Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng Diyos | Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas
Ang nilakaran pa lamang ninyo ay isang napakaliit na bahagi ng landas ng isang sumasampalataya sa Diyos, at hindi pa kayo nakapasok sa tamang landas, kaya malayo pa rin kayo mula sa pagtatamo ng pamantayan ng Diyos. Sa ngayon, ang inyong tayog ay hindi sapat upang matugunan ang Kanyang mga kinakailangan. Dahil sa inyong kakayahan at sa inyong katutubong tiwaling kalikasan, palagi kayong padalus-dalos sa pagtrato sa gawain ng Diyos at hindi ito sineseryoso. Ito ang inyong pinakamalaking pagkukulang. Tangi sa roon, wala kayong kakayahan na mahanap ang landas ng Banal na Espiritu. Hindi ito naunawaan ng karamihan sa inyo at hindi ito nakikita nang malinaw. Higit sa rito, karamihan sa inyo ay hindi nagtutuon ng pansin sa usaping ito, at hindi gaanong seryoso tungkol rito. Kung magpapatuloy kayong gumawi kagaya nito at hindi nalalaman ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ang landas na inyong tinatahak bilang isang sumasampalataya sa Diyos ay magiging walang saysay. Ito ay dahil hindi ninyo ginagawa ang lahat sa inyong kapangyarihan upang hangarin na matupad ang kalooban ng Diyos, at sapagkat hindi kayo nakikipagtulungan nang husto sa Diyos. Hindi sa ang Diyos ay hindi gumawa sa iyo, o na hindi ka kinilusan ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil sa ikaw ay masyadong walang ingat at hindi mo sineseryoso ang gawain ng Banal na Espiritu. Dapat mong kaagad na papanumbalikin ang mga bagay at lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Ito ang pangunahing paksa sa kasalukuyan. Itong “landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu” ay ang pagkakamit ng mga tao ng pagliliwanag sa kanilang espiritu, mayroon silang kaalaman ukol sa salita ng Diyos, nagkakamit sila ng kaliwanagan sa landas nila sa hinaharap, at nagagawa nilang pumasok sa katotohanan nang unti-unti, at lalo pang nakararating sa pagkaunawa sa Diyos. Ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu ay pangunahin na ang mga tao ay magkaroon ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, malaya mula sa mga paglihis at mga maling akala, upang malakaran nila ito. Upang matamo ang epektong ito, kailangan ninyong gumawa nang may pagkakaisa kasama ang Diyos, maghanap ng isang tamang landas na isasagawa, at lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. May kinalaman ito sa pakikipagtulungan sa panig ng tao, iyon ay, kung ano ang inyong gagawin upang matamo ang mga kinakailangan ng Diyos sa inyo, at kung paano kayo gagawi upang pumasok sa tamang landas.