Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

04 Abril 2020

Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Salita ng Diyos | Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at pagiging nakamamangha. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos, naniniwala ang tao sa pagiging makapangyarihan sa lahat at sa karunungan ng Diyos, gayundin sa pagmamahal ng Diyos para sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga pagkaunawa at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at mas marami pang tao ang namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano ng pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o nagsasagawa ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita gamit ang sarili Niyang bibig, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila na ginagawa Niya ang Kanyang gawain nang personal. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.



Ang Diyos ay buo ang kapasyahan na gawing ganap ang tao. Saanmang pananaw nagmumula ang Kanyang sinasabi, lahat ito ay para sa kapakanan ng paggawang perpekto sa mga taong ito. Ang mga salitang nasambit mula sa pananaw ng Espiritu ay mahirap para sa tao na maunawaan, at ang tao ay hindi makasumpong ng paraan ng pagsasagawa, dahil ang tao ay may hangganan ang kakayahan sa pag-unawa. Ang gawain ng Diyos ay nagkakamit ng iba’t ibang mga bunga, at bawat hakbang ng gawain ay may Kanyang layunin. Higit pa rito, Siya ay dapat magsalita mula sa iba’t ibang mga pananaw dahil sa paggawa lamang nito maaari Niyang gawing perpekto ang tao. Kung binigkas Niya ang Kanyang salita mula sa pananaw ng Espiritu lamang, ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay hindi matatapos. Mula sa himig ng Kanyang tinig, makikita mong Siya ay buo-ang-kapasyahang gawing ganap ang kalipunang ito ng mga tao. Bilang isang naghahangad na magawang perpekto ng Diyos, ano ang unang hakbang na nararapat mong gawin? Dapat mo munang malaman ang gawain ng Diyos. Ngayon mga bagong paraan ang sinimulang gamitin na sa gawain ng Diyos, at ang kapanahunan ay nakalipat na, ang paraan kung paano gumagawa ang Diyos ay nagbago na rin, at kung papaano Siya nagsasalita ay iba na rin. Sa kasalukuyan, hindi lamang ang paraan ng Kanyang paggawa ang nabago, gayundin ang kapanahunan. Ngayon ay Kapanahunan ng Kaharian. Ito rin ang kapanahunan ng mapagmahal na Diyos. Ito ay isang patikim ng Kapanahunan ng Milenyong Kaharian—na ito rin ang Kapanahunan ng Salita—iyon ay, isang kapanahunan kung saan ang Diyos ay gumagamit ng maraming paraan ng pananalita upang gawing perpekto ang tao, at nagsasalita mula sa iba’t ibang mga pananaw upang tustusan ang tao. Sa sandaling ang mga panahon ay humahantong sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, magsisimulang gamitin ng Diyos ang salita upang gawing perpekto ang tao, binibigyang-kakayahan ang tao na makapasok sa realidad ng buhay at inaakay ang tao sa tamang landas. Nakaranas ang tao ng napakaraming hakbang ng Kanyang gawain at nakita na ang gawain ng Diyos ay hindi nananatiling di-nagbabago. Sa halip, ito ay patuloy na nabubuo at lumalalim nang walang hinto. Matapos ang ganoong katagal na panahon ng karanasan, ang gawain ay nakabaling at paulit-ulit na nagbago, nguni’t anupaman ang mga pagbabago, ito’y hindi kailanman lumilihis sa layunin ng Diyos ng paggawa sa tao. Kahit pa dumaan sa sampung libong pagbabago, ang orihinal nitong layunin ay hindi kailanman naliligaw, at hindi kailanman lumilihis mula sa katotohanan o sa buhay. Ang mga pagbabago sa pamamaraan kung paano ginagawa ang gawain ay pagbabago lamang sa ayos ng gawain at pananaw ng pananalita, hindi isang pagbabago sa pinaka-gitnang layunin ng Kanyang gawain. Ang mga pagbabago sa himig ng tinig at pamamaraan ng gawain ay ginagawa upang may makamit na epekto. Ang pagbabago sa himig ng tinig ay hindi nangangahulugan ng pagbabago sa layunin o prinsipyo sa likod ng gawain. Sa paniniwala sa Diyos, ang pangunahing layunin ng tao ay ang hanapin ang buhay. Kung ikaw ay naniniwala sa Diyos nguni’t hindi naghahangad ng buhay o katotohanan o pagkakilala sa Diyos, kung gayon hindi ito paniniwala sa Diyos! Ito ba ay makatotohanan—na dapat ka pa ring naghahangad pumasok sa kaharian upang maging hari? Ang pagkakamit ng tunay na pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng paghahangad ng buhay—ito lamang ang realidad, ang paghahabol at pagsasagawa ng katotohanan—lahat ng ito ang realidad. Danasin ang mga salita ng Diyos habang binabasa ang Kanyang mga salita: Sa paraang ito, matatarok mo ang pagkakilala sa Diyos sa pamamagitan ng tunay na karanasan. Ito ang tunay na anyo ng paghahabol.



Ito ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Kung ang buhay mo man ay nakapasok na tungo sa bagong kapanahunang ito ay nakasalalay sa kung ikaw man ay nakapasok na tungo sa realidad ng mga salita ng Diyos, at kung ang Kanyang mga salita man ay naging ang realidad ng iyong buhay. Ang salita ng Diyos ay ipinaalam sa lahat nang sa gayon, sa katapusan, ang lahat ng tao ay mamumuhay sa mundo ng salita at ang salita ng Diyos ay liliwanagan at paliliwanagin ang bawat tao sa kalooban. Kung sa loob ng panahong ito, ikaw ay nagmamadali at walang-ingat sa pagbasa ng salita ng Diyos, at wala kang pagnanais sa Kanyang salita, ito ay nagpapakita na may mali sa iyong kalagayan. Kung ikaw ay hindi makapasok sa Kapanahunan ng Salita, kung gayon ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa iyo, kung ikaw ay nakapasok sa kapanahunang ito, gagawin Niya ang Kanyang gawain. Ano ang magagawa mo sa sandaling ito kapag nagsisimula itong Kapanahunan ng Salita, upang matamo ang gawain ng Banal na Espiritu? Sa kapanahunang ito, gagawin ng Diyos ang realidad na ito sa gitna ninyo: na ang bawat tao ay maisasabuhay ang salita ng Diyos, makakayang isagawa ang katotohanan, at maalab na magmamahal sa Diyos; na ang lahat ng tao ay gagamitin ang salita ng Diyos bilang saligan at kanilang realidad at mayroong mga puso ng paggalang sa Diyos; at na, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng salita ng Diyos, ang tao sa gayon ay mamumuno kasama ng Diyos. Ito ang gawain na makakamit ng Diyos. Makakaya mo bang magpatuloy na hindi nagbabasa ng salita ng Diyos? Marami sa ngayon ang nakadarama na hindi makakapagpatuloy kahit isang araw lamang o dalawa kung hindi nakakapagbasa ng salita ng Diyos. Nararapat nilang basahin ang salita ng Diyos araw-araw, at kung hindi pinahihintulutan ng panahon, sapat na ang pakikinig sa Kanyang salita. Ito ang pakiramdam na ibinibigay ng Banal na Espiritu sa tao, at kung papaano Niya sinisimulang antigin ang tao. Iyon ay, pinamumunuan Niya ang tao sa pamamagitan ng mga salita nang sa gayon ang tao ay maaaring pumasok sa realidad ng salita ng Diyos. Kung ikaw ay nakararamdam ng kadiliman at uhaw matapos lamang ang isang araw na hindi kumakain at umiinom sa salita ng Diyos, at hindi mo ito matanggap, ipinakikita nito na ikaw ay naantig na ng Banal na Espiritu, at hindi ka Niya tinalikuran. Ikaw kung gayon ay isa na nasa daloy na ito. Subali’t, kung ikaw ay walang pagtalos o hindi nakararamdam ng uhaw matapos ang isa o dalawang araw na hindi pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, at hindi mo nadarama na ikaw ay naantig, ito ay nagpapakita na tinalikuran ka ng Banal na Espiritu. Ito ay nangangahulugan, kung gayon, na ang kalagayan ng iyong kalooban ay hindi tama; hindi ka pa nakapapasok sa Kapanahunan ng Salita, at ikaw ay isa na naiwan. Ginagamit ng Diyos ang salita upang pamunuan ang tao; mabuti ang iyong pakiramdam kung kumakain at umiinom ka ng salita ng Diyos, at kung hindi, wala kang magiging daan upang sumunod. Ang salita ng Diyos ay nagiging pagkain ng tao at ang lakas na nag-uudyok sa kanya. Sinabi ng Biblia na “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.” Ito ang gawain na tutuparin ng Diyos sa araw na ito. Gaganapin Niya ang katotohanang ito sa inyo. Paano makatatagal ang tao noong nakaraan nang maraming araw na hindi nagbabasa ng salita ng Diyos nguni’t patuloy na kumakain at gumagawa? At bakit hindi ito ang kalagayan ngayon? Sa kapanahunang ito, pangunahing ginagamit ng Diyos ang salita upang pamunuan ang lahat. Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, hinahatulan at ginagawang perpekto ang tao, at sa huli ay dinadala tungo sa kaharian. Tanging ang salita ng Diyos ang nakapagtutustos ng buhay ng tao, at tanging ang salita ng Diyos ang makakapagbigay sa tao ng liwanag at ng daan ng pagsasagawa, lalo na sa Kapanahunan ng Kaharian. Hangga’t araw-araw kang kumakain at umiinom sa Kanyang salita nang hindi iniiwan ang realidad ng salita ng Diyos, makakaya kang gawing perpekto ng Diyos.



