XIII. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao ang Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa China sa mga Huling Araw
2. Ano ang layunin at kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa China para gumawa sa mga huling araw?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Bawat yugto ng gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at nakadirekta sa buong sangkatauhan. Kahit na ito ay Kanyang gawain sa katawang-tao, ito pa rin ay nakadirekta sa lahat ng sangkatauhan; Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan, at ang Diyos ng lahat ng mga nilikha at ng mga hindi nilikha. Kahit ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay napapaloob ng isang limitadong saklaw, at ang layunin ng gawain na ito ay limitado din, sa tuwing Siya ay nagiging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain pinipili Niya ang isang layunin ng Kanyang gawain na sukdulang kumatawan; hindi Siya pumipili ng isang grupo ng mga simple at karaniwang mga tao para gawin, ngunit sa halip ay pumipili bilang layunin ng Kanyang gawain ng isang grupo ng mga tao na may kakayanan sa pagiging kinatawan ng Kanyang gawain sa katawang-tao.
Ang grupo ng mga taong ito ay pinili dahil ang saklaw ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay limitado, at handa lalo na para sa Kanyang nagkatawang-taong laman, at pinili lalo na para sa Kanyang gawain sa katawang-tao. Ang pagpili ng Diyos sa mga bagay ng Kanyang gawain ay hindi walang saligan, ngunit ayon sa mga prinsipyo: Ang layunin ng gawain ay dapat may benepisyo sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at dapat na kumatawan sa buong sangkatauhan. Halimbawa, nagawa ng mga Hudyo na kumatawan sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na pagtubos ni Jesus, at ang mga Intsik ay magagawang kumatawan sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na paglupig ng nagkatawang-taong Diyos. Mayroong isang batayan upang kumatawan ng buong sangkatauhan ang mga Hudyo, at mayroon ding isang batayan para sa mga mamamayang Tsino na kumatawan para sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na paglupig ng Diyos. Walang nagbubunyag ng kahalagahan ng pagtubos higit sa mga gawain ng pagtubos na ginawa sa gitna ng mga Hudyo, at walang nagbubunyag sa kalubusan at tagumpay ng mga gawain ng paglupig nang higit pa sa gawain ng paglupig sa mga mamamayang Tsino.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ang gawain sa yugtong ito ay sangkot lamang sa paggawang perpekto sa mga tao, samakatwid maaaring gawin ito sa Inglatera, o Amerika, o Israel; maaari itong gawin sa mga tao ng anumang bansa. Ngunit ang gawaing panlulupig ay may pinipili. Ang unang hakbang sa gawaing panlulupig ay panandalian; higit pa rito, gagamitin ito upang hamakin si Satanas at lupigin ang buong sansinukob. Ito ang panimulang gawaing panlulupig. Maaaring sabihin na sinumang nilalang na naniniwala sa Diyos ay maaaring gawing perpekto dahil upang gawing perpekto ay isang bagay na makakamit lamang pagkatapos ng pangmatagalang pagbabago. Ngunit upang malupig ay naiiba. Ang uliran sa paglupig ay dapat na ang isa na naiiwan sa kahuli-hulihan, na namumuhay sa pinakamalalim na kadiliman, gayundin ang pinakainaalipusta, ang pinaka hindi handang tanggapin ang Diyos, at ang pinakamasuwayin sa Diyos. Ito ang uri ng tao na magpapatotoo sa pagiging nalupig. Ang pangunahing layunin ng gawaing panlulupig ay ang pagtalo kay Satanas. Ang pangunahing layunin ng paggawang perpekto ng mga tao, sa kabilang banda, ay upang makamit ang mga tao. Ito ay upang pangyarihin na magpatotoo pagkatapos malupig na ang gawaing panlulupig ay inilagay dito, sa mga taong tulad ninyo. Ang layunin ay upang magtaglay ang mga tao ng pagpapatotoo pagkatapos malupig. Ang mga nalupig na taong ito ay gagamitin upang kamtin ang layunin na hamakin si Satanas.
mula sa “Tanging ang mga Ginawang Perpekto ang Maaaring Mamuhay ng Makahulugang Buhay” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain ni Jehovah ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula; ang yugto na ito ay ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng mga lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinagawa sa mga pinakamarumi sa lahat ng mga bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunang ito sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto at isinagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis, ibibigay ang kaliwanagan, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao sa pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng mga lugar ay nalupig, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ay makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain sa 6,000 taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng mga puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinaka-lubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, siyang mga may masidhing pagsalungat sa Diyos, ang kanilang mga pagkatao ay masama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng ginawang tiwaling sangkatauhan. ... Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano sa pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamatuwid, pagtutol, at ang paghihimagsik. Sa isang banda, sila ay mula sa mahinang uri, at sa kabila, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang mga estado, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusulit sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kapag naisakatuparan ang yugto ng gawain na ito, gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang yugto ng gawain na ito, at makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay dadating sa isang ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang mga gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit ninanais Kong gawin kayong huwaran at uliran.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga taong Tsino ay hindi kailanman naniwala sa Diyos at hindi kailanman nakapaglingkod kay Jehova, hindi kailanman nakapaglingkod kay Jesus. Ang kaya lamang nilang gawin ay maging sunud-sunuran, magsunog ng insenso, magsunog ng papel na “joss” ng Tsino, at sumamba kay Buddha. Sumasamba lamang sila sa mga diyus-diyosan—silang lahat ay mapanghimagsik sa kasukdulan, kaya mas mababa ang katayuan ng mga tao, mas ipinakikita nito na ang natatamo ng Diyos mula sa inyo ay higit pang kaluwalhatian. ... Kung ang mga inápó ni Jacob ay isinilang sa Tsina, sa bahaging ito ng lupain, at sila ay kayong lahat, kung gayon ay ano ang magiging kabuluhan ng gawaing ginawa sa inyo? Ano’ng sasabihin ni Satanas? Sasabihin ni Satanas: “Dati ay takot sila sa Iyo, nguni’t walang sinuman ang nagpasa nito pababa sa loob ng matagal na panahon. Gayunpaman, ang kanilang mga ninunò ay takót sa Iyo; sila ay tumalima sa Iyo mula sa pasimula at wala silang kasaysayan ng pagkakanulo sa Iyo. Pagkatapos nga lamang ng isang sukat ng panahon iyan ay hindi na ipinapasa pababâ. Sila ay hindi ang pinakamadilim, pinakahamak, o pinakapaurong sa sangkatauhan. Kinilala Ka nila mula sa umpisa. Walang kabuluhan sa paggawa nito sa paraang iyan! Kung ito ay tunay na ginagawa sa paraang ito, sino ang magiging kumbinsido sa gawaing ito?” Sa buong sansinukob, ang mga Tsino ang pinakapaurong sa mga tao. Sila ay isinilang na hamak na may mababang integridad, sila ay mahina-ang-isip at manhid, at sila ay bastos at napababà. Sila ay inilubog sa mga maka-Satanas na disposisyon, marumi at mahalay. Mayroon kayo ng lahat ng ito. Hinggil sa mga tiwaling disposisyong ito, pagkaraang matapos ang gawaing ito iwawaksi ang mga iyon ng mga tao at ganap na makakatalima at magagawang ganap. Tanging ang bunga mula sa ganitong uri ng gawain ang tinatawag na patotoo sa gitna ng sangnilikha!
mula sa “Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moab” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang paggawa ngayon sa mga inápó ni Moab ay pagliligtas sa mga yaon na nahulog tungo sa pinakamatinding kadiliman. Bagaman sila ay isinumpa, ang Diyos ay handang magkamit ng kaluwalhatian mula sa kanila. Ito ay sapagka’t sa pasimula, silang lahat ay mga tao na walang Diyos sa kanilang mga puso—ang magawa lamang sila na mga yaong tumatalima at nagmamahal sa Kanya ay tunay na paglupig, at ang gayong bunga ng gawain ay ang pinakamakabuluhan at pinakakapani-paniwala. Ito lamang ang pagkakamit ng kaluwalhatian—ito ang kaluwalhatian na nais makamit ng Diyos sa mga huling araw. Bagaman ang mga taong ito ay may mababang katayuan, sila ngayon ay may kakayahang makamit ang gayon kadakilang kaligtasan, na tunay na pagtataas ng Diyos. Ang gawaing ito ay napakamakahulugan, at ito ay sa pamamagitan ng paghatol kaya nakakamtan Niya ang mga taong ito. Hindi Niya sinasadyang parusahan sila, kundi dumating Siya upang iligtas sila. Kung isinasagawa pa rin Niya ang gawain ng paglupig sa Israel sa panahon ng mga huling araw ito ay magiging walang-halaga; kung ito man ay magkaroon ng bunga, hindi ito magkakaroon ng anumang halaga o anumang malaking kabuluhan, at hindi Niya makakamit ang lahat ng kaluwalhatian. Siya ay gumagawa sa inyo, iyan ay, yaong mga nahulog tungo sa pinakamadilim na mga lugar, yaong mga pinakapaurong. Ang mga taong ito ay hindi kumikilala na mayroong isang Diyos at kailanman ay hindi nakaalam na mayroong isang Diyos. Ang mga nilalang na ito ay ginawang tiwali ni Satanas hanggang sa punto na nakalimutan na nila ang Diyos. Sila ay nabulag ni Satanas at wala silang kaalam-alam na mayroong isang Diyos sa langit. Sa inyong mga puso kayong lahat ay sumasamba sa mga diyus-diyosan, sinasamba si Satanas—hindi ba kayo ang pinakahamak, ang pinakapaurong na mga tao? Kayo ang pinakahamak sa laman, walang anumang pansariling kalayaan, at nagdurusa rin kayo ng mga kahirapan. Kayo rin ang mga tao sa pinakamababang antas sa lipunang ito, na wala kahit ang kalayaan ng pananampalataya. Ito ang kabuluhan ng paggawa sa inyo.
mula sa “Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moab” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bakit ang gawain sa mga huling araw ay isinasagawa sa Tsina, ang pinakamadilim, ang pinakaaba sa mga lugar? Ito ay upang ibunyag ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos. Sa madaling sabi, habang lalong dumidilim ang isang lugar lalong mas mahusay nitong mapagniningning ang isang ilaw sa Kanyang kabanalan. Ang katotohanan ay ang paggawa sa lahat ng ito ay para sa kapakanan ng gawain ng Diyos. Ngayon lamang ninyo nalalaman na ang Diyos sa langit ay bumaba sa lupa at tumatayo sa gitna ninyo, at Siya ay naihambing sa inyong karumihan at pagiging rebelyoso, upang nagsimula na kayong magkaroon ng isang pagkaunawa sa Diyos—hindi ba ito isang malaking pagpapatibay?
mula sa “Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nang dumating ang Diyos sa lupa Siya ay hindi buhat sa sanlibutan at hindi Siya naging katawang-tao upang tamasahin ang sanlibutan. Ang lugar kung saan ang paggawa ay pinakamahusay na magbubunyag sa Kanyang disposisyon at ang pinakamakahulugan ay ang lugar kung saan Siya isinilang. Kung ito man ay isang banal o isang maruming lupain, at kahit saan Siya gumagawa, Siya ay banal. Ang lahat sa mundo ay nilikha Niya; lahat nga lamang ay ginawang tiwali ni Satanas. Gayunpaman, ang lahat ng mga bagay ay sa Kanya pa rin; lahat ng mga iyon ay nasa Kanyang mga kamay. Ang Kanyang pagdating sa isang maruming lupain upang gumawa ay upang ibunyag ang Kanyang kabanalan; ginagawa Niya ito alang-alang sa Kanyang gawain, iyan ay, nagtitiis Siya ng malaking kahihiyan upang gumawa sa paraang ito upang iligtas ang mga tao ng maruming lupaing ito. Ito ay alang-alang sa pagsaksi at ito ay para sa buong sangkatauhan. Ang tinutulutan ng ganitong uri ng gawain na makita ng mga tao ay ang pagkamatuwid ng Diyos, at higit pa nitong nakakayang ipakita ang pagiging mataas-sa-lahat ng Diyos. Ang Kanyang kadakilaan at pagkamatuwid ay ipinakikita sa pamamagitan ng pagliligtas ng isang grupo ng hamak na mga tao na hindi gaanong inaalala ng sinuman. Ang pagiging isinilang sa isang maruming lupain ay hindi kailanman nagpapatunay na Siya ay hamak; tinutulutan lamang nito ang buong sangnilikha na makita ang Kanyang kadakilaan at ang Kanyang tunay na pag-ibig para sa sangkatauhan. Mas gumagawa Siya sa paraang ito mas ibinubunyag nito ang Kanyang dalisay na pag-ibig sa tao, ang Kanyang walang-dungis na pag-ibig.
mula sa “Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moab” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong mundo. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyo. Samakatwid, kayo ang makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;” Sa nakaraan, narinig ninyo ang mga kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ito ang mga salita na isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lugar kung saan ito namamalagi. Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lugar na ito, ang mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinasalubong ng labis na mga hadlang, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa madaling panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit dahil na rin sa ganoong hirap na gumagawa ang Diyos ng larangan para sa Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng masasamang disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahalagahan ng lahat ng paghahandog na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa ibang salita, yaon lamang nasa maruming lupa ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakamit sa maruming lupa at mula sa mga naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari lamang Siyang luwalhatiin sa kalagitnaan ng mga Fariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pag-uusig na iyon at ang pagkakanulo sa Kanya ni Judas, hindi sana pinagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, higit dito ay ang ipako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kahit saan man gumawa ang Diyos sa bawat panahon at kahit saan siya gumawa ng Kanyang tungkulin sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at nagkakamit ng mga ninanais Niyang makamit. Ito ang plano ng gawa ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.
... Ang kadakilaan ng gawa ng Diyos sa lugar kung saan ang malaking pulang dragon ay nananahan, ang ganoong gawain, kapag inilipat sa ibang lugar, ay matagal na itong nagbunga ng malalaking bunga at matagal na itong tinanggap ng tao. At ang mga ganoong gawain ay madaling matatanggap ng mga kleriko sa Kanluran na naniniwala sa Diyos, dahil ang yugto nga ng gawa ni Jesus ay nagsisilbing halimbawa. Ito ang dahilan kung bakit hindi Niya matamo ang larangan ng gawain para sa pagluluwalhati saan mang dako; iyan ay, kapag may tulong na nanggagaling mula sa lahat ng tao at pagkilala mula sa lahat ng bansa, walang dako para ang kaluwalhatian ng Diyos ay “mamahinga.” At ito ang tiyak na kahalagahan ng yugtong ito na gawa ng Diyos sa lugar na ito.
mula sa “Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nilikha Niya ang buong sanlibutan; isinagawa Niya ang plano sa pamamahala ng anim-na libong-taon hindi lamang sa Israel kundi pati na rin sa bawat tao sa sansinukob. Hindi alintana kung sila ay nakatira sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o Rusya, isang inapo ni Adan ang bawat tao; silang lahat ay ginawa ng Diyos. Walang kahit isang tao ang maaaring umaklas mula sa saklaw ng paglalang ng Diyos, at walang kahit isang tao ang maaaring makatakas sa tatak bilang “inapo ni Adan.” Nilalang silang lahat ng Diyos, at lahat sila ay inapo ni Adan; kaapu-apuhan rin sila ng ginawang tiwaling Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilalang ng Diyos, ngunit ang lahat ng mga tao; gayon pa man, sinumpa ang ilan sa mga nilikha, at pinagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na mga bagay ang patungkol sa mga Israelita; ang Diyos sa simula ay nasa paggawa kasama nila dahil sila ang mga pinaka-di-tiwaling tao. Ang Intsik ay walang sinabi kung ihahambing sa kanila, at hindi maaaring umasa upang makapantay sila; kaya, ang Diyos ay unang gumawa sa gitna ng mga tao ng Israel, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay natupad lamang sa Judea. Bilang resulta nito, bumuo ang mga tao ng mga maraming pagkaintindi at mga maraming patakaran. Sa totoo lang, kung kikilos Siya nang ayon sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita; sa ganitong paraan hindi Niya makakayanang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil, sapagkat Siya ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita sa halip na Diyos ng lahat ng nilalang. Sinabi ng mga propesiya na magiging dakila sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah at kakalat sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah—bakit nila sasabihin ito? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa gayon Siya ay nasa paggawa lamang sa Israel. Karagdagan pa, hindi Niya palalawakin ang gawaing ito, at hindi Niya gagawin ang propesiyang ito. Dahil ginawa Niya ang propesiyang ito, kailangan Niyang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil at sa bawat bansa at lugar. Dahil sinabi Niya ito, gagawin Niya ito. Ito ang Kanyang plano, dahil Siya ay ang Panginoong lumalang ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi alintana kung Siya ay nasa paggawa kasama ang mga Israelita o sa buong Judea, ang gawain Niya ay ang gawain ng buong sansinukob at ang gawain ng lahat ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Gentil—ay ang gawain pa rin ng lahat ng sangkatauhan. Maaaring maging batayan ang Israel para sa Kanyang gawain sa lupa; gayon din naman, maaari ring ang Tsina ang maging batayan para sa Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Hindi pa ba Niya natupad ngayon ang hula na “ang pangalan ni Jehovah ay magiging dakila sa mga bansang Gentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa mga bansang Gentil ay tumutukoy sa gawain na Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Upang ang Diyos na nagkatawang-tao ay maging nasa paggawa sa lupaing ito at upang maging nasa paggawa sa mga sinumpang tao ay partikular na salungat sa mga pagkaintindi ng tao; ang mga taong ito ay ang pinakamababa at walang halaga. Ito ang lahat ng mga tao na unang inabandona ni Jehovah. Maaaring abandonahin ng mga tao ang ibang tao, ngunit kung sila ay inabandona ng Diyos, hindi magkakaroon ng katayuan ang mga taong ito, at sila ay magkakaroon ng pinakamababang halaga. Bilang isang bahagi ng paglalang, ang pagiging sakop ni Satanas o inabandona ng ibang tao ay parehong mga masasakit na bagay, ngunit kung ang isang bahagi ng paglalang ay inabandona ng Panginoon ng paglalang, nagpapahayag ito na ang kanyang katayuan ay nasa isang lubusang pagkababa. Isinumpa ang mga inapo ni Moab, at ipinanganak sila sa loob ng di-mauunlad na bansang ito; walang duda, ang mga inapo ni Moab ay ang mga taong may pinakamababang katayuan sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Dahil ang mga taong ito ay nagtataglay ng pinakamababang katayuan noong nakaraan, may kakayahang sumira ng mga pagkaintindi ng tao ang gawaing ginawa sa gitna nila, at ito rin ang gawaing pinaka-kapakipakinabang sa Kanyang buong anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Para sa Kanya ang gumawa sa gitna ng mga taong ito ay ang aksyon na tunay na may kakayahang magwasak ng pagkaintindi ng tao; dahil dito naglunsad Siya ng isang panahon; gamit ito winawasak Niya ang lahat ng pagkaintindi ng tao; sa ganito Niya tinatapos ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.
... Dahil nais ng Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa gitna ng Kanyang paglalang, tiyak na isasagawa Niya ito sa matagumpay na kaganapan; gagawa Siya kasama ang mga tao na kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Samakatuwid, winawasak Niya lahat ng mga karaniwang gawi sa paggawa kasama ang mga tao; sa Kanya, ang mga salitang “sinumpa,” “kinastigo” at “pinagpala” ay walang kahulugan! Ang bayang Judio ay napakahusay, at ang piniling bayan ng Israel ay hindi rin naman masama; sila ay mga tao na may mabuting kakayahan at pagka-tao. Pasimulang inilunsad ni Jehovah ang Kanyang gawain sa gitna nila at tinupad ang Kanyang pasimulang gawain, ngunit wala itong kahulugan kung gagamitin Niya sila ngayon bilang mga taga-tanggap ng Kanyang gawaing panlulupig. Kahit bahagi rin sila ng paglalang at may maraming positibong aspeto, ang hakbang ng gawain na ito ay walang kahulugan kung isasagawa sa gitna nila. Hindi Niya magagawang lupigin ang sinuman, at hindi rin Niya magagawang kumbinsihin ang lahat ng nilalang. Ito ang kahalagahan ng paglilipat ng Kanyang gawain sa mga taong ito ng bansa ng malaking pulang dragon. Ang pinakamalalim na kahulugan dito ay nasa Kanyang paglulunsad ng isang panahon, nasa Kanyang pagwawasak ng lahat ng mga patakaran at lahat ng pagkaintindi ng tao at pati na rin sa Kanyang pagtatapos ng gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Kung natupad ang Kanyang kasalukuyang gawain sa gitna ng mga Israelita, sa oras na dumating na sa pagtatapos ang Kanyang anim-na- libong-taon na plano sa pamamahala, maniniwala ang lahat na ang Diyos ay ang Diyos lamang ng mga Israelita, na ang mga Israelita lamang ang piniling bayan ng Diyos, na ang mga Israelita lamang ang karapat-dapat magmana ng pagpapala at pangako ng Diyos. Sa panahon ng mga huling araw, nagkatawang-tao ang Diyos sa bansang Gentil ng malaking pulang dragon; natapos Niya ang gawain ng Diyos bilang ang Diyos ng lahat ng nilalang; nakumpleto Niya ang Kanyang buong gawaing pamamahala, at tatapusin Niya ang pinakamahalagang bahagi ng Kanyang gawain sa bansa ng malaking pulang dragon. Ang kaligtasan ng tao ang pangunahin sa tatlong yugto ng gawaing ito—samakatuwid, gagawin ang lahat ng nilalang na sambahin ang Panginoon ng paglalang. ... Natupad sa Israel ang nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Kung natupad pa rin sa gitna ng mga Israelita ang yugtong ito ng Kanyang gawain sa mga huling araw, hindi lamang maniniwala ang lahat ng nilalang na ang mga Israelita lamang ang piniling bayan ng Diyos, ngunit hindi rin matatamo ng buong plano sa pamamahala ng Diyos ang nais nitong epekto. Sa panahon kung saan ang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay natupad sa Israel, walang bagong gawain ang kailanma’y natupad at wala kailanmang panahong-paglulunsad ng gawain ng Diyos ang isinagawa sa mga bansang Gentil. Unang isinagawa sa mga bansang Gentil ang yugto ng panahong-paglulunsad na gawain, at bukod pa rito, una itong natupad sa mga inapo ni Moab; inilunsad nito ang buong panahon. Winasak ng Diyos ang anumang kaalamang nakapaloob sa mga pagkaintindi ng tao at hindi pinahintulutan ang anuman sa mga ito na patuloy na umiral. Winasak Niya ang mga pagkaintindi ng tao sa Kanyang gawaing panlulupig, yaong luma, mga sinaunang paraan ng kaalaman ng tao. Hinahayaan Niya ang mga tao na makita na walang mga patakaran sa Diyos, na walang anuman ang luma tungkol sa Diyos, na ganap na napalaya ang gawain na ginagawa Niya, ganap na malaya, na tama Siya sa anumang bagay na ginagawa Niya. Dapat ganap mong ipasakop ang iyong sarili sa anumang gawain na ginagawa Niya sa paglalang. Anumang gawain na ginagawa Niya ay makabuluhan at natatapos nang ayon sa Kanyang sariling kagustuhan at karunungan at hindi ayon sa mga pagpipili at pagkaintindi ng tao. Ginagawa Niya ang mga bagay na kapakipakinabang sa Kanyang gawain; kung hindi kapakipakinabang ang isang bagay sa Kanyang gawain hindi Niya ito gagawin, kahit gaano man ito kabuti! Gumagawa Siya at pinipili ang taga-tanggap at lugar ng Kanyang gawain nang ayon sa kahulugan at layunin ng Kanyang gawain. Hindi siya sumusunod sa mga nakaraang patakaran, ni hindi Niya sinusunod ang mga lumang pamamaraan; sa halip, pinaplano Niya ang Kanyang gawain nang ayon sa kabuluhan ng gawain; sa katapusan gusto Niyang maabot ang tunay na epekto nito at ang inaasahang layunin nito. Kung hindi mo nauunawan ang mga bagay na ito ngayon, walang makakamit na anumang epekto ang gawaing ito sa iyo.
mula sa “Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalong hindi magpapakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang mga sariling pasiya at Siya ay may sariling mga plano kapag Siya ay kumikilos para sa Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at Kanyang sariling mga paraan. Hindi mahalaga sa Kanya na ipaalam ang Kanyang mga gawain kasama ang tao o humiling ng payo sa tao, lalong hindi kailangang sabihin sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang mga gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos at, bukod dito, dapat tanggapin ng lahat. ...
Kahit na ikaw ay isang Amerikano, Ingles, o kahit na ano pang lahi, nararapat kang humakbang lampas sa iyong mga hangganan, higitan ang iyong sarili, at dapat tingnan ang gawain ng Diyos bilang nilikha ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo dapat pigilan ang mga yapak ng Diyos. Dahil, ngayon, maraming mga tao ay naniniwalang imposibleng magpakita ang Diyos sa natatanging bayan o bansa. Tunay na taos ang kabuluhanng gawain ng Diyos, at tunay na mahalaga ang pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito batay sa pagkaintindi at pag-iisip ng tao? At gayon sinasabi ko, ikaw ay dapat kumawala sa pagkaintindi batay sa iyong kabansaan o etnisidad kapag hinanap mo ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan, ikaw ay hindi nakakulong sa sarili mong pagkaintindi; sa ganitong paraan, ikaw ay magiging karapat-dapat salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, ikaw ay laging mananatili sa kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.
Ang Diyos ay Diyos ng lahat ng sangkatauhan. Hindi niya ginagawa ang Sarili bilang pribadong pag-aari ng anumang bayan o bansa, at ginagawa ang Kanyang plano na hindi napipigil ng anumang anyo, bayan, o bansa. Marahil hindi mo kailanman naisip itong anyo, o marahil tinatanggihan mo ang pag-iral nito, o marahil ang bayan o bansa kung saan nagpakita ang Diyos ay iniiwasan at ang pinaka-di-maunlad na bansa sa mundo. Ngunit ang Diyos ay may Kanyang karunungan. Sa Kanyang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at disposisyon, Siya ay tunay na nakatamo ng isang pangkat ng mga tao na kaisang-isip kasama Niya. At Siya ay nakatamo ng isang pangkat ng mga tao na nais Niyang gawin: isang pangkat na nilupig Niya, silang nagtitiis ng mga matinding pagsubok at lahat ng uri ng pag-uusig at kaya Siyang sundin hanggang sa katapusan. Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos na malaya sa pamimigil ng kahit na anong uri o bansa ay upang matapos Niya ang gawaing alinsunod sa Kanyang plano. Halimbawa, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Ngunit ang mga Judio ay naniniwala na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng maging tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang “imposible” ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa huli, humantong sa kapahamakan ng Israel. Ngayon, maraming mga tao ang nakagawa ng parehong pagkakamali. Walang bahala nilang hinahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, ngunit sila rin ang humahatol sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos batay sa kanilang imahinasyon. ... Isantabi ang inyong pananaw na “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na ang isang bagay ay imposible, mas lalong maaari itong mangyari, sapagkat ang katalinuhan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang naiisip ng Diyos ay mas higit pa sa mga naiisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng pagiisip at pagkaintindi ng tao. Kapag ang isang bagay ay imposible, lalong higit na dapat hanapin ang katotohanan; kapag ang isang bagay ay lampas sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Dahil kahit saan pa ipakita ng Diyos ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang sangkap ay hindi magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatili kahit saan pa man mapunta ang Kanyang mga yapak. Kahit saan pa man ang mga yapak ng Diyos, Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi Diyos din ng lahat ng mga tao sa Asya, Europa, at Amerika, at lalo na ang tanging Diyos ng buong sansinukuban. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at nang matuklasan ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagbigkas, at sundan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay laging malalapitan ng sangkatauhan. Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos.
mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao