Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

01 Agosto 2020

Ano ang pakikisali sa seremonyang pangrelihiyon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang isang normal na buhay espirituwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at iba pang gayong mga pagsasagawa, nguni’t ito ay nangangahulugan na isabuhay ang isang buhay espirituwal na sariwa at masigla. Ito ay hindi tungkol sa pamamaraan, bagkus sa resulta. Iniisip ng karamihan sa mga tao na upang magkaroon ng isang normal na buhay espirituwal ang isa ay dapat manalangin, umawit, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o subukang unawain ang mga salita ng Diyos. Hindi alintana magkaroon man ng anumang resulta, o magkaroon man ng isang tunay na pagkaunawa, ang mga taong ito ay basta na lamang nagtutuon sa paggalaw sa labas—at hindi nagtutuon sa resulta—sila ang mga tao na nabubuhay sa loob ng mga ritwal ng relihiyon, at hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Ang ganitong uri ng mga panalangin at pagkanta ng tao, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay pagsunod lahat sa mga patakaran, sila ay inuudyukan na gawin ang mga ito, at ang mga ito ay ginagawa upang makisabay sa kalakaran; hindi sila ginagawa nang kusa o ginagawa mula sa puso. Hindi alintana gaano man ang idalangin o awitin ng mga taong ito, hindi magkakaroon ng anumang resulta, sapagkat lahat ng kanilang isinasagawa ay mga relihiyosong patakaran at mga ritwal, at hindi nila isinasagawa ang salita ng Diyos. Sa pagtuon lamang sa pamamaraan, at pagturing sa mga salita ng Diyos bilang mga patakaran na susundin, ang ganitong uri ng tao ay hindi isinasagawa ang salita ng Diyos, nguni’t pinalulugod ang laman, at gumagawa ng mga bagay upang purihin ng iba. Ang ganitong uri ng relihiyosong ritwal at patakaran ay nagmumula sa tao, hindi mula sa Diyos. Ang Diyos ay hindi nagpapanatili ng mga patakaran, hindi sumusunod sa anumang mga kautusan; gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw at gumagawa Siya ng praktikal na gawain. Kagaya ng mga tao sa Three-Self Church na limitado lamang sa pang-araw-araw na pagbabantay sa umaga, mga panggabing panalangin, mga pagpapasalamat bago ang pagkain, pagpapahayag ng pasasalamat sa lahat, at iba pang gayong mga pagsasagawa, gaano man karami ang gawin ng mga taong ito, o gaano man katagal nilang isagawa, hindi nila matataglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng mga patakaran, na ang kanilang mga puso ay buhos sa pagsasagawa, kung gayon ang Banal na Espiritu ay walang paraang gumawa, sapagkat ang puso ng mga tao ay abala sa mga patakaran, abala sa mga pagkaintindi ng mga tao; kung gayon ang Diyos ay walang paraan upang gumawa ng gawain; ang mga tao ay palagi na lamang mabubuhay sa ilalim ng pagkontrol ng kautusan, at ang ganitong uri ng tao ay hindi kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos.

—mula sa “May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espirituwal” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung itinuturing ng mga tao ang katotohanan bilang doktrinang dapat panghawakan sa kanilang pananampalataya, sila ba ay malamang na mahulog sa relihiyosong seremonya? At ano ang kaibahan sa pagitan ng pagkapit sa ganitong uri ng relihiyosong seremonya at ng pananampalataya ng Kristiyanismo? Maaaring may mga pagkakaiba sa pagitan ng luma at bagong mga katuruan, at ang sinasabi ay maaaring higit na malalim at higit na maunlad, nguni’t kung ang mga katuruan ay walang iba kundi isang uri ng teorya at kung ang mga ito ay nagiging isang anyo lamang ng seremonya, ng doktrina para sa mga tao—at, gayundin, hindi nila nakakamtan ang katotohanan mula rito o nakakapasok sa realidad ng katotohanan, kung gayon hindi ba’t ang pananampalataya nila’y tulad lamang ng Kristiyanismo? Sa pinakadiwa, hindi ba ito Kristiyanismo? Kung gayon sa inyong pag-uugali at sa pagganap ng inyong tungkulin, sa aling mga bagay ninyo pinanghahawakan ang pareho o katulad na pananaw ng mga mananampalataya sa Kristiyanismo? Ang paghahabol sa paimbabaw na mabuting pag-uugali, sa gayon ginagawa mo ang sukdulan para lumikha ng pagkukunwari para sa inyong mga sarili gamit ang pagpapakita ng espirituwalidad; nagbabalatkayo bilang isang taong espirituwal; nagpapakita ng anyo ng espirituwalidad sa iyong sinasabi, ginagawa, at ipinahahayag; gumagawa ng ilang bagay na, sa pagkaunawa at guni-guni ng mga tao, ay kapuri-puri—lahat ito’y paghahabol sa huwad na espirituwalidad, at ito’y pagpapaimbabaw. Tumatayo kayo sa mataas na pananalita at teorya, nagsasabi sa mga taong gumawa ng mabubuti, maging mabubuting tao, at magtuon sa paghahabol sa katotohanan, nguni’t sa inyong sariling pag-uugali at sa pagganap ng inyong tungkulin, hindi ninyo kailanman nahahanap ang katotohanan, hindi kayo kailanman nakakakilos ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, hindi ninyo kailanman nauunawaan kung ano ang binabanggit sa katotohanan, kung ano ang kalooban ng Diyos, kung ano ang mga pamantayang kinakailangan Niya sa tao—hindi ninyo kailanman sineseryoso ang anuman dito. Kapag nakakatagpo kayo ng ilang isyu, lubusan kayong kumikilos ayon sa inyong sariling kalooban at isinasantabi ang Diyos. Ang mga panlabas na pagkilos at panloob na kalagayan bang ito ay pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan? Kung walang ugnayan sa pagitan ng pananampalataya ng mga tao at kanilang paghahabol sa katotohanan, kahit ilang taon pa silang naniniwala sa Diyos, hindi nila makakayang talagang matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan. At kaya anong uri ng landas ang malalakaran ng mga taong ganyan? Paano nila sinasangkapan ang mga sarili nila sa araw-araw? Hindi ba’t ito’y sa mga salita at teorya? Hindi ba’t ginugugol nila ang kanilang mga araw sa pagsasandata sa mga sarili, binibihisan ang mga sarili ng mga salita at teorya, upang gawin ang mga sarili na mas tulad ng mga Fariseo, mas tulad ng mga tao na inaakalang naglilingkod sa Diyos? Ano ang lahat ng pagkilos na ito? Ang mga ito’y basta makakilos lamang; iwinawagayway nila ang bandila ng pananampalataya at gumaganap ng mga relihiyosong rituwal, nagsisikap dayain ang Diyos upang makamit ang kanilang layong mapagpala. Hindi nila sinasamba ang Diyos kahit paano. Sa katapusan, hindi ba’t ang grupo ng mga taong ganyan ay magwawakas tulad lamang ng mga nasa loob ng iglesia na inaakalang naglilingkod sa Diyos, at inaakalang naniniwala at sumusunod sa Diyos?

—mula sa “Tanging Kapag Namumuhay Ka sa Harapan ng Diyos sa Lahat ng Sandali Makalalakad Ka sa Landas ng Kaligtasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

