Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

03 Marso 2019

Kidlat ng Silanganan | Cristianong Musikang | Ibabalik ng Diyos ang Dating Estado ng Paglikha


Kidlat ng Silanganan | Cristianong Musikang | Ibabalik ng Diyos ang Dating Estado ng Paglikha



I
Sa Kanyang mga salitang nagiging malalim,
pinanonood ng Diyos ang sansinukob.
Ang lahat ng mga likha
ay ginawang bago batay sa mga salita ng Diyos.
Langit ay nagbabago, pati na rin ang lupa,
tao'y ipinapakita kung ano siya talaga.
Nang nilikha ng Diyos ang mundo,
lahat ng bagay ay ayon sa kanilang uri,
gayundin ang lahat na may nakikitang anyo.
Kapag malapit na magtatapos ang pamamahala ng Diyos,
ibabalik ng Diyos ang mga bagay ayon sa kanilang pagkalikha.
Unti-unti, hakbang-hakbang,
ang mga tao pinag sunod-sunod sa kanilang uri,
bumalik sa mga pamilyang kinabibilangan nila.
Diyos ay nagagalak dahil dito.
Walang anuman na maaaring makaabala sa Kanya.
Nagtatapos ang dakilang gawain ng Diyos bago ito malalaman.
Bago malaman ang lahat ng bagay, lahat sila ay nabago.
Unti-unti, hakbang sa hakbang,
ang mga tao pinagsunod-sunod sa kanilang uri.

II
Ibabalik ng Diyos

ang dating estado ng lahat ng mga bagay sa paglikha.
Siya ang magiging dahilan lahat ay ganap na nabago, 
dalhin ang lahat sa Kanyang plano.
Ngayon, dumating na ang oras! 
Ang katapusan ng huling plano ng Diyos ay malapit na.
Ikaw na marumi, madungis na lumang mundo,
ay mahuhulog sa ilalim ng salita ng Diyos,
ay babawasan sa kawalang-halaga dahil sa plano ng Diyos!
Lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, 
ay magkakamit ng bagong buhay sa Kanyang salita,
magkaroon ng pinakamataas na Panginoon!
Ikaw na banal na bagong mundo, 
ay mabubuhay sa kaluwalhatian ng Diyos.
Bundok ng Zion, itigil ang iyong katahimikan. 
Nagbalik ang Diyos sa tagumpay!
Minamasdan Niya ang lahat ng lupain,
kasama ang lahat ng nilikha.
Ang sangkatauhan
ay nagsimula ng isang bagong buhay sa lupa, 
na may isang bagong pag-asa.
Unti-unti, hakbang sa hakbang, 
ang mga tao pinagsunod-sunod sa kanilang uri.

III
Mga Tao ng Diyos!
Hindi ba kayo mabubuhay sa liwanag ng Diyos?
Hindi ba kayo makatatalon at magtatawanan ng kagalakan
sa ilalim ng pangunguna at paggabay ng Diyos?
Ang mga lupain at tubig ay masaya at tumawa.
Israel ay muling nagbabalik sa pagkabuhay!
Hindi ka ba makakaramdam ng pagmamalaki
dahil tinalaga ng Diyos?
Sino ang dating umiyak? Sino ang dating tumili?
Ang Israel noong una ay hindi na umiiral.
Ang Israel sa ngayon ay bumangon sa mundo.
Nakatayo ito sa lahat ng puso ng mga tao.
Nakukuha nito ang pinagmumulan ng buhay
sa pamamagitan ng mga tao ng Diyos.
Napopoot na Ehipto, ikaw pa rin ba'y sasalungat sa Diyos?
Paano mo maiiwasan ang Kanyang pagkastigo
dahil sa awa ng Diyos?
Paano kang di makaiiral sa loob ng pagkastigo N'ya?
Siya na minamahal ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.
Siya na lumalaban sa Diyos ay parurusahan magpakailanman.
Sapagkat ang Diyos ay isang mapanibughuing Diyos,
hindi Niya binibitawan nang madali ang gawa ng mga tao.
Hinahanap ng Diyos ang lahat ng lupain.
Sa pagkamatuwid at kamahalan, sa poot at kastigo,
lumilitaw Siya sa Silangan ng mundo,
upang ihayag ang Kanyang Sarili sa lahat ng tao sa mundo!

IV
Unti-unti, hakbang sa hakbang, 
ang mga tao pinagsunod-sunod sa kanilang uri,
bumabalik sa mga pamilyang kinabibilangan nila.
Diyos ay nagagalak dahil dito.
Walang anuman na maaaring makaabala sa Kanya.
Nagtatapos ang dakilang gawain ng Diyos bago malalaman.
Bago malaman ang lahat ng bagay, lahat sila ay nabago.
Unti-unti, hakbang sa hakbang, 
ang mga tao pinag sunod-sunod sa kanilang uri.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Rekomendasyon:

 Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?