Ang isa ay hindi maaaring magmadali sa pagkamit ng tagumpay kapag naghahanap ng buhay; ang paglago sa buhay ay hindi nangyayari sa loob lamang ng isa o dalawang araw. Ang gawain ng Diyos ay karaniwan at praktikal, at ito ay nararapat sumailalim sa kinakailangang pamamaraan. Tumagal ng tatlumpu’t tatlo at kalahating taon ang nagkatawang-taong si Jesus upang ganapin ang Kanyang gawain ng pagpapapako sa krus, Lalong higit ang pagdadalisay sa tao at pagpapanibago ng kanyang buhay! Ito’y gawain ng sukdulang paghihirap. Ito rin ay hindi madaling tungkulin na gawin ang isang karaniwang tao na naghahayag sa Diyos. Ito ay lalo’t higit para sa mga tao na ipinapanganak sa bansa ng malaking pulang dragon na mahina ang kakayahan at nangangailangan ng matagal na panahon ng salita at gawain ng Diyos. Kaya huwag magmamadali na makakita ng mga bunga. Ikaw ay nararapat na maging maagap sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at higit na magsikap sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos mabasa ang Kanyang mga salita, dapat mong maisagawa ang mga iyon sa katunayan, at sa mga salita ng Diyos, ikaw sa gayon ay magkakamit ng kaalaman, kabatiran, pagtalos, at karunungan. Sa pamamagitan nito, ikaw ay magbabago nang hindi namamalayan. Kung makakaya mong tanggapin bilang iyong mga prinsipyo ang pagkain at pag-inom sa salita ng Diyos, pagbabasa ng Kanyang salita, pag-unawa rito, maranasan ito, at pagsasagawa nito, ikaw ay lalago nang hindi mo namamalayan. Ang iba ay nagsasabi na hindi niya kayang isagawa ang salita ng Diyos kahit na matapos itong nabasa. Bakit ka nagmamadali? Kapag naabot mo ang isang tiyak na tayog, makakaya mong isagawa ang Kanyang salita. Masasabi ba ng isang apat- o limang-taong-gulang na bata na hindi niya kayang kalingain o bigyang-dangal ang kanyang mga magulang? Kailangan mong malaman ngayon kung ano ang iyong tayog. Isagawa kung ano ang iyong makakaya, at iwasan na maging isa sa mga gumagambala sa pamamahala ng Diyos. Basta kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at mula ngayon gamitin mo iyan bilang iyong prinsipyo. Huwag munang mag-alala kung kaya kang gawing ganap ng Diyos. Huwag munang usisain iyon. Kumain at uminom ka lamang ng mga salita ng Diyos habang nadaraanan mo ang mga iyon, at tiyak na makakaya kang gawing ganap ng Diyos. Subali’t, may isang prinsipyo kung paano ka dapat kumain at uminom sa Kanyang salita. Huwag itong gawin na parang isang bulag subalit, sa isang banda, ay hanapin ang mga salita na kailangan mong malaman, iyan ay, ang mga may kaugnayan sa pangitain at sa kabilang banda hanapin ang dapat mong maisagawa, iyan ay, ang mga kailangan mong mapasok. Ang isang kalagayan ay tungkol sa kaalaman, at ang isa ay may kinalaman sa pagpasok. Sa oras na pareho mong nahanap, iyan ay, kapag iyong natarok na kung ano ang dapat malaman at ano ang dapat isagawa, iyong malalaman kung paano kumain at uminom sa salita ng Diyos.



