Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos ay Natatangi"
I
Ang Diyos ay nagpapahayag ng matuwid na disposisyon
sa natatanging mga paraan at prinsipyo,
hindi nakokontrol ng mga tao, kaganapan o bagay.
At walang sinumang makapagpapabago
sa Kanyang mga ideya o kaisipan,
o makahihimok sa Kanyang sumubok ng ibang daan.
Ito ang natatanging matuwid na disposisyon ng Maylalang!
Kanyang matuwid na disposisyon!

II
Hinahatulan ng Diyos sa Kanyang matuwid na disposisyon
ang lahat ng gawa't kaisipan ng lahat ng nilikha.
At batay dito, Siya'y naglalabas ng poot o nagbibigay awa.
At hindi mababago ninuman ang Kanyang awa o poot.
At tanging ang diwa Niya ang magpapasiya sa landas na ito.
Ito ang natatanging matuwid na disposisyon ng Maylalang!
Kanyang matuwid na disposisyon!
III
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos, banal at natatangi;
di nito kinukunsinti ang paglabag o pagdududa.
Walang anumang magtataglay nito,
nilalang o hindi-nilalang.
Ang poot ng Diyos ay banal; hindi ito maaaring magkasala.
Ang Kanyang awa ay gayundin ang kalikasang taglay.
Ito ang natatanging matuwid na disposisyon ng Maylalang!
Kanyang matuwid na disposisyon!
IV
Walang makahahalili sa Diyos sa Kanyang mga kilos,
nilalang o hindi-nilalang.
Ni hindi nila mawawasak ang Sodoma
o iligtas ang Ninive gaya ng ginawa ng Diyos.
Ito ang natatanging matuwid na disposisyon ng Maylalang!
Kanyang matuwid na disposisyon!
Kanyang matuwid na disposisyon!
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan