Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Masama ay Nararapat Parusahan
Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung ang lahat ng iyong pagkilos ay nasusubaybayan ng Diyos, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Matatawag kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at kasakdalan, ay mga matuwid at kinalulugdan ng Diyos. Habang mas tinatanggap ninyo ang mga Salita ng Diyos ngayon mismo, mas nagagawa ninyo matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga Salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan. Ito ang komisyon ng Diyos sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong makamtan. Kung gumagamit kayo ng mga pananaw upang sukatin at ilarawan ang Diyos, na parang ang Diyos ay tulad ng isang di-nagbabagong imahen na gawa sa luwad, at kung nililimitahan ninyo ang Diyos sa Biblia, at pinipigilan ninyo Siya sa limitadong saklaw ng paggawa, ito ay nagpapatunay na hinatulan ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, ang mga Hudyo sa panahon ng Lumang Tipan ay ginawang isang hinulmang idolo ang Diyos, na parang ang Diyos ay tatawagin lamang Mesiyas, at tanging Siya lang na tinatawag na Mesiyas ay Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba nila Siya na parang isang (walang buhay na) imaheng gawa sa luwad, pinako nila si Jesus sa krus sa panahong iyon, na hinatulan nila Siya ng kamatayan—at walang pag-aalinglangang pinarusahan ang inosenteng si Jesus ng kamatayan. Walang ginawang krimen ang Diyos, ngunit hindi pinalampas ng tao ang Diyos at di nagdalawang isip na bigyan Siya ng parusang katamayan.