Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

20 Enero 2019

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Kabanata 56

Nakapagsimula na Akong gumawa ng mga pagkilos para parusahan yaong mga gumagawa ng masama, yaong mga gumagamit ng kapangyarihan, at yaong mga umuusig sa mga anak-na-lalaki ng Diyos. Mula ngayon, sinumang sumasalungat sa Akin sa kanilang puso, ang kamay ng Aking mga atas sa pamamahala ay mapapasakanila magpakailaman. Alamin ito! Ito ang pasimula ng Aking paghatol at walang awa ang ipakikita kaninuman at walang sinumang pakakawalan dahil Ako ang walang-damdaming Diyos na nagsasagawa ng katuwiran; makabubuti sa inyo na kilalanin ito.


Hindi sa nais Kong parusahan yaong mga gumagawa ng masama, sa halip ay paghihiganti ito na idinulot sa kanila ng sarili nilang kasamaan. Hindi Ako kaagad nagpaparusa kaninuman, ni hindi Ko itinuturing ang sinuman nang di-makatarungan—isinasagawa Ko ang katuwiran sa lahat. Talagang minamahal Ko ang Aking mga anak-na-lalaki at talagang kinamumuhian Ko yaong mga masasama na nilalabanan Ako; ito ang prinsipyo sa likod ng Aking mga pagkilos. Bawat isa sa inyo ay dapat magkaroon ng pang-unawa sa Aking mga atas sa pamamahala. Kung hindi, hindi kayo magkakaroon ng kahit katiting na takot at magiging walang-ingat sa harapan Ko, at hindi ninyo malalaman kung ano ang nais Ko na gawing perpekto, kung ano ang nais Kong gawing ganap, kung ano ang nais Kong matamo at kung anong uri ng tao ang kinakailangan ng Aking kaharian.



Ang Aking mga atas sa pamamahala ay:



1. Maging sino ka man, kung sinasalungat mo Ako sa puso mo, hahatulan ka.


2. Para sa mga napili Ko, madidisiplina sila kaagad para sa anumang maling mga ideya.


3. Ilalagay Ko yaong mga hindi naniniwala sa Akin sa isang tabi. Hahayaan Ko silang magsalita at kumilos nang walang-ingat hanggang sa pinaka-wakas kung kailan lubusang parurusahan Ko sila at aayusin.


4. Para sa mga naniniwala sa Akin, aalagaan Ko sila at ipagsasanggalang sila sa lahat ng panahon. Tutustusan Ko sila ng buhay na ginagamit ang paraan ng pagliligtas sa lahat ng panahon. Ang mga taong ito ay magkakaroon ng Aking pag-ibig at talagang hindi sila mahuhulog o maliligaw. Anumang kahinaang mayroon sila ay magiging panandalian, at tunay na hindi Ko aalalahanin ito.



5. Para sa mga parang naniniwala pero hindi talaga naniniwala—ibig sabihin yaong mga naniniwala na mayroong Diyos pero hindi hinahanap ang Cristo, pero hindi rin tumututol—ang ganitong uri ng mga tao ang pinaka-kahabag-habag, at sa pamamagitan ng Aking mga gawa ay gagawin Kong makakita sila nang malinaw. Sa pamamagitan ng Aking mga pagkilos, ililigtas Ko ang ganitong uri ng mga tao at ibabalik sila.



6. Ang mga panganay na anak ng Diyos na mga naunang tumanggap sa Aking pangalan ay pagpapalain! Talagang ipagkakaloob Ko ang pinakamainam na mga pagpapala sa inyo at kayo ay magtatamasa hanggang masiyahan ang inyong puso; walang sinumang mangangahas na hadlangan ito. Lahat ay lubusang inihahanda para sa inyo, dahil ito ang Aking atas sa pamamahala.



Sa lahat ng aspeto ay dapat makakaya ninyong makita kung ano ang ginagawa ng Aking kamay at kung ano ang mga kaisipang mayroon Ako sa Aking puso—hindi ba lahat ito ay para sa inyo? Sino sa inyo ang para sa Akin? Nasiyasat na ba ninyo ang mga kaisipan sa inyong mga puso o ang mga salitang sinasabi ninyo? Nakagawa na ba kayo ng isang taimtim na paglapit sa mga bagay na ito? Hangal! Talipandas! Hindi tinatanggap ang mga pagpipigil ng Banal na Espiritu! Paulit-ulit Kong naihahayag ang Aking tinig sa looban mo, pero walang ka man lang reaksyon. Huwag nang maging mapurol ang ulo! Ang tungkulin mo ay maunawaan ang Aking kalooban at bukod dito, ito ang daan na dapat mong pasukin. Talagang naguguluhan ka, wala kang kaunawaan, hindi mo nakikita nang malinaw ang nais Kong matupad sa iyo, o ang nais Kong matamo mula sa iyo! Upang maunawaan ang Aking kalooban dapat magsimula ka munang maging malapit sa Akin at higit na nakikisama sa Akin. Palagi mong sinasabi na hindi mo kayang maunawaan ang Aking kalooban; puno ka na ng iyong mga sariling bagay, kaya papaano Akong makagagawa sa iyo? Hindi ka aktibong lumalapit sa Akin, pero naghihintay lang nang negatibo. Sinasabi Ko na gaya ka ng isang uod, pero minamasama mo ito at hindi ito tinatanggap. Ngayon dapat ay bumangon ka at makipagtulungan sa Akin! Huwag maging negatibo! Iyan ay magpapaurong ng buhay mo. Ang pagiging aktibo ay magdadala ng mga pakinabang sa sarili mo, hindi sa iba—hindi mo pa ba nakikilala at nauunawaan ito? Laging ibinubunyag ang Aking kalooban sa iyo—hindi mo ba nahiwatigan ito? Bakit kailanma’y hindi mo kinikilala ito? At bakit kailanma’y hindi mo kayang maunawaan ang Aking kalooban? Ang pagkaunawa ba sa Aking kalooban ay hindi nagdadala ng kalamangan sa iyo?



Umaasa Ako na maipapakita mo ang pagsasaalang-alang sa Aking kalooban sa lahat ng aspeto upang magkaroon Ako ng daang mapupuntahan at isang tahanang mapagpapahingahan sa iyo. Huwag na Akong harangan pa, napakalupit nito! Wala kang pang-unawa sa Aking mga salita at walang reaksyon sa mga ito. Tingnan at masdan kung anong oras na ngayon—wala nang paghihintay pa! Kung hindi mo susundang maigi ang Aking mga yapak kung gayon napakahuli na, lalong hindi magkakaroon ng anumang paraan para matubos mo ito!


Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Mga Aklat ng Ebanghelyo

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?