
Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Ang unang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay upang tulutan ang lahat na makita Siya, upang matiyak na Siya ay umiiral, at upang matiyak ang katotohanan ng Kanyang muling pagkabuhay. Bukod dito, pinanumbalik nito ang Kanyang kaugnayan sa mga tao sa kaugnayang mayroon Siya sa kanila nang siya ay gumagawa pa sa katawang-tao, at Siya ang Kristo na nagagawa nilang makita at mahipo. Sa ganitong paraan, ang isang kalalabasan ay na ang mga tao ay walang pagdududa na ang Panginoong Jesus ay nabuhay mag-uli mula sa mga patay pagkatapos mapako sa krus, at walang pagdududa sa gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan. At ang isa pang kalalabasan ay ang katotohanan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at pagtulot sa mga tao na makita at mahipo Siya ay tiniyak ang katiwasayan ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Mula sa oras na ito, ang mga tao ay hindi na makabalik sa nakaraang kapanahunan, ang Kapanahunan ng Kautusan, dahil sa ‘pagkawala’ o ‘paglayo’ ng Panginoong Jesus, ngunit sila ay magpapatuloy, susundin ang mga turo ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa. Kaya, isang bagong yugto sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ang pormal na binuksan, at ang mga tao na nasa ilalim ng kautusan ay pormal na lumabas mula sa kautusan mula noon, at pumasok sa isang bagong panahon, na may isang bagong pasimula. Ito ang sari-saring mga kahulugan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan pagkatapos ng muling pagkabuhay” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).
Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan ko na may dalawang kahulugan sa likod ng pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao sa loob ng 40 araw pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang isa ay dumating Siya upang sabihin sa tao na isinasara na ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan, at na inumpisahan na Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at magdadala sa sangkatauhan patungo sa bagong panahon. Ang iba pang kahulugan ay ginawa ito ng Diyos upang pakilusin ang mga tao na magpatunay na ang Panginoong Hesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao, at sa gayon ay tumitibay ang kanilang pananampalataya sa Diyos.
1. Nabuhay Muli ang Panginoong Hesus at Nagpakita sa Tao upang Pamunuan Sila Tungo sa Bagong Panahon at upang Matatag Silang Itayo sa Kapanahunan ng Biyaya
Inumpisahan ng Panginoong Hesus ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ipinahayag niya ang paraan ng “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17), at nagsagawa ng maraming himala gaya ng pagpapagaling ang mga may sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapalakad sa pilay at makakita ang bulag, at iba pa, upang matamasa ng mga tao ang napakaraming biyaya na nagmula sa Diyos. Ngunit ang mga tao noong panahong iyon ay hindi alam ang gawain ng Diyos, at wala silang tunay na pang-unawa na si Hesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Nang ipako sa krus ang Panginoong Hesus, hindi alam ng mga tao na ipinapahayag nito na ang Diyos ay natapos na sa gawain ng pagtubos, at kaya naman sa halip ay nahulog sila sa pagiging negatibo at kahinaan. Ang mga tao ay nagsimulang magduda sa pagkakakilanlan ng Panginoong Hesus, at ang ilan ay bumalik sa templo at nagsimulang obserbahan ang batas ng Lumang Tipan. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay nasa panganib pa rin na mamatay sa batas dahil sa kanilang mga kasalanan, at ang gawain na ginawa ng Panginoong Hesus upang tubusin ang sangkatauhan ay nananatiling hindi tapos. Sinuri ng Panginoong Hesus ang kaloob-loobang puso ng tao at lubos Niyang naintindihan ang kanilang mga pangangailangan at ang kanilang mga pagkukulang. Kaya naman, matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, nagpakita Siya at unang kinausap ang Kanyang mga disipulo, tunay na nakikipag-ugnayan sa kanila at hinahayaan silang makita na tunay nga Siyang nagbalik mula sa kamatayan, at na natapos na Niya ang Kanyang gawain upang tubusin ang sangkatauhan at nag-umpisa na ng panibagong kapanahunan. Pagkatapos noon, iniwan ng sangkatauhan ang kautusan at pumasok sa bagong panahon—ang Kapanahunan ng Biyaya. Sa ilalim ng patnubay ng gawa at mga salita ng Panginoong Hesus, ang mga tao ay nagsimulang magsanay alinsunod sa Kanyang mga turo, pinasan nila ang krus at sumunod sa Panginoon at sinunod nila ang Kanyang pagtuturo ng “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15). Kaya, sinimulan nilang ipalaganap ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian at nagpatotoo sila sa ngalan ng Panginoong Hesus upang ang lahat ng tao ay tanggapin ito at matamo ang Kanyang kaligtasan. Sa ngayon, ang ebanghelyo ng Panginoong Hesus ay pinalawak sa buong mundo at ito ay ganap na resulta ng pagpapakita ni Hesus sa tao pagkatapos na Siya ay bumalik mula sa mga kamatayan. Mula dito, makikita natin kung gaano kahalaga ang Kanyang pagpapakita sa tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay!
___________________________
Juan 20:29, sinabi ng Panginoong Jesus sa kanya, ""Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya."" Ano ang sinasabi sa atin ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng mga salitang ito na sinabi Niya kay Tomas?
Alamin ang higit pang mga detalye: Pagninilay sa Juan 20:29—Paano Maiwasan ang Pagkabigo ni Tomas