Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Ikalawang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bilang karagdagan sa sakim na paghahanap ng tao sa katanyagan at pakinabang, palagi nilang isinasagawa ang siyentipikong pagtuklas at malalimang pagsasaliksik, sa gayon walang-tigil na binibigyan-kasiyahan nila ang kanilang sariling materyal na mga pangangailangan at mga kahalayan; ano kung gayon ang mga kahihinantnan para sa tao? Una sa lahat wala ng anumang balanseng ekolohikal at, kasabay nito, ang mga katawan ng sangkatauhan ay nadungisang lahat at napinsala ng ganitong uri ng kapaligiran, at ang iba’t ibang nakakahawang sakit at mga salot ay lumaganap sa lahat ng dako. Ito ay isang sitwasyon na wala na ngayong kontrol ang tao,
hindi ba tama iyon? (Oo.) Ngayong nauunawaan na ninyo ito, kung ang sangkatauhan ay hindi sumusunod sa Diyos, bagkus palaging sinusunod si Satanas sa ganitong paraan—ginagamit ang kaalaman upang patuloy na payamanin ang kanilang mga sarili, ginagamit ang siyensiya upang walang-tigil na tuklasin ang hinaharap na buhay ng tao, ginagamit ang ganitong uri ng paraan upang patuloy na mabuhay—makikilala ba ninyo kung ano ang magiging likas na pagwawakas ng sangkatauhan? Ano ang magiging likas na pangwakas na kalalabasan? (Pagkawasak.) Ito ay pagkawasak: dahan-dahang pagdating ng pagkawasak. Dahan-dahang pagdating ng pagkawasak!"