Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

18 Enero 2019

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Ika-dalawampu’t-dalawang Pagbigkas

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Ika-dalawampu’t-dalawang Pagbigkas


Ang paniniwala sa Diyos ay hindi madaling gawin. Naguguluhan ka, tinatanggap ang lahat at iniisip na ang lahat ay kawili-wili, napakasarap! May mga ilan na pumapalakpak pa rin—wala talaga silang kaunawaan sa kanilang mga espiritu. Nararapat na maglaan ng panahon upang ibuod ang karanasang ito. Sa mga huling araw, lumilitaw ang lahat ng uri ng mga espiritu para gampanan ang kanilang mga papel, hayagang sinasalungat ang mga pasulong na hakbang ng mga anak ng Diyos at nakikibahagi sa pagsira sa pagtatatag ng iglesia. Kung babalewalain mo ito, binibigyan si Satanas ng mga pagkakataong gumawa, guguluhin nito ang iglesia, matataranta at magiging desperado ang mga tao, at sa mga malulubhang kalagayan, mawawalan ang mga tao ng mga pananaw. Sa ganitong paraan, mauuwi sa wala ang Aking paghihirap sa loob ng maraming taon.

Ang panahon ng pagtatatag ng iglesia ay panahon din ng pinakamalalang pagkataranta ni Satanas. Madalas na nagdudulot si Satanas ng kaguluhan at paggambala sa pamamagitan ng ilang tao, at yaong mga hindi nakakakilala sa espiritu o mga bagong mananampalataya ang pinakamadaling gumaganap sa papel ni Satanas. Madalas, dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, inuunat nila ang kanilang mga kamay at basta-basta gumagawa ng mga bagay-bagay, na lubusang naaayon sa kanilang mga sariling kagustuhan, mga paraan ng paggawa ng mga bagay at mga pananaw. Itikom ang iyong bibig—sinasabi ito para sa sarili mong proteksyon. Makinig at sumunod nang mabuti. Magkaiba ang iglesia at lipunan. Hindi mo maaaring sabihin nang basta-basta kung ano ang gusto mo, o sabihin ang anumang iniisip mo. Hindi ito pwede rito dahil ito ang bahay ng Diyos. Hindi tinatanggap ng Diyos ang paraan ng paggawa ng mga tao ng mga bagay-bagay. Kailangan mong gawin ang mga bagay sa pamamagitan ng pagsunod sa Espiritu, pagsasabuhay sa mga salita ng Diyos at kung gayon ay hahangaan ka ng iba. Kailangan mo munang lutasin ang lahat ng paghihirap sa iyong loob sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos. Wakasan ang iyong masasamang disposisyon at makayang tunay na maunawaan ang iyong mga sariling kalagayan at alamin kung paano mo dapat gawin ang mga bagay-bagay; magpatuloy sa pagbabahagi ng anumang hindi mo nauunawaan. Hindi katanggap-tanggap para sa iyo na hindi kilalanin ang iyong sarili. Pagalingin mo muna ang sarili mong karamdaman, at sa pamamagitan ng higit pang pagkain at pag-inom sa Aking mga salita, pagninilay sa Aking mga salita, mamuhay at magsagawa ayon sa Aking mga salita; ikaw man ay nasa bahay o ibang lugar, dapat mong hayaang gamitin ng Diyos ang kapangyarihan Niya sa loob mo. Iwaksi ang laman at kalikasan. Palaging hayaang maghari sa iyong loob ang mga salita ng Diyos. Hindi kailangang mag-alala na hindi nagbabago ang iyong buhay; dahan-dahan mong mararamdaman na malaki na ang ipinagbago ng iyong disposisyon. Dati, madali kang sumikat, hindi ka sumusunod kaninuman o naging ambisyoso ka, mapagmatuwid o mapagmataas, at unti-unti mong iwawaksi ang mga ito. Kung gusto mong iwaksi ang mga ito ngayon din, kung gayon hindi ito posible! Ito ay dahil hindi papayagan ng iyong lumang pagkatao na mahawakan ito ng iba, napakalalim ng pagkakaugat nito sa iyo. Kaya kailangan mong gumawa ng pansariling pagsisikap, positibo at aktibong sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu, gamitin ang iyong sariling kalooban na makipagtulungan sa Diyos at maging handang isagawa ang Aking mga salita. Kapag ikaw ay nagkasala, didisiplinahan ka ng Diyos. Kapag ikaw ay nagbalik-loob at nagkaroon ng pang-unawa, agad na bubuti ang lahat sa loob mo. Kung ikaw ay mapagpalayaw sa pagsasalita, agad kang madidisiplinahan sa loob. Nakikita mo na hindi nasisiyahan ang Diyos sa ganyang uri ng bagay, kaya kung titigilan mo ito kaagad, mararanasan mo ang kapayapaan ng loob. May ilang mga bagong mananampalataya na hindi nakakaunawa kung ano ang mga damdamin ng buhay o kung paano mabuhay sa loob ng mga damdamin ng buhay. Kung minsan nagtataka ka, kahit na wala kang sinasabi, bakit ka nakakaramdam ng pagkabalisa sa loob? Sa mga panahong ito ang iyong kaisipan at isip ang mali. Kung minsan mayroon kang mga sariling pinagpipilian, mga sariling pagkaintindi at mga opinyon; kung minsan itinuturing mo ang iba na mas mababa kaysa sa iyo; kung minsan gumagawa ka ng mga sarili mong makasariling pagtatantiya at hindi ka nagdarasal o nagsusuri ng iyong sarili, na nagdudulot sa iyo ng pagkabalisa ng loob mo. Marahil alam mo kung ano ang problema, kaya tinatawag mo kaagad ang pangalan ng Diyos sa iyong puso, lumalapit sa Diyos at ikaw ay mapapanumbalik. Kapag natataranta at nababalisa ang iyong puso, lubos na hindi mo dapat isipin na pinapayagan ka ng Diyos na magsalita. Lalo nang dapat sundin nang mabuti ng mga bagong mananampalataya ang Diyos sa bagay na ito. Ang mga damdamin na inilalagay ng Diyos sa loob ng tao ay kapayapaan, galak, kalinawan at katiyakan. Madalas na hindi nauunawaan ng mga tao at ginugulo ang mga bagay at basta-basta gumagawa ng mga bagay–ang lahat ng ito ay mga paggambala, at dapat mong lubusang pagtuunan ito ng pansin. Kung madali kang malagay sa ganitong kondisyon, dapat ka munang uminom ng gamot na panghadlang, kung hindi, magiging sanhi ka ng mga paggambala at pababagsakin ka ng Diyos. Huwag kang maging mapagmatuwid; makinabang sa lakas ng iba at gamitin ang mga ito para mapunan ang mga sarili mong kakulangan, panoorin kung paano isinasabuhay ng iba ang mga salita ng Diyos at tingnan kung karapat-dapat na matuto sa kanilang mga buhay, gawain at salita. Kapag itinuturing mo ang iba na mas mababa sa iyo, kung gayon ikaw ay mapagmatuwid, mayabang, at hindi kapaki-pakinabang kaninuman. Ang susi ngayon ay magtuon sa buhay, kumain at uminom nang mas marami ng Aking mga salita, maranasan ang Aking mga salita, alamin ang Aking mga salita, at gawing tunay ang Aking mga salita bilang iyong buhay—ito ang pangunahing bagay. Maaari bang magkagulang ang buhay ng isang tao na hindi nabubuhay ayon sa mga salita ng Diyos? Hindi. Dapat kang mabuhay ayon sa Aking mga salita sa lahat ng pagkakataon. Sa buhay, ang Aking mga salita ang dapat mong maging pamantayan ng ugali. Ang mga ito ay magiging sanhi para maramdaman mo na ang paggawa ng mga bagay sa isang partikular na paraan ay nagdudulot ng ligaya sa Diyos, at ang paggawa ng mga bagay sa ibang paraan ay kinamumuhian ng Diyos; dahan-dahan, ikaw ay tatahak sa tamang landas. Kailangan mong maunawaan kung anong mga bagay ang nagmumula sa Diyos at kung anong mga bagay ang nagmumula kay Satanas. Ang mga bagay na nagmumula sa Diyos ay sanhi para lalo kang maliwanagan tungkol sa mga pananaw, at ang mga ito ay sanhi para lalo kang mas mapalapit sa Diyos, tapat na nagbabahagi ng pagmamahal sa iyong mga kapatid; nakakaya mong magpakita ng pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos, at hindi huhupa ang puso mong nagmamahal sa Diyos; mayroong daan sa hinaharap na iyong tatahakin. Ang mga bagay na nagmumula kay Satanas ay sanhi para mawala mo ang mga pananaw at maglalaho ang lahat ng nasa iyo noon; mahihiwalay ka sa Diyos, wala kang pagmamahal para sa iyong mga kapatid at magkakaroon ka ng napopoot na puso. Magiging desperado ka, hindi mo na nanaising mabuhay sa buhay ng iglesia, at naglalaho ang iyong pusong nagmamahal sa Diyos. Ito ang gawain ni Satanas at ito rin ang kahihinatnang dala ng gawain ng masasamang espiritu.

Ngayon ay napakahalagang sandali. Kailangan ninyong ipagpatuloy ang pagsisikap hanggang sa kahuli-hulihang minuto, palinawin ang mga mata ng inyong espiritu para makita ninyo ang pagkakaiba ng mabuti at masama, at lalo pang magsumikap sa abot ng inyong makakaya para sa pagtatatag ng iglesia. Iwaksi ang mga kampon ni Satanas, mga relihiyosong pag-abala at ang gawain ng masasamang espiritu. Dalisayin ang iglesia, isakatuparan ang Aking kalooban nang malaya, at sa maikling panahong ito na susundan ng mga sakuna, talagang gagawin Ko kayong ganap sa lalong madaling panahon, at dadalhin kayo sa kaluwalhatian.

Rekomendasyon:

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?