Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng Diyos | Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama
Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa ibabaw ng lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lamang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala sa sandaling umiral ang sangkatauhan at sa sandaling ang sangkatauhan ay naging tiwali. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing okupado ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa katiwalian ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at iligtas ang sangkatauhan, na naging tiwali, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Kung ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay yaong walang digmaan, walang dumi, walang patuloy na kalikuan. Ito ang sinasabi na kulang ang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa salungat na mga puwersa), katiwalian ni Satanas, pati na rin sa pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng paglikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matahimik na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala nang kalikuan ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala nang pagsalakay ng anumang salungat na mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong kaharian; sila ay hindi na maging isang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas, ngunit sa halip ay isang sangkatauhan na iniligtas pagkatapos ng pagiging tiwali sa pamamagitan ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Naiwala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalan ng kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati nang hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa pag-galaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pagbuo, o ang ibig sabihin na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay katulad ng gayon: Si Satanas ay nawasak; ang mga masamang tao na sumapi kay Satanas sa kanyang masamang gawain ay naparusahan at naalis na; lahat ng mga puwersa laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya gagawin ang Kanyang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang lahat ng sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; wala ang katiwalian ni Satanas, o hindi mangyayari ang anumang bagay na liko.