Sa pagpapatuloy, ang pag-uusap tungkol sa salita ng Diyos ay ang prinsipyo ng iyong pagsasalita. Sa karaniwan, kapag kayo ay nagsasama-sama, dapat ninyong pag-usapan ang tungkol sa salita ng Diyos, gamitin ito bilang inyong paksa; pag-usapan ninyo kung anu-ano ang inyong mga nalalaman sa salita ng Diyos, kung paano ninyo isinasagawa ang Kanyang salita, at kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu. Ang kailangan mo lang gawin ay makapagbahagi tungkol sa salita ng Diyos, at paliliwanagin ka ng Banal na Espiritu. Nararapat ditong makipagtulungan ang tao kung ito ay magiging mundo ng salita ng Diyos. Kung hindi ka pumasok dito, hindi magagawa ng Diyos ang Kanyang gawain. Kapag ititikom mo ang iyong bibigat hindi magsalita tungkol sa Kanyang salita, hindi ka Niya makakayang paliwanagin. Sa tuwing wala kayong ginagawa, pag-usapan ninyo ang salita ng Diyos, at huwag kayong mag-usap nang walang kabuluhan! Hayaan mong mapuno ang iyong buhay ng salita ng Diyos-sa gayon ikaw ay isang taimtim na mananampalataya. Kahit na ang inyong pagbabahagi ay paimbabaw, iyon ay ayos lamang. Kung wala ang paimbabaw, hindi magkakaroon ng malalim. Mayroong pamamaraan kung saan kailangang sumailalim. Sa pamamagitan ng iyong pagsasanay, natatarok mo ang pagpapalinaw ng Banal na Espiritu sa iyo, at kung paano mas mabisang kumain at uminom sa salita ng Diyos. Matapos ang isang panahon ng ganoong pananaliksik, ikaw ay makapapasok sa realidad ng salita ng Diyos. Kung ikaw lamang ay mayroong paninindigang makipagtulungan ay matatanggap mo ang gawain ng Banal na Espiritu.


Mayroong dalawang kalagayan sa prinsipyo ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos: Ang una ay may kinalaman sa kaalaman, at ang isa ay pagpasok. Anong mga salita ang kailangan mong malaman? Kailangan mong malaman ang mga salita na may kinalaman sa pangitain (tulad ng, kung anong kapanahunan nakapasok ang gawain ng Diyos ngayon, anong nais makamit ng Diyos ngayon, ano ang pagkakatawang-tao, at iba pa. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa pangitain). Ano ang daan kung saan ang tao ay nararapat pumasok? Ito ay tumutukoy sa mga salita ng Diyos na dapat isagawa at pasukin ng tao. Iyon ang dalawang kalagayan ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos. Mula ngayon, kainin at inumin mo ang salita ng Diyos sa ganitong paraan. Kung mayroon kang malinaw na pagkakaunawa sa mga salita tungkol sa pangitain, hindi na kailangang patuloy na magbasa sa lahat ng oras. Ang may pangunahing kahalagahan ay ang kumain at uminom nang higit sa mga salita patungkol sa pagpasok, katulad ng kung paano mo ibabaling ang iyong puso tungo sa Diyos, paano patatahimikin ang iyong puso sa harap ng Diyos, at kung paano talikdan ang laman. Iyon ang nararapat mong isagawa. Kung hindi mo alam kung paano kainin at inumin ang salita ng Diyos, hindi posible ang tunay na pagbabahagi. Sa sandaling malaman mo kung paano kumain at uminom sa Kanyang salita, at iyong natarok kung ano ang susi, magiging malaya ang pagbabahagi. Kung anumang suliranin ang dumating, makakaya mong magbahagi tungkol sa mga iyon at matarok ang realidad. Ang pagbabahagi tungkol sa salita ng Diyos nang walang realidad ay nangangahulugang hindi mo naunawaan kung ano ang susi, at ito ay nagpapakita na hindi mo alam kung paano kumain at uminom sa Kanyang salita. Ang ilan ay nakakaramdam ng pagod kapag nagbabasa ng salita ng Diyos, na hindi karaniwang kalagayan. Ang karaniwan ay hindi kailanman maging pagod sa pagbabasa ng salita ng Diyos, palaging nauuhaw para rito, at palaging iniisip na ang salita ng Diyos ay mabuti. Ito ang kung paano kumakain at umiinom sa salita ng Diyos ang isang tunay na nakapasok. Kapag iyo nang nararamdaman na ang salita ng Diyos ay tunay na praktikal at eksaktong kung saan nararapat pumasok ang tao; kapag nararamdaman mo na ang Kanyang salita ay lubos na nakatutulong at kapaki-pakinabang sa tao, at ito ang pantustos sa buhay ng tao—ang pakiramdam na ito ay bigay sa iyo ng Banal na Espiritu, at sa pamamagitan ng iyong pagiging naantig ng Banal na Espiritu. Pinatutunayan nito na ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa iyo at hindi ka tinalikuran ng Diyos. Nakikitang ang Diyos ay laging nagsasalita, ang ilan ay napapagod sa Kanyang mga salita at iniisip na walang kapinsalaan kung magbasa man sila ng Kanyang mga salita o hindi. Hindi iyon isang karaniwang kalagayan. Ang kanilang mga puso ay hindi nauuhaw na makapasok sa realidad, at ang mga taong ganoon ay hindi nauuhaw ni nagbibigay-halaga sa pagiging pineperpekto. Sa tuwing iyong nakikita na hindi ka nauuhaw sa salita ng Diyos, ito ay nagpapakita na ang iyong katayuan ay hindi karaniwan. Sa nakaraan, kung ang Diyos ay tumalikod sa iyo ay malalaman sa pamamagitan ng kung ikaw ay may kapayapaan sa kalooban at nakaranas ng kasiyahan. Ngayon, ang susi ay kung ikaw ay nauuhaw sa salita ng Diyos, kung ang Kanyang salita ay ang iyong realidad, kung ikaw ay tapat, at kung nakakaya mong gawin ang lahat ng magagawa mo para sa Diyos. Sa madaling salita, hinahatulan ang tao sa pamamagitan ng realidad ng salita ng Diyos. Itinutuon ng Diyos sa lahat ng tao ang Kanyang salita. Kung ikaw ay handang basahin ito, ikaw ay Kanyang liliwanagan, nguni’t kung hindi, hindi Niya ito gagawin. Nililiwanagan ng Diyos ang mga nagugutom at nauuhaw para sa pagkamatuwid, at ang mga naghahanap sa Kanya. Sinasabi ng ilan na hindi sila niliwanagan ng Diyos kahit na matapos nilang mabasa ang Kanyang salita. Ngunit sa paanong paraan binasa mo ang mga salita? Kung binasa mo ang Kanyang salita na parang isang tao na minamasdan ang mga bulaklak habang nakasakay sa kabayo at hindi pinahalagahan ang realidad, paano kayo maliliwanagan ng Diyos? Paano Niya magagawang perpekto ang isang hindi nagpapahalaga sa salita ng Diyos? Kung hindi mo pinahahalagahan ang salita ng Diyos, kung gayon hindi ka magkakaroon ng alinman sa katotohanan ni realidad. Kung iyong pinahalagahan ang Kanyang salita, kung gayon makakaya mong isagawa ang katotohanan; doon ka lamang magkakaroon ng realidad. Kaya’t nararapat mong kainin at inumin ang salita ng Diyos sa lahat ng oras, kung ikaw man ay abala o hindi, kung ang mga kalagayan man ay masama o mabuti, at kung ikaw man ay sinusubukan o hindi. Sa kabuuan, ang salita ng Diyos ang saligan ng pag-iral ng tao. Walang maaaring tumalikod sa Kanyang salita at nararapat kumain ng Kanyang salita gaya ng ginagawa nilang pagkain ng tatlong beses sa isang araw. Maaari kayang ang maging ginagawang-perpekto at nakamit ng Diyos ay gayong kasimpleng bagay? Kung iyong naiintindihan o hindi sa kasalukuyan, at kung ikaw man ay mayroon o walang kabatiran sa gawain ng Diyos, ikaw ay nararapat na higit na kumain at uminom sa salita ng Diyos. Ito ang pagpasok sa isang maagap na paraan. Matapos basahin ang salita ng Diyos, magmadaling isagawa kung ano ang maaari mong pasukin, at isantabi pansamantala kung ano ang hindi maaari. Maaaring marami ang hindi mo maintindihan sa salita ng Diyos sa simula, nguni’t matapos ang dalawa o tatlong buwan, marahil ay matapos ang isang taon, ito ay iyong maiintindihan. Bakit ganito? Ito ay dahil hindi kayang gawing ganap ng Diyos ang tao sa loob ng isa o dalawang araw. Halos sa lahat ng panahon, kapag binasa mo ang Kanyang salita, maaaring hindi mo maiintidihan sa sandaling iyon. Sa puntong iyan, ito ay maaaring tila mga salita lamang, at sa pamamagitan ng isang panahon ng karanasan saka mo lamang ito maiintindihan. Ang Diyos ay nakapagsalita nang marami, kaya dapat mong gawin ang iyong makakaya upang kumain at uminom sa Kanyang salita. Hindi mo namamalayan, darating ka sa pagkaunawa at liliwanagan ka ng Banal na Espiritu. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao, madalas itong lingid sa kaalaman ng tao. Nililiwanagan at ginagabayan ka Niya kapag ikaw ay nauuhaw at naghahanap. Ang prinsipyo kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu ay nakapagitna sa salita ng Diyos kung saan ikaw ay kumakain at umiinom. Ang lahat ng hindi nagpapahalaga sa salita ng Diyos at palaging may iba pang pagtingin sa Kanyang salita, isa nang kawalang-ingat at ang paniniwala na walang pagkakaiba kung sila ay nagbabasa ng Kanyang salita o hindi, ay yaong walang realidad. Ang alinman sa gawain ng Banal na Espiritu o kaliwanagan Niya ay hindi makikita sa ganoong tao. Ang ganoong mga tao ay nagpapadala lamang sa agos, at mga mapagpanggap na walang totoong mga kakayahan, katulad ni Mr. Nanguo sa talinghaga.[a]

Kung wala ang salita ng Diyos bilang iyong realidad, wala kang tunay na tayog. Kapag dumarating ang panahon upang subukan, tiyak na matutumba ka, at pagkatapos ay mabubunyag ang iyong tunay na tayog. Nguni’t sa panahong iyon ng pagsubok, ang mga palagiang naghahangad na pumasok sa realidad ay maiintindihan ang layunin ng gawain ng Diyos. Ang isa na may konsensya at nauuhaw sa Diyos ay dapat gumawa ng praktikal na pagkilos upang masuklian ang Diyos sa Kanyang pagmamahal. Yaong mga walang realidad ay hindi makakayang tumayo nang matatag kahit sa harap ng mga walang-kuwentang bagay. Mayroong payak na pagkakaiba sa pagitan ng mga may tunay na tayog at niyaong mga wala. Bakit kapwa silang kumakain at umiinom sa salita ng Diyos, nguni’t ang ilan ay nakakayang tumayo nang matatag sa isang pagsubok samantalang ang iba ay tumatakbo palayo? Ang malinaw na pagkakaiba ay na sila’y kulang sa tunay na tayog; wala sa kanila ang salita ng Diyos bilang kanilang realidad, at ang Kanyang salita ay hindi nag-ugat sa kalooban nila. Sa oras na sila ay sinubukan, walang paraan para sa kanila. Paano nakatatayo nang matatag ang ilan? Ito ay dahil sila ay mayroong malaking pangitain, o ang salita ng Diyos ang naging kanilang karanasan at kung ano ang kanilang nakita sa katotohanan ay naging saligan sa kanilang pag-iral. Kaya nakakaya nilang tumayo nang matatag sa harap ng mga pagsubok. Ito ay tunay na tayog, at ito rin ay buhay. Ang ilan ay maaari ding basahin ang salita ng Diyos nguni’t hindi ito kailanman isinagawa o hindi masigasig patungkol dito. Yaong mga hindi masigasig ay hindi nagpapahalaga sa pagsasagawa. Yaong mga walang salita ng Diyos bilang kanilang realidad ay yaong mga walang tunay na tayog. Ang mga taong ganoon ay hindi makakayang tumayo nang matatag sa harap ng mga pagsubok.

Kapag nagsasalita ang Diyos, dapat mong kaagad na tanggapin ang Kanyang mga salita upang kumain at uminom sa mga iyon. Gaano man karami ang iyong naiintindihan, kumapit ka sa pananaw na limiin mo ang pagkain at pag-inom, pag-intindi, at pagsasagawa ng Kanyang salita. Ito ay isang bagay na nararapat mong gawin. Huwag mag-alala tungkol sa kung gaano kataas ang iyong magiging tayog; ituon mo lamang ang iyong pansin sa pagkain at pag-inom sa Kanyang salita. Ganito dapat makipagtulungan ang tao. Ang iyong espirituwal na buhay ay pangunahing para pumasok sa realidad kung saan ikaw ay kumakain at umiinom ng salita ng Diyos at isinasagawa ang mga iyon. Huwag kang tumuon sa iba pang bagay. Ang mga namumuno sa iglesia ay dapat na mapangunahan ang lahat ng kapatirang lalaki at babae sa pag-alam kung paano kakain at iinom ng salita ng Diyos. Ito ang responsibilidad ng lahat ng namumuno ng iglesia. Sila man ay bata o matanda, ang lahat ay dapat isaalang-alang ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos nang may pagpapahalaga at panatilihin ang Kanyang mga salita sa kanilang mga puso. Ang pagpasok tungo sa realidad na ito ay nangangahulugan na pagpasok sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa kasalukuyan, karamihan ay nakararamdam na hindi nila kayang mabuhay nang hindi kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, at kahit na anong oras, pakiramdam nila ang Kanyang salita ay bago. Sa gayon ang tao ay nagsisimulang malagay sa tamang landas. Ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin at tustusan ang tao. Kapag ang lahat ay naghahangad at nauuhaw para sa salita ng Diyos, ang sangkatauhan ay makapapasok sa mundo ng Kanyang salita.

Ang Diyos ay nakapagsalita nang napakarami. Gaano karami ang mayroon kang nalalaman? Gaano karami ang iyong napasok? Kung ang isang namumuno sa iglesia ay hindi napangunahan ang mga kapatirang lalaki at babae tungo sa realidad ng salita ng Diyos, siya ay nagpabaya sa kanyang tungkulin at nabigong tuparin ang kanyang mga responsibilidad! Gaano man kalalim ang iyong pagkain at pag-inom, o gaano man karami ang iyong kayang maintindihan, nararapat mong malaman kung paano kumain at uminom ng Kanyang salita; dapat mong isaalang-alang ang Kanyang salita nang may pagpapahalaga at unawain ang kahalagahan at pangangailangan ng ganoong pagkain at pag-inom. Nakapagsalita ang Diyos nang napakarami. Kung ikaw ay hindi kumakain at umiinom ng Kanyang salita, ni hinahanap o isinasagawa ang Kanyang salita, ito ay hindi masasabing paniniwala sa Diyos. Dahil ikaw ay naniniwala sa Diyos, ikaw ay dapat kumain at uminom ng Kanyang salita, danasin ang Kanyang salita, at isabuhay ang Kanyang salita. Ito lamang ang matatawag na paniniwala sa Diyos! Kung sinasabi mo sa iyong bibig na naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi maisagawa ang kahit na ano sa Kanyang mga salita o makagawa ng anumang realidad, hindi ito masasabing naniniwala sa Diyos. Sa halip, ito ay “paghahanap ng tinapay upang pawiin ang gutom.” Ang pagsasalita lamang ng mga walang-kuwentang patotoo, walang-silbing mga bagay, at mabababaw na bagay, nang wala ni katiting na realidad: ang mga ito ay hindi bumubuo sa paniniwala sa Diyos, at sadyang hindi mo lang naintindihan ang tamang paraan ng paniniwala sa Diyos. Bakit mo kailangang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos hangga’t maaari? Ibinibilang ba itong paniniwala sa Diyos kung ikaw ay hindi kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita at naghahanap lamang para makaakyat sa langit? Ano ang unang hakbang para sa isang naniniwala sa Diyos? Sa pamamagitan ng anong landas ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Maaari ka bang magawang perpekto nang hindi kumakain at umiinom ng salita ng Diyos? Maibibilang ka bang tao sa kaharian kung wala ang salita ng Diyos bilang iyong realidad? Ano nga ba ang paniniwala sa Diyos? Ang mga naniniwala sa Diyos ay nararapat magtaglay ng mabuting pag-uugali sa panlabas, sa pinakamababa, at higit na mahalaga sa lahat ay ang maangkin ng salita ng Diyos. Kahit na anong mangyari, hindi mo kailanman matatalikuran ang Kanyang salita. Ang iyong pagkakilala sa Diyos at pagtupad ng Kanyang kalooban ay nakakamit lahat sa pamamagitan ng Kanyang salita. Sa hinaharap, ang bawat bansa, denominasyon, relihiyon, at sektor ay malulupig sa pamamagitan ng salita. Magsasalita ang Diyos nang tuwiran, at ang lahat ng tao ay hahawakan ang salita ng Diyos sa kanilang mga kamay; sa pamamagitan nito ay magagawang perpekto ang mga tao. Sa loob at labas, ang salita ng Diyos ay lumalaganap saanman: Ang mga tao ay bibigkasin sa kanilang mga bibig ang salita ng Diyos, magsasagawa ayon sa salita ng Diyos, at iingatan sa kalooban ang salita ng Diyos, na kapwa sa loob at sa labas ay babad sa salita ng Diyos. Sa ganito gagawing perpekto ang mga tao. Ang mga tumutupad sa kalooban ng Diyos at kayang sumaksi sa Kanya ay yaong mga nagtataglay ng salita ng Diyos bilang kanilang realidad.

