Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ng mga tao na makilala ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay ang tunay na Diyos, at dapat nilang malaman ang mga salita ng Diyos, ang tunay na hitsura ng Diyos sa laman, ang tunay na gawa ng Diyos.
Tanging pagkatapos lamang na makilala na ang lahat ng gawa ng Diyos ay tunay maaaring aktuwal kang makikipagtulungan sa Diyos, at tanging sa pamamagitan lamang ng daang ito maaari mong matamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat ng yaong mga walang kaalaman sa realidad ay walang kaparaanan upang maranasan ang mga salita ng Diyos, sila ay nabitag ng kanilang maling pag-iisip, nabubuhay sila sa kanilang guniguni, at sa gayon wala silang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Mas higit ang iyong kaalaman sa realidad, mas malapit ka sa Diyos, at mas tapat ang loob mo sa Kaniya; mas higit ang iyong pagnanais na makita ang kalabuan at mga makadiwang lutang, at katuruan, mas higit kang mawawalay sa Diyos, sa gayon mas mararamdaman mo na ang pagdanas sa salita ng Diyos ay nakakabawas ng lakas at mahirap, at wala kang kakayahan sa pagpasok. Kung nais mo na pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, patungo sa tamang tahakin ng iyong pang-espiritwal na buhay, una mo dapat kilalanin ang realidad at ihiwalay ang iyong sarili mula sa malabo, at higit sa karaniwan na mga bagay—na ibig sabihin, una mo munang dapat maunawaan kung paanong ang Banal na Espiritu ay kasalukuyang nagbibigay-liwanag at gumagabay sa iyo mula sa iyong loob. Sa ganitong paraan, kung maaari mong tunay na maunawaan ang tunay na gawa ng Banal na Espiritu sa iyong loob, makakapasok ka sa tamang daan na ginawang perpekto ng Diyos."
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus