Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

02 Nobyembre 2019

Tagalog Gospel Songs | Paano Magawang Perpekto



Tagalog Gospel Songs | Paano Magawang Perpekto


I
Kung nais mong magawang perpekto ng Diyos,
di sapat maging abala para sa Kanya,
ni gumugugol sa sarili mo para sa Diyos.
Kailanga'y marami kang taglay para magawang perpekto.
Pag nagdurusa ka,
di mo dapat isaalang-alang ang laman,
ni magreklamo laban sa Kanya.
Pag nagtatago ang Diyos,
dapat ay may pananampalataya kang,
sumunod, magmahal,
'wag 'tong hayaang maglaho o mamatay.
Kung nais mong magamit
at magawang perpekto ng Diyos,
dapat ay taglay mo ang lahat:
handa kang magdusa, manampalataya, magtiis,
sumunod at magdanas ng gawain ng Diyos,
maarok ang kanyang kalooban,
isaalang-alang ang Kanyang pighati.
Sa bawat pagpipino na nararanasan mo,
kailangan ang pananampalataya't pagmamahal mo.
II
Anuman ang gawin Niya,
Kanyang plano'y dapat tanggapin.
Sumpain man ang 'yong laman,
huwag Kang mag hinaing.
Paluguran ang Diyos 'pag may pagsubok,
kahit umiyak o minamahal mo'y mawala.
Ito ang tunay na pagmamahal at pananampalataya.
Anuman ang katayuan,
dapat ay may tunay na pananalig
handa kang magdusa,
at talikuran ang laman.
Dapat ay handa kang magtiis ng pasakit at kawalan
para matupad ang kalooban ng Diyos.

Dapat ay may puso ka para magsisi
na di mo napalugod ang Diyos dati.
Dapat taglay mo'ng lahat para magawang perpekto.
Kung wala ka nito,
di ka magagawang perperkto!

Kung nais mong magamit
at magawang perpekto ng Diyos,
dapat ay taglay mo ang lahat:
handa kang magdusa, manampalataya't magtiis,
sumunod, at magdanas ng gawain ng Diyos,
maarok ang Kanyang kalooban,
isaalang-alang ang Kanyang pighati.
Sa bawat pagpipino na nararanasan mo,
kailangan ang pananampalataya't pagmamahal mo.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Higit pang pansin: Ginagawa ng Diyos na Nagkakatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawaing Pagliligtas ng Tao

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?