Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

11 Enero 2018

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (1) - Bato, Bato, Pick




Kidlat ng SilangananDrama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (1) - Bato, Bato, Pick


Isang grupo ng masisigla at kaibig-ibig na mga kabataan ang walang-malay na naglalaro nang itanong nila nang diretsahan, nang hindi nag-iisip, na: "Saan nanggaling ang sangkatauhan?" Alam mo ba ang sagot sa tanong na ito? 

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

10 Enero 2018

Kuwento ni Xiaozhen | Drama-musikal



Kidlat ng SilangananKuwento ni Xiaozhen | Drama-musikal


Si Xiaozhen ay dating isang wagas at mabait na Kristiyanoitsura, na laging taos-pusong makipagkaibigan. Gayunman, nang makikinabang sila, naging kaaway niya ang dati niyang mga kaibigan. Matapos masaktan sa trahedyang ito, napilitan si Xiaozhen na talikuran ang kanyang tunay na niloloob at mga prinsipyo. Nagsimula siyang magtaksil sa sarili niyang mabuting konsiyensya at kalooban, at nagumon sa burak ng masamang mundo. … Nang magkasala siya at magpakasama, tinapak-tapakan siya ng mundo at tinadtad siya ng mga peklat at pasa. Wala na siyang masulingan, at nang mawalan na siya ng pag-asa, sa huli ay napukaw ng taos-pusong panawagan ng Makapangyarihang Diyos ang puso't diwa ni Xiaozhen …

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

09 Enero 2018

Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo



    Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. Ibinigay natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinalikuran ang kanilang mga buhay may asawa, at ang ilan ay ipinamigay na ang kanilang mga inipon. Anong walang pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay nalampasan kahit ang mga banal sa nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kung sinumang Kanyang naisin, at habag sa sinumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay nakita na rin ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay naabot na rin ang Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ating nakikini-kinita na ang ating debosyon at pagpapagal ay ating inilalaan para sa ating pagsalubong sa ating Panginoon sa hangin. Higit sa lahat, wala ni katiting na pag-aatubili, inilalagay natin ang ating sarili sa trono sa hinaharap, pinamumunuan ang lahat ng mga bansa at mga tao, o mga namamahala bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaakala nating ibinigay na, o isang bagay na maaasahan.

Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono



Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono


Panimula



Ang matagumpay na Hari
ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono.
Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na
ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian.
Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay
at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan
ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.
Sa Kanyang kamahalan
hinahatulan Niya ang masamang sanlibutan;
hinahatulan Niya ang lahat ng mga bansa
at lahat ng mga tao, ang lupa at mga dagat
at ang lahat ng nabubuhay na mga bagay na nasa kanila,
gayon din sila na lasing sa alak ng kalaswaan.

08 Enero 2018

Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan


   
     Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng kautusan ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang ating mga isip at katawan ay hindi para sa kautusan ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa kautusan ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?