Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Gusto ba ninyong malaman kung ano ang pinag-ugatan ng pagkalaban ng mga Fariseo kay Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang substansya ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman sa daan ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang daan ng katotohanan. Sasabihin ninyo, paano matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas?
Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang daan ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang magbigay ng walang saysay na parangal sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang pagkatao ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang mga Fariseong ito sa pagkatao ay mga sutil, mayayabang, at ayaw sumunod sa katotohanan. Ang panuntunan ng paniniwala nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito? Tatanungin Ko kayong muli: Hindi ba napakadali ninyong magagawa ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, kung isasaalang-alang na wala kayong kahit katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang mahiwatigan ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo? Kaya mo bang sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung kakalabanin mo si Cristo, sinasabi Ko na nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo. Yaong hindi nakakilala sa Mesiyas ay kayang kalabanin si Jesus, tanggihan si Jesus, siraan Siya ng puri. Ang mga taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kayang itatwa Siya, at laitin Siya. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at mas maraming tao ang huhusgahan ang pagbabalik ni Jesus sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagkawasak sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at paghamak sa lahat ng ipinahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litong-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus pagbalik Niya sa Kanyang katawang-tao sa ibabaw ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag tanggapin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko sa inyo: Ang mga taong ayaw tanggapin ang katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sa ibabaw ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang lahing lilipulin. Hinahangad lang ninyo ang biyaya ni Jesus, at gusto lang ninyong matamasa ang napakaligayang kaharian ng langit, subalit hindi naman ninyo sinunod kailanman ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi ninyo natanggap kailanman ang katotohanang ipinahayag ni Jesus pagbalik Niya sa Kanyang katawang-tao. Ano ang pinanghahawakan ninyo bilang kapalit ng katotohanan ng pagbalik ni Jesus na nasa ibabaw ng puting ulap? Ang kataimtiman ba ninyo na paulit-ulit kayong gumagawa ng mga kasalanan, at pagkatapos ay ikinukumpisal ang mga ito, nang paulit-ulit? Ano ang iaalay ninyong sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sa ibabaw ng puting ulap? Ang mga taon ba ng pagtatrabaho na nagpapadakila sa inyong sarili? Ano ang pinanghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Iyon bang mayabang ninyong kalikasan, na hindi sumusunod sa anumang katotohanan?”
—mula sa “Sa Sandaling Mamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa”
___________________________
Itinala ng Bibliya ang mga propesiya sa ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus. Bukod sa mga propesiya ng pagbaba ng Panginoon nang hayagan sa mga ulap, mayroon ding mga propesiya na ang Diyos ay magiging Anak ng tao at bababa sa lihim. Kung gayon, paano matutupad ang dalawang uri ng mga propesiyang ito?
Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesus