Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

12 Pebrero 2020

Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?


Biblia | Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?

Sa dalawang libong taon, tayo ay naniwala sa Panginoon ayon sa Biblia, at napakarami sa atin ang naniniwalang "Ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Tama ba ang mga ideyang ito? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos? Ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Biblia? Ano ang relasyon sa pagitan ng Biblia at Diyos? Nangangahulugan ba na ang bulag na pananampalataya at pagsamba sa Biblia ay ang paniniwala at pagsamba ninyo sa Diyos? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!
————————————————————————————————
Ano ang tunay na paniniwala sa Diyos? Paano dapat manalig sa Diyos ang isang tao para matamo ang Kanyang papuri?

09 Pebrero 2020

Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananalig sa Makapangyarihang Diyos

Buhay na walang hanggan | Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananalig sa Makapangyarihang Diyos


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’y naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian.

06 Pebrero 2020

"Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos"


kalooban ng Diyos | "Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaniyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kaniyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang masamang disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan. Ito ay tiyak na dahil ang mga pangunahing bagay ng tao ay pinasama ni Satanas, at ganap na hindi na tulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila, na ang tao ay lumalaban sa Diyos at hindi na nauunawaan ang katotohanan. Kaya, ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao ay dapat magsimula sa kanyang pag-iisip, pang-unawa at katinuan na siyang makapagpapabago sa kaniyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan." 
Pinagmumulan: https://tl.godfootsteps.org/videos/unchanged-disposition-is-enmity-to-God-word.html

03 Pebrero 2020

Ang Aking Ama, ang Pastor


Ebanghelyo | Ang Aking Ama, ang Pastor

Si Chi  Shou, isang relihiyosong pastor na apatnapu't taon nang nananampalataya sa Panginoon, ay palaging nanghawak sa pananaw na "lahat ng salita at gawain ng Panginoon ay nasa Biblia," at "ang paniniwala sa Panginoon ay hindi maaaring lumihis mula sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay nangangahulugang paniniwala sa Panginoon." Noong tinanggap ng kanyang anak na babae ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, gumawa sila ng kanyang asawa ng plano para pigilan siya. Sa araw na ito, babalik ang kanyang anak para magpatotoo sa kanila sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, at nagkaroon ng mainit, matalino, ngunit seryosong pagtatalo ang pamilya …
Pinagmumulan : https://tl.godfootsteps.org/videos/my-father-the-pastor.html

31 Enero 2020

Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob




Tagalog worship songs | Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob


I
Tanaw ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa taas,
at nangingibabaw sa lahat mula sa taas.
Kaligtasa'y ipinadala din ng Diyos sa mundo.
Nakamasid lagi ang Diyos mula sa lihim Niyang dako,
bawat kilos ng tao, sinasabi't ginagawa.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?