Mula pa nang ang mga tao ay nagsimulang tumahak sa tamang landas ng buhay, sila ay nananatili nang hindi-malinaw tungkol sa maraming bagay. Sila ay ganap pa ring nalalabuan tungkol sa gawain ng Diyos, at tungkol sa maraming gawain na dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, sa pagkalihis ng kanilang karanasan at sa mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil hindi pa nadálá ng gawain ng Diyos ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, ang lahat ay hindi maliwanag tungkol sa karamihan ng espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi-malinaw sa inyo kung ano ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos. Ito ay mas higit pa kaysa sa simpleng bagay ng mga pagkukulang sa inyo: Ito ay isang malaking kapintasan ng lahat niyaong nasa mundo ng relihiyon. Naririto ang susi kung bakit hindi kilala ng mga tao ang Diyos, kaya’t ang kapintasang ito ay ang pare-parehong depekto ng lahat niyaong mga naghahanap sa Kanya. Walang isa mang tao ang kailanman ay nakakilala sa Diyos, o kailanman ay nakakita sa Kanyang tunay na mukha. Dahil dito kaya ang gawain ng Diyos ay naging kasing-hirap ng paglilipat ng isang bundok o pag-iígá ng dagat. Gaano karaming mga tao ang nagsakripisyo ng kanilang mga buhay para sa gawain ng Diyos; gaano karami ang napaalis nang dahil sa Kanyang gawain; gaano karami, para sa kapakanan ng Kanyang gawain, ang pinahirapan hanggang kamatayan; gaano karami, yaong ang kanilang mga mata ay napuno ng luha ng pag-ibig para sa Diyos, ang namatay nang di-makatarungan; gaano karami ang nakatagpo ng malupit at di-makataong pag-uusig...? Na ang mga trahedyang ito ay sumapit—hindi ba ang lahat ay dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa Diyos? Paanong ang isang tao na hindi kilala ang Diyos ay magkakaroon ng mukha na ihaharap sa Kanya? Paanong ang isang tao na naniniwala sa Diyos datapwa’t umuusig sa Kanya ay magkakaroon ng mukhang ihaharap sa Kanya? Hindi lamang ang mga ito mga kakulangan niyaong mga nasa loob ng mundo ng relihiyon, bagkus ay parehong nasa inyo at nasa kanila. Naniniwala ang mga tao sa Diyos nang hindi Siya nakikilala; ito lamang ang dahilan kung bakit hindi nila iginagalang ang Diyos sa kanilang mga puso, at hindi Siya kinatatakutan sa kanilang mga puso. May mga tao pa nga na, kasama ang magarbong pagpapasikat, ay gumagawa ng gawain na kanilang nakikita sa kanilang mga sarili sa loob ng daloy na ito, at sumusulong sa paggawa ng gawain ng Diyos ayon sa kanilang sariling mga hinihingi at alibughang mga ninánasà. Maraming mga tao ang kumikilos nang magaspang, walang pagpapahalaga sa Diyos bagkus ay sinusunod ang kanilang sariling kalooban. Hindi ba ang mga ito ay perpektong pagsasakatawan ng makasariling mga puso ng mga tao? Hindi ba nito inihahayag ang sobrang masaganang elemento ng panlilinlang na taglay ng mga tao? Tunay ngang ang mga tao ay maaring napakatalino, nguni’t paanong maaaring halinhinan ng kanilang mga talento ang gawain ng Diyos? Maaari ngang tunay na nagmamalasakit ang mga tao sa pasanin ng Diyos, nguni’t hindi sila maaaring kumilos nang masyadong makasarili. Talaga bang ang gawain ng mga tao ay tunay na banal? Maaari bang ang sinuman ay maging siguradong positibo? Upang sumaksi sa Diyos, upang magmana ng Kanyang kaluwalhatian—ito ay ang pagpapahintulot ng Diyos at pag-aangat sa mga tao; paano sila magiging karapat-dapat? Kasisimula pa lamang ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga salita ay nagsisimula pa lamang na mabigkas. Sa puntong ito, maganda ang pakiramdam ng mga tao sa kanilang mga sarili; hindi ba ito ay isang bagay na maaaring magsanhi ng kahihiyan? Hindi nila masyadong naiintindihan. Kahit na ang pinakalikas-na-matalinong teoretista, ang pinaka-matátás na mananalumpati, ay hindi makakapaglarawan ng lahat ng kasaganaan ng Diyos—mas lalo pa kaya kayo? Pinakamabuti na huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang mas mataas pa kaysa langit, bagkus ay tingnan ang inyong mga sarili na mas mababa pa kaysa sa pinakamababa sa matitinong mga tao na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ito ang landas kung saan kayo ay papasok: ang makita ang inyong mga sarili na mas maikli ng isang dangkal kaysa sa iba. Bakit ipinapalagay ang inyong mga sarili na napakataas? Bakit ninyo totoong pinahahalagahan nang ganoong kataas ang inyong mga sarili? Sa mahabang lakbayin ng buhay, kasisimula pa lamang ninyong humakbang nang kaunti. Braso lamang ng Diyos ang nakikita ninyo, hindi ang kabuuan ng Diyos. Marapat lamang na makita ninyo ang mas marami pang gawain ng Diyos, upang matuklasan ninyo nang higit pa ang kung ano ang dapat ninyong pasukin, dahil kakaunti ang inyong ipinagbago.
Sa paghubog sa tao at pagbabago ng kanyang disposisyon, hindi tumitigil kailanman ang gawain ng Diyos, sapagka’t sila ay nagkukulang sa masyadong maraming paraan at nagkukulang nang labis sa mga pamantayang itinakda Niya. Kaya’t masasabi, na sa mga mata ng Diyos, magiging mga bagong panganak na sanggol kayo magpakailanman, nagtataglay ng napakakaunti sa mga sangkap na nakapagpapalugod sa Kanya, dahil kayo ay walang iba kundi mga nilikha sa mga kamay ng Diyos. Kung ang isa ay nahuhulog tungo sa pagiging kampante, hindi ba siya kasusuklaman ng Diyos? Ang nasasabi na nabibigyang-kaluguran ninyo ang Diyos ngayon ay kaugnay ng inyong laman, nguni’t kapag inihambing laban sa Diyos, palagi kayong matatalo sa larangan. Ang laman ng tao kailanman ay hindi nakaranas kahit minsan ng tagumpay. Sa pamamagitan lamang ng gawain ng Banal na Espiritu na posible para sa tao na magkaroon ng mga katangiang nakapagtutubos. Sa katotohanan, sa lahat ng napakaraming bagay sa sangnilikha ng Diyos, pinakamababa ang tao. Kahit na siya ang panginoon ng lahat ng mga bagay, nag-iisa ang tao sa gitna ng mga iyon na napapasailalim sa panlalansi ni Satanas, ang nag-iisang biktima sa walang-katapusang mga paraan tungo sa katiwalian nito. Ang tao kailanman ay hindi nagkaroon ng kapangyarihan sa sarili niya. Karamihan sa mga tao ay nakatira sa mabahong lugar ni Satanas, at nagdurusa sa pang-uuyam nito; sila’y tinutukso nito sa ganitong paraan at ganoon hanggang sila ay maging agaw-buhay, nagtitiis sa bawa’t pabagu-bagong takbo ng buhay, sa bawa’t paghihirap sa mundo ng tao. Matapos silang paglaruan, tinatapos na ni Satanas ang kanilang tadhana. Kaya’t ginugugol ng mga tao ang kanilang buong buhay sa kalituhan, hindi nila kailanman natatamasa ang mga magagandang bagay na naihanda ng Diyos para sa kanila, bagkus ay nasisira ni Satanas at naiiwang gula-gulanit. Ngayon sila ay naging napakahina at walang-sigla kaya’t wala nang ganang pansinin man lamang ang gawain ng Diyos. Kung ang mga tao ay walang ganang pansinin ang gawain ng Diyos, ang kanilang pagdaranas ay magpakailanmang mananatiling pira-piraso at hindi-buo, at ang kanilang pagpasok ay magpakailanmang magiging walang laman. Sa loob ng ilang libong taon simula nang pumarito sa daigdig ang Diyos, ang anumang bilang ng mga tao na may matayog na mga simulain ay ginamit ng Diyos upang gawin ang Kanyang gawain sa anumang bilang ng mga taon; nguni’t yaong may alam sa Kanyang gawain ay napakakaunti na halos ay wala. Dahil dito, hindi mabilang na mga tao ang lumalaban sa Diyos kasabay ng pagbalikat sa gawain Niya, sapagka’t, sa halip na gawin ang Kanyang gawain, sila’y aktwal na gumagawa ng pantaong gawain sa posisyong ipinagkaloob ng Diyos. Maaari ba itong tawaging gawain? Paano sila makakapasok sa loob? Kinuha ng sangkatauhan ang biyaya ng Diyos at ito ay inilibing. Dahil dito, sa loob ng mga nakaraang henerasyon yaong mga gumagawa ng Kanyang gawain ay nakapasok lamang nang bahagya. Sila ay hindi man lamang nagsasalita tungkol sa pagkaalam sa gawain ng Diyos, dahil masyadong kakaunti ang kanilang nauunawaan sa karunungan ng Diyos. Maaaring masabi na, bagaman maraming naglilingkod sa Diyos, nabigo silang makita kung gaano Siya kadakila, kaya’t ito ang kung bakit ang lahat ay nagtaas ng kanilang mga sarili bilang Diyos upang sambahin ng iba.
Sa loob ng napakaraming taon nanatiling nakatago ang Diyos sa loob ng sangnilikha; mula sa likod ng tumatalukbong na hamog ay nagmamasid sa pagdaan ng maraming tagsibol at taglagas; sa pagdaan ng maraming mga araw at gabi ay tumitingin sa ibaba mula sa ikatlong langit; lumalakad kasama ng mga tao sa pagdaan ng maraming buwan at mga taon. Nakaupo Siya sa ibabaw ng lahat ng tao, matahimik na naghihintay sa pagdaan ng napakaraming magiginaw na mga taglamig. Hindi Niya kailanman ipinakita nang lantaran ang Sarili Niya kaninuman, ni hindi rin nagsanhi ng anumang ingay, umaalis nang walang palatandaan at kasing-tahimik na nagbabalik. Sino ang maaaring makakilala sa Kanyang tunay na mukha? Hindi kailanman Siya nagsalita sa tao, ni minsan ay hindi kailanman nagpakita sa tao. Gaano kadálî para sa mga tao na gawin ang gawain ng Diyos? Bahagya lamang nilang natatanto na ang kilalanin Siya ay ang pinakamahirap na bagay sa lahat. Ngayon ang Diyos ay nagsalita sa tao, nguni’t hindi Siya kailanman nakikilala ng tao, sapagka’t ang kanyang pagpasok sa buhay ay masyadong limitado at mababaw. Mula sa Kanyang perspektibo, ang mga tao ay ganap na hindi nararapat magpakita sa harap ng Diyos. Masyadong maliit ang kanilang pagkaunawa sa Diyos at masyadong hiwalay mula sa Kanya. Bukod dito, ang kanilang mga puso na naniniwala sa Diyos ay masyadong kumplikado, at hindi man lamang nila taglay ang imahe ng Diyos sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Bilang resulta, ang napakaingat na pagsisikap ng Diyos, at ang Kanyang gawain, tulad ng mga pira-pirasong gintong nakabaon sa ilalim ng buhanginan, ay hindi makapagsilay ng munti mang sinag ng liwanag. Para sa Diyos, ang kakayahan, mga motibo, at mga pananaw ng mga taong ito ay karima-rimarim sa kasukdulan. Hirap na hirap sa kanilang kapasidad na tumanggap, hindi nakakaramdam hanggang sa punto ng pagiging manhid, hamak at masama, sobra-sobrang sunud-sunuran, mahina at walang determinasyon, kailangan silang akayin gaya ng pag-akay sa mga baka at kabayo. Kaugnay sa kanilang pagpasok sa espiritu, o pagpasok sa gawain ng Diyos, hindi sila nag-uukol kahit katiting na pansin, hindi nagtataglay ng kahit isang tuldok ng paninindigang magdusa alang-alang sa katotohanan. Ang gawing ganap ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging madali para sa Diyos. Kaya mahalaga na inyong italaga ang inyong pagpasok mula sa anggulong ito—na sa pamamagitan ng inyong gawain at ng inyong pagpasok ay inyong alamin ang gawain ng Diyos.
Rekomendasyon:
Saan Nagmumula ang Kidlat ng Silanganan?