Ang pagpasok tungo sa Kapanahunan ng Salita, iyan ay, ang Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, ay ang gawain na tinatapos ngayon. Mula ngayon, isagawa ninyo ang pagbabahagi tungkol sa salita ng Diyos. Tanging sa pagkain at pag-inom sa Kanyang salita pati na ang pagdanas dito maaari mong isabuhay ang salita ng Diyos nang natural. Dapat makagawa ka ng ilang praktikal na karanasan upang makahikayat ng iba. Kung hindi mo maisasabuhay ang realidad ng salita ng Diyos, walang mahihimok! Lahat ng ginagamit ng Diyos ay maaaring isabuhay ang realidad ng mga salita ng Diyos. Kung hindi mo malilikha ang realidad na ito at makapagpapatotoo sa Diyos, nagpapakita ito na hindi ka naimpluwensyahan ng Banal na Espiritu at hindi ka pa nagagawang perpekto. Ito ang kahalagahan ng salita ng Diyos. Mayroon ka bang puso na nauuhaw sa salita ng Diyos? Yaong mga nauuhaw sa salita ng Diyos ay nauuhaw sa katotohanan, at tanging ang mga taong ganoon ang pinagpapala ng Diyos. Sa hinaharap, mayroon pang maraming salita na sasabihin ng Diyos sa lahat ng relihiyon at lahat ng denominasyon. Siya ay unang nagsasalita at binibigkas ang Kanyang tinig sa inyong kalagitnaan upang kayo ay gawing ganap bago magsalita at bigkasin ang Kanyang tinig sa mga Gentil upang sila ay lupigin. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ay taos-puso at lubos na mahihikayat. Sa pamamagitan ng salita ng Diyos at Kanyang mga pahayag, ang tiwaling disposisyon ng tao ay nababawasan. Lahat ay may anyo ng tao, at ang mapaghimagsik na disposisyon ng tao ay nababawasan din. Ang salita ay gumagawa na mayroong awtoridad sa tao at nilulupig ang tao sa loob ng liwanag ng Diyos. Ang gawain na gagawin ng Diyos sa kasalukuyang panahon, gayundin ang mga punto ng pagbaling ng Kanyang gawain ay makikitang lahat sa loob ng Kanyang salita. Kung hindi mo binabasa ang Kanyang salita, wala kang maiintindihan. Sa pamamagitan ng iyong sariling pagkain at pag-inom sa Kanyang salita, pakikibahagi sa mga kapatirang lalaki at babae, pati iyong mga tunay na karanasan, ang iyong kaalaman sa salita ng Diyos ay magiging malawak. Tanging sa gayon mo ito maisasabuhay sa realidad.

Talababa:
a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “sa talinghaga.”

--------------------------------------
Ebanghelyo ngayong araw: Sa kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, pinatawad ang tao sa kanilang mga kasalanan, at ipinagkaloob sa tao ang masaganang biyaya; sa mga huling araw, ang Panginoon ay nagpapahayag ng mga salita, gumagawa ng gawain ng paghuhukom, lubusan na nag-aalis ng mga kasalanan ng tao, naglilinis ng tao at nagdala sa tao sa kaharian ng Diyos.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?