Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

21 Disyembre 2017

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan


Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan 


Panimula


Awa ng Diyos sa Sangkatauhan
Ang "awa" ay pwedeng unawain sa iba't-ibang paraan.
Ang magmahal at pag-iingat at pag-aalaga.
Ang "awa" ito'y malalim at masidhing pagkapit.
Ito ay pag-aalagang ayaw manakit.
Ang lahat ng ito'y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito'y pahayag ng damdaming sila'y di isusuko.
Ang lahat ng ito'y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito'y pahayag ng damdaming sila'y di isusuko.

20 Disyembre 2017

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos



Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos


Panimula

Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos
Sangkatauhang tinapakan ni Satanas,
sina Eba at Adan ay di na naging tulad sa simula ng paglikha.
Ngunit puno ng mga paniwala, kaalaman, imahinasyon
at mga bagay na salungat sa Maylikha.
Puno ng tiwaling disposisyon.
Gayunpaman, sa mata ng Diyos sila'y Kanya pa ring nilikha.
'Pag narinig ng tao ang tawag ng Lumikha,
tinig Nya'y hahanapin agad kung saan ito nanggagaling.
'Pag ang anyo ng Lumikha ay masilayan man lang,
lahat ay kanyang iiwan upang sarili'y ilaan,
buhay ma'y handang ialay para sa Diyos.

19 Disyembre 2017

Awit ng Papuri | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos


Kidlat ng Silanganan | Awit ng Papuri | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos


Panimula


Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos
Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob
at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa,
sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao'y walang alitan;
hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.
Ang lupa ay sa langit, langit at lupa’y nagkaisa.
Tao’y nagiging bigkis ng langit at lupa.
Salamat sa kabanalan at pagbabago ng tao,
di na nakubli ang langit sa lupa,
at lupa’y kinikibo na ang langit.
Mga tao'y walang alitan;
hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.

18 Disyembre 2017

Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos




Kidlat ng Silanganan |  Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos


Panimula


Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Awit ng Papuri | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan


 Kidlat ng Silanganan | Awit ng Papuri | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan


Panimula

Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan
Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya.
Makilala Ka'y karangalan ko, puso ko'y alay sa 'Yo tunay na Diyos,
ibinigay ko ang aking puso sa Iyo.
Lambak ng Luhang ma'y dinaanan, rikit ng Diyos kita.
Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko'y galing Sa 'Yo.
Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso'y kapit sa Kanya.
Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko'y umigkas.
Pinagpalang lupain ng Canaan, ang lahat ay sariwa, ang lahat ay may buhay.
Makapangyarihang Diyos Kanyang tinig, inakay tayo sa Kapanahunan ng Kaharian.
Sa Kanyang salita landas ay mahanap,
makikita ang landas na dapat tao'y lumakad.
Pangarap na langit ngayo'y tunay, di na hahanapin, papangarapin.
Mga bit'win sa langit ay ngumingiti sa akin, araw tumatango,
sa sikat n'ya, ula't hamog, buhay namu'nga ng hinog.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?