Kidlat ng Silanganan | Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago sa araw-araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pagbubunyag ng bukas ay nagiging mas mataas kaysa sa ngayon, bawat hakbang ay umaakyat nang mas mataas. Ganoon ang gawain kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi kaya ng taong makipagsabayan, kung gayon ay maaari siyang pabayaan sa anumang oras. Kung ang tao ay walang masunuring puso, kung gayon ay hindi siya makasusunod hanggang sa katapusan. Ang lumang kapanahunan ay lumipas na; ngayon ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat gawin. Lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, gagampanan ng Diyos ang bagong gawain nang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sumunod sa mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay nananahan hindi sa pamamagitan ng mga tuntunin, ni hindi rin Niya itinuturing ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi nagbabago. Sa halip, ang gawain na ginawa ng Diyos ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit pang praktikal sa bawat hakbang, higit pang ayon sa aktuwal na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang maranasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na maaari niyang makamit ang pangwakas na pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay lumalagong mas mataas, kaya gayon din ang gawain ng Diyos na nagiging mas mataas. Tanging sa paraang ito magagawa ng tao na maabot ang pagka-perpekto at maging karapat-dapat para gamitin ng Diyos. Sa isang dako, ang Diyos ay kumikilos sa ganitong paraan upang kontrahin at baligtarin ang mga paniwala ng tao, habang isang banda, upang akayin ang tao sa isang mas mataas at mas makatotohanang kalagayan, sa pinakamataas na antas ng paniniwala sa Diyos, upang sa bandang katapusan, ang kalooban ng Diyos ay matapos. Ang lahat yaong may isang suwail na kalikasan at may isang pusong mapanlaban ay pababayaan sa mabilis at makapangyarihang gawaing ito; tanging ang mga may masunuring puso lamang at gustong magpakumbaba ang susulong sa dulo ng daan. Sa ganoong gawain, ang lahat sa inyo ay dapat matutong pasailalim at isantabi ang iyong mga paniwala. Ang bawat hakbang ay dapat isagawa nang may pag-iingat. Kung kayo ay hindi maingat, tiyak na kayo ay magiging isa sa mga kinasusuklaman at tinatanggihan ng Banal na Espiritu at isang sumisira sa gawain ng Diyos. Bago sumailalim sa yugto ng gawaing ito, ang lumang mga tuntunin at mga kautusan ng tao ay hindi na mabilang at sila ay nadala, at bilang resulta, sila ay naging mayabang at nakalimutan ang kanilang mga lugar. Ang lahat ng ito ay mga balakid sa daan ng tao na tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos at mga salungat sa tao na lumalapit upang makilala ang Diyos. Mapanganib para sa tao na hindi magkaroon ng pagsunod sa kanyang puso o ng isang matinding pagnanasa para sa katotohanan. Kung susundin mo lamang ang gawain at angkaraniwang mga salita, at hindi kayang tanggapin ang alinman sa isang mas malalim na sidhi, kung gayon ikaw ay isa sa nananatili sa lumang mga pamamaraan at hindi magawang sumabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ng Diyos ay naiiba sa lahat ng mga yugto ng panahon. Kung magpapakita ka ng mahusay na pagsunod sa isang bahagi, ngunit sa susunod na bahagi ay magpakita ng mas mababa o halos wala, kung gayon ay dapat kang talikdan ng Diyos. Kung patuloy kang sasabay sa Diyos habang Siya’y umaakyat sa hakbang na ito, kung gayon ay kailangan mong ipagpatuloy ang pagsabay kapag Siya ay aakyat sa susunod. Tanging gayong mga tao ang masunurin sa Banal na Espiritu. Dahil naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manatiling tapat sa iyong pagsunod. Hindi maaaring basta ka lamang susunod kapag gusto mo at susuway kapag ayaw mo. Ang ganitong paraan ng pagsunod ay hindi inaayunan ng Diyos. Kung hindi mo kayang makasabay sa bagong gawain na Aking pinagsamahan at patuloy na hahawak sa dating kasabihan, gayon papaano magkakaroon ng paglago sa iyong buhay? Sa gawain ng Diyos, tutustusan ka Niya sa pamamagitan ng Kanyang salita. Kapag sinunod at tinanggap mo ang Kanyang salita, kung gayon ang Banal na Espiritu ay siguradong kikilos sa iyo. Ang Banal na Espiritu ay kumikilos nang eksakto sa paraan ng Aking pagsasalita. Gawin mo ang aking sinabi, at ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ilalabas Ko ang isang bagong liwanag para makita ninyo at dadalhin kayo sa kasalukuyang liwanag. Kapag lumakad ka sa liwanag na ito, ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ang ilan ay maaaring ayaw sumunod at sasabihin, “Hindi ko gagawin ang tulad ng sinasabi mo.” Kung gayon ay sasabihin Ko sa iyo ngayon na ito na ang dulo ng daan. Ikaw ay natuyo na at wala ng buhay. Samakatuwid, sa pagkaranas ng pagbabago ng iyong disposisyon, napakahalaga na makasabay sa kasalukuyang liwanag. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang kumikilos sa ilang mga tao na ginamit ng Diyos, ngunit mas higit pa sa iglesia. Siya ay maaaring kumikilos sa sinuman. Siya ay maaaring kumilos sa iyo ngayon, at pagkatapos mong maranasan ito, Siya ay maaaring sunod na kumilos sa iba. Sumunod ng maigi; mas sinusunod mo ang kasalukuyang liwanag, mas lalago ang iyong buhay. Sundin sila kung saan ang Banal na Espiritu ay kumikilos, kahit anumang uri ng tao siya. Kunin ang kanyang mga karanasan sa iyong sarili, at makatatanggap ka ng mas mataas pang mga bagay. Sa paggawa nito ay makikita mo ang mas mabilis na pag-unlad. Ito ay ang landas ng pagiging perpekto para sa tao at paraan para lumago ang buhay. Ang landas tungo sa pagiging perpekto ay maaabot sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa mga gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung anong uri ng tao ang gagamitin ng Diyos upang gawin kang perpekto, ni sa pamamagitan ng kung anong tao, pangyayari, o bagay na dadalhin Niya sa iyo na pakinabangan at tutulungan kang makakuha ng ilang mga pananaw. Kung magagawa mong lumakad sa tamang daan na ito, ito ay nagpapakita na may dakilang pag-asa para sa iyo upang gawing perpekto ng Diyos. Kung hindi mo ito magagawa, ito ay nagpapakita na ang iyong hinaharap ay kapanglawan at isang kadiliman. Kapag lumakad ka sa tamang daan, mabibigyan ka ng pagbubunyag sa lahat ng mga bagay. Hindi alintana kung ano ang maaaring ibunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung magpapatuloy ka sa iyong karanasan sa batayan ng kanilang kaalaman, kung gayon ay magiging buhay mo ito, at magagawa mong tustusan ang iba dahil sa karanasang ito. Ang mga magtutustos sa iba sa pamamagitan ng ginayang mga salita ay mga walang karanasan; dapat matutunan mo ang paghahanap, sa pamamagitan ng pagliliwanag at paglilinaw sa iba, isang paraan ng pagsasagawa bago magsalita ng iyong sariling aktuwal na karanasan at kaalaman. Ito ay magiging malaking pakinabang sa iyong sariling buhay. Dapat mong maranasan sa paraang ito, sumusunod sa lahat na nanggagaling sa Diyos. Dapat mong hanapin ang isip ng Diyos sa lahat ng mga bagay at matuto ng mga leksiyon sa lahat ng mga bagay, na lumilikha ng paglago sa iyong buhay. Ang ganitong pagsasagawa ang magdudulot ng pinakamabilis na paglago.