Panginoong Hesukristo | Ang Pamamaraan at Prinsipyo ng Gawain ng Diyos Bilang Tao
Ⅰ
Nang 'di pa tao ang Diyos,
'di naunawaan ng tao
mga sinabi Niya mula sa Kanyang pagka-Diyos.
'Di naunawaan konteksto't pananaw nito.
Mula 'yon sa espirituwal na dako,
Nang Siya'y naging tao, nagsalita Siya,
kalooban Niya't disposisyo'y nakita
sa nakita't naisip ng tao,
mga paraa't wikang naunawaan nila.
Nakilala Siya't pamantayan Niya'y nalaman.
Ito ang pamamaraa't prinsipyo
ng gawain Niya bilang tao.
Ⅱ
Nagpahayag Siya ng katotohanan sa tao,
gawain Niya'y ginawa sa paraan ng tao.
Ipinaalam kalooba't disposisyon Niya,
kung anong mayroon at kung ano Siya.
Naunawaan nila 'yon, pati diwa Niya
nakita pagkatao't lugar Niya bilang Diyos.
Nang Siya'y naging tao, nagsalita Siya,
kalooban Niya't disposisyo'y nakita
sa nakita't naisip ng tao,
mga paraa't wikang naunawaan nila.
Nakilala Siya't pamantayan Niya'y nalaman.
Ito ang pamamaraa't prinsipyo
ng gawain Niya bilang tao.
Anak ng tao malinaw na inihayag
diwa at disposisyon ng Diyos.
Pagkatao Niya'y 'di hadlang para makausap Siya,
Siya'ng tanging paraan para umugnay sa Lumikha.
Nang Siya'y naging tao, nagsalita Siya,
kalooban Niya't disposisyo'y nakita
sa nakita't naisip ng tao,
mga paraa't wikang naunawaan nila.
Nakilala Siya't pamantayan Niya'y nalaman.
Ito ang pamamaraa't prinsipyo
ng gawain Niya bilang tao.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
------------------------------------
Basahin ang pinanggalingan ng mga debosyon na ito — Artikulo tungkol sa mga parabula sa Bibliya upang mas makilala ang Diyos.