Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

23 Nobyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Landas… (4)

Kaharian, pag-ibig, buhay, hanapin,Diyos

Kidlat ng Silanganan | Ang Landas… (4)


  Na nakakaya ng mga tao na matuklasan ang kariktan ng Diyos, mahanap ang daan ng pagmamahal sa Diyos sa kapanahunang ito, at na sila ay handang tanggapin ang pagsasanay ng Kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at lalong higit pa, ito ay Siya na nagtataas sa sangkatauhan. Kapag iniisip Ko ito nadarama Ko nang matindi ang kariktan ng Diyos. Tunay na minamahal tayo ng Diyos. Kung hindi, sino ang makakatuklas sa Kanyang kariktan? Dito Ko lamang nakikita na ang lahat ng gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Sarili Niya, at ang mga tao ay ginagabayan at pinapatnubayan ng Diyos. Ako ay nagpapasalamat sa Diyos para dito, at nais Kong samahan Ako ng Aking mga kapatirang lalaki at babae sa pagpupuri sa Diyos: “Lahat ng kaluwalhatian ay suma-Iyo, ang pinakamataas na Diyos Sarili Niya! Nawa ang Iyong kaluwalhatian ay sumagana at mabunyag sa mga kasama namin na Iyong pinili at natamo.” Ako ay nakatamo ng pagliliwanag mula sa Diyos—bago ang mga kapanahunan tayo ay naitalaga na ng Diyos at nais na matamo tayo sa mga huling araw, sa gayon ay tinutulutan ang lahat ng mga bagay sa sansinukob na makita ang kaluwalhatian ng Diyos sa kabuuan nito sa pamamagitan natin. Sa gayon, tayo ang mga naibunga ng anim na libong taon ng planong pamamahala ng Diyos; tayo ang mga huwaran, ang mga halimbawa ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob. Ngayon Ko lamang natuklasan kung gaano ang pag-ibig na tunay na iniuukol sa atin ng Diyos, at na ang gawaing ginagawa Niya sa atin at ang mga bagay na Kanyang sinasabi ay hinihigitang lahat yaong sa mga nakaraang kapanahunan nang milyong ulit. Kahit kay Israel at kay Pedro, ang Diyos ay hindi kailanman personal na gumawa ng napakalaking gawain at nagsalita ng napakarami. Ipinakikita nito na tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay tunay na di-kapanipaniwalang pinagpala—di-maikukumparang mas pinagpala kaysa mga banal ng mga panahong nakaraan. Ito ang kung bakit laging nasasabi ng Diyos na ang mga tao sa huling kapanahunan ay pinagpala. Anuman ang sabihin ng iba, Ako ay naniniwala na tayo ang mga tao na pinakapinagpala ng Diyos. Dapat nating tanggapin ang mga pagpapala na ipinagkaloob sa atin ng Diyos; marahil ay mayroong ilan na dadaing sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na ang mga pagpapala ay nanggagaling sa Diyos at iyan ay nagpapatunay na ang mga iyon ang nararapat sa atin. Kahit na ang iba ay dumaing o hindi masayang kasama natin, Ako ay laging naniniwala na walang sinuman ang maaaring tumanggap o kumuha ng mga pagpapalang naibigay ng Diyos sa atin. Sapagka’t ang gawain ng Diyos ay isinasakatuparan sa atin at Siya ay nagsasalita sa atin nang mukhaan—sa atin, hindi sa iba—ginagawa ng Diyos anuman ang nais Niyang gawin, at kung ang mga tao ay hindi napapaniwala, hindi ba iyan ay paghingi lamang ng kaguluhan? Hindi ba iyan pagnanais ng kahihiyan? Bakit Ko sasabihin ito? Ito ay sapagka’t may malalim Akong karanasan dito. Gaya lamang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa Akin na Ako lamang ang makatatanggap—magagawa ba ito ng iba? Ako ay mapalad na ipinagkakatiwala ito ng Diyos sa Akin—magagawa ba iyan nang basta-basta ng iba? Nguni’t Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking puso. Ito ay hindi upang itaas ang Aking sariling mga katibayan-ng-kakayahan upang ipagyabang sa mga tao, kundi upang ipaliwanag ang isