat ay purihin ang Diyos na Makapangyarihan,
Diyos na kaibig-ibig at praktikal.
Pinupuri namin ang Diyos na mapagpakumbaba’t
nakatago’t talagang kamahal-mahal.
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan (Purihin ang Diyos)!
Ang lahat ay purihin Ka (purihin Ka)!
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan! Ang lahat ay purihin Ka!

Bawat bansa purihin ang Makapangyarihang Diyos;
lahat ng bansa at lahat ng bayan,
purihin ang Makapangyarihang Diyos (lahat ay magpuri sa Diyos),
umaawit at sumasayaw upang purihin ang Makapangyarihang Diyos.
Ang alon ng karagatan lahat ay pinupuri
ang Makapangyarihang Diyos (lahat ay magpuri sa Diyos),
mga ibon sa kalangitan lahat ay pinupuri
ang Makapangyarihang Diyos,
buong sansinukob ay pinupuri ang Makapangyarihang Diyos.
Bawa’t nilikha ay naparito upang magpuri
sa Makapangyarihang Diyos.
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan! Ang lahat ay purihin Ka!
Lahat ng bansa at lahat ng bayan ay naparito upang purihin Ka!
Purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan
(purihin Ka, Diyos na Makapangyarihan)!
Ang lahat ay purihin Ka (ang lahat ay purihin Ka)!
Lahat ng bansa at lahat ng bayan ay naparito upang purihin Ka!
Purihin Ka (purihin Ka)! Purihin ang Makapangyarihang Diyos!

mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit


Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw 

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?