May pagkahilig ang ilang tao sa pag-akit ng pansin para sa kanilang mga sarili. Sa harapan ng kanilang mga kapatid, sinasabi nilang may utang na loob sila sa Diyos, ngunit sa likuran nila, hindi nila isinasagawa ang katotohanan at kabaligtaran ang lahat ng ginagawa. Hindi ba sila tulad ng mga relihiyosong Fariseo? Ang isang taong tunay na nagmamahal sa Diyos at nasa katotohanan ay ang taong matapat sa Diyos, ngunit hindi niya ibinubunyag sa labas. Nakahanda niyang isagawa ang katotohanan kapag may pagsubok at hindi nagsasalita o kumikilos sa paraang labag sa kanyang konsensya. Nagpapakita siya ng karunungan kapag may pagsubok at may prinsipyo sa kanyang mga gawa, anuman ang kalagayan. Ang taong tulad nito ay ang tunay na naglilingkod. May ilan namang madalas na hanggang salita lamang pagdating sa pagkakautang nila sa Diyos. Ginugugol nila ang kanilang mga araw nang may mga nakakunot na noo, na nagpapakitang-gilas, at nagkukunwaring kahabag-habag ang mukha. Talagang kasuklam-suklam! At kung tatanungin mo sila, “Sa anong mga paraan ka may utang na loob sa Diyos? Mangyaring sabihin sa akin!” wala silang maisasagot. Kung ikaw ay matapat sa Diyos, huwag mo iyon banggitin sa publiko, kundi gamitin ang iyong aktwal na pagsasagawa upang ipakita ang iyong pagmamahal sa Diyos, at manalangin sa Kanya nang may tapat na puso. Mga ipokrito ang lahat ng gumagamit lamang ng salita upang pakitunguhan ang Diyos! Ang ilan ay nagsasalita ng pagkakautang sa Diyos sa bawat panalangin, at nagsisimulang umiyak kapag nananalangin sila, kahit na walang pag-antig ng Banal na Espiritu. Namamayani sa mga taong tulad nito ang mga relihiyosong ritwal at pagkaunawa; namumuhay sila sa mga naturang ritwal at pagkaunawa, laging naniniwala na ang mga naturang kilos ay kalugud-lugod sa Diyos, at ang paimbabaw na kabanalan o malulungkot na luha ay nililingap ng Diyos. Anong mabuting maidudulot ng mga kakatwang bagay na ito? Upang ipakita ang kanilang pagpapakumbaba, kunwaring nagpapakita ng kagandahang-loob kapag nagsasalita sa presensya ng iba. Ang ilan ay sinasadyang magpa-alila sa presensya ng iba, gaya ng isang tupa na walang kahit anong lakas. Ganitong uri ba ng mga tao ang nasa kaharian? Ang taong nasa kaharian ay dapat na buhay na buhay at malaya, walang-sala at bukas ang kalooban, tapat at kaibig-ibig; isang namumuhay sa kalagayan ng kalayaan. Mayroon siyang karakter at dignidad, at kaya niyang tumayong saksi saanman siya magpunta; siya ay parehong kinalulugdan ng Diyos at ng tao. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay may napakaraming panlabas na gawi; kailangan muna nilang sumailalim sa isang panahon ng pakikitungo at pagbasag. Ang mga may pananalig sa Diyos sa kanilang mga puso ay hindi kakaiba sa panlabas na paningin ng iba, ngunit ang kanilang mga kilos at gawa ay kapuri-puri sa iba. Tanging ang mga tao lamang na ito ang maituturing na nagsasabuhay sa salita ng Diyos. Kung araw-araw kang mangangaral ng ebanghelyo sa taong ito at sa isa pa, hihikayatin sila sa kaligtasan, ngunit sa katapusan, ay namumuhay ka pa rin sa mga patakaran at doktrina, hindi mo mabibigyan ng luwalhati ang Diyos kung gayon. Ang mga naturang uri ng tao ay relihiyoso, at ipokrito rin.

—mula sa “Sa Pananampalataya, Kailangang Magtuon ang Isang Tao sa Realidad—Ang Pagsali sa mga Relihiyosong Ritwal ay Hindi Pananampalataya” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa panahon ng pagpasok ng tao, ang buhay ay palaging nakakabagot, puno ng mga walang-pagbabagong elemento ng espirituwal na buhay, katulad ng kaunting pananalangin, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, o pagbuo ng mga pagtitipon, kaya’t palaging nadarama ng mga tao na ang paniniwala sa Diyos ay hindi nagdudulot ng malaking kasiyahan. Ang gayong mga espirituwal na gawain ay laging isinasakatuparan batay sa orihinal na disposisyon ng sangkatauhan, na natiwali na ni Satanas. Bagaman paminsan-minsan ay nakakatanggap ang mga tao ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, ang kanilang orihinal na pag-iisip, disposisyon, paraan ng pamumuhay at mga kaugalian ay nag-uugat pa rin sa kaloob-looban, kaya’t ang kanilang kalikasan ay nananatiling di-nagbabago. Ang kinasusuklaman ng Diyos nang higit sa lahat ay ang mga mapamahiing gawain ng mga tao, nguni’t maraming tao pa rin ang hindi kayang bitawan ang mga iyon, iniisip na ang mga mapamahiing gawaing ito ay iniatas ng Diyos, at kahit ngayon hindi pa lubusang nabibitawan ang mga iyon. Ang mga bagay na kagaya ng isinasaayos ng mga kabataan para sa kapistahan ng kasalan at dote para sa mga babaeng ikakasal; mga regalong pera, mga handaan, at katulad na mga pamamaraan ng pagdiriwang ng masasayang okasyon; mga sinaunang pormula na namana; ang lahat ng walang-kabuluhang mapamahiing gawain na isinasagawa sa ngalan ng mga patay at seremonya ng paglilibing sa kanila, higit pang kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng ito. Kahit ang araw ng pagsamba (pati na ang Sabbath, na sinusunod ng mundo ng relihiyon) ay kinamumuhian ng Diyos; at lalo pang higit na kinamumuhian at tinatanggihan ng Diyos ang kaugnayang panlipunan at makamundong pag-uugnayan sa pagitan ng lalaki at lalaki. Hindi iniatas ng Diyos kahit na ang Pista ng Tagsibol at Araw ng Pasko na kilala ng lahat ng tao, lalo na ang mga laruan at dekorasyon (mga pares-pares, keyk sa Bagong Taon, mga paputok, mga parol, mga regalo sa Pasko, mga salu-salo sa Pasko at Banal na Komunyon) para sa maliligayang araw ng pagdiriwang na ito—hindi ba mga idolo sa isipan ng mga tao ang mga ito? Ang pagpipira-piraso ng tinapay sa araw ng Sabbath, alak, at pinong lino ay lalong higit pang talagang mga idolo. Ang lahat ng iba’t ibang tradisyonal na araw ng kapistahan na kilala sa Tsina, tulad ng “Dragon Heads-raising Day,” ang “Dragon Boat Festival,” “Mid-Autumn Festival,” ang “Laba Festival,” at Araw ng Bagong Taon, at ang mga pista sa mundo ng relihiyon tulad ng Pasko ng Pagkabuhay, Araw ng Pagbibinyag, at Araw ng Pasko, ang lahat ng di-makatwirang pistang ito ay isinaayos at ipinamana mula sa unang panahon hanggang sa kasalukuyan ng maraming tao, at lubos na di-kaayon sa lahi ng tao na nilikha ng Diyos. Ang mayamang imahinasyon at malikhaing pagkaintindi ng sangkatauhan ang nagsanhi sa mga ito na maipasa hanggang sa ngayon. Ang mga iyon ay tila walang kapintasan, nguni’t sa katunayan ay mga panlilinlang ni Satanas sa sangkatauhan. Habang mas higit na pinagtitipunan ng mga Satanas ang isang lokasyon, at mas lipas at paurong ang lugar na iyon, ay mas malala ang mga pyudal na kaugalian. Ang mga bagay na ito ay nagbibigkis sa mga tao nang mahigpit, na hindi na sila makakilos. Tila nagpapakita ng lubhang pagiging orihinal ang marami sa mga pista sa mundo ng relihiyon at tila lumilikha ng isang tulay sa gawain ng Diyos, nguni’t ang mga iyon sa katunayan ay hindi-nakikitang mga tali ni Satanas na gumagapos sa mga tao upang hindi makilala ang Diyos—ang mga iyon ay lahat tusong panlalansi ni Satanas. Sa katunayan, kapag ang isang yugto ng gawain ng Diyos ay tapos na, nawasak na Niya ang mga kasangkapan at estilo ng panahong iyon, na walang naiwang anumang bakas. Gayunman, ang “matatapat na mananampalataya” ay patuloy na sinasamba ang mga nahihipong materyal na mga bagay; samantala isinasantabi nila sa kanilang mga isipan ang kung anong mayroon ang Diyos, hindi na ito pinag-aaralan pa, tila baga puno ng pag-ibig sa Diyos nguni’t ang totoo Siya ay matagal nang itinulak palabas ng bahay at inilagay si Satanas sa hapag upang sambahin. Ang mga larawan ni Jesus, ang Krus, si Maria, ang Bautismo ni Jesus at ang Huling Hapunan—ang lahat ng ito ay iginagalang ng mga tao bilang Panginoon ng Langit, habang paulit-ulit na sumisigaw ng “Diyos Ama.” Hindi ba ang lahat ng ito ay isang biro? …

Ang pinakamahusay na paraan upang baguhin ang disposisyon ng tao ay baligtarin yaong mga bahagi sa kaibuturan ng mga puso ng mga tao na pinakamatinding nalason, na nagpapahintulot sa mga tao na magsimulang baguhin ang kanilang pag-iisip at moralidad. Una sa lahat, kailangang malinaw na makita ng mga tao na ang lahat ng seremonyang ito ng relihiyon, mga relihiyosong gawain, mga taon at mga buwan, at mga pista ay kinasusuklaman ng Diyos. Dapat silang lumaya mula sa mga gapos na ito ng pyudal na pag-iisip at wasakin ang bawat bakas ng kanilang malalim na pagkahilig sa pamahiin. Ang lahat ng ito ay kasama sa pagpasok ng sangkatauhan.

—mula sa “Gawain at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Kabilang sa wastong espirituwal na buhay ang wastong pagdarasal, pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, pagbabahagi ng katotohanan, pagganap sa tungkulin, at pagkanta ng mga awitin ng papuri. Ang mga gawaing ito ay lubhang kapaki-pakinabang sa pagpasok ng mga tao sa katotohanan at pagbabago ng disposisyon. Gayunman, ang mga relihiyosong ritwal ay basta na lang ginagawa, hindi seryoso ang isang tao sa kanyang sinasabi, mahinang klase, walang sigla, at mapagkunwari. Lahat ng ito ay paimbabaw na pamamaraan ng panloloko sa Diyos. Ang pagsasagawa ng mga relihiyosong ritwal ay hiwalay sa realidad at wala ni katiting na realidad—pagsasambit ito ng mga salita para lamang magpakitang-tao, at walang-wala itong epekto. Ang wastong espirituwal na buhay ay lubos na nakabatay sa realidad; nagmumula ito sa pagsama sa realidad, at bukod pa riyan ay katapatan ito na nagmumula sa puso, at sa gayon, epektibo ito at masayang tinatanggap ng Diyos. Halimbawa, ang wastong panalangin: Nagsisimula ito sa aktuwal na mga paghihirap ng tao at sa mga pangangailangan nila sa buhay. Kumakatawan ito sa tunay na mga pangangailangan ng kanilang kalooban, at sa gayon ay natatamo nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Gayunman, ang panalangin sa konteksto ng mga relihiyosong ritwal ay labag sa prinsipyong ito. Maaaring basta umusal ng ilang panalangin ang isang tao sa anumang oras o saanmang lugar nang walang damdamin, samantalang sa kanyang puso ay sawa na siya at wala itong kabuluhan. Paano niya matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu? Malinaw na ayaw niyang magdasal ngunit pinipilit niyang magdasal—labag ito sa prinsipyo. Sa normal na sitwasyon, hindi maaaring magdasal palagi ang isang tao; kapag hindi siya nagdarasal, maaari siyang kumain at uminom ng salita ng Diyos, at magbahagi tungkol sa katotohanan. Ito’y dahil ang espirituwal na buhay ay isang bagay na hindi maaaring kontrolin, kundi natutukoy lamang alinsunod sa sariling kalagayan at aktuwal na mga pangangailangan ng isang tao. Ito lamang ang paraan para makakuha ng magagandang resulta. Ang tunay na espirituwal na buhay ay wasto at nangyayari ito kapag likas na nagaganap ang mga bagay-bagay. Hindi man lamang ito binubuo ng pagsunod sa mga regulasyon o pagdaraos ng mga ritwal. Ang mga relihiyosong ritwal ay pawang mga regulasyon at pagpapakitang-tao; walang seryosong paghahangad. Kaya nga tinatawag ng Diyos ang mga ito na pagkukunwari. Ang wastong espirituwal na buhay ay nagmumula sa pagdanas ng gawain ng Diyos, at ito ay pagsasama ng gawain ng Banal na Espiritu at ng pagkilos na pinasimulan ng mga tao. Bagama’t walang mga regulasyon o ritwal sa ganitong klaseng espirituwal na buhay, talagang naghahatid ito ng tunay na kapaki-pakinabang na mga resulta. Kapag nagbago ka mula sa pagiging relihiyoso tungo sa wastong espirituwal na buhay, saka ka lamang nakapasok sa tamang landas ng pananalig sa Diyos.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

_________________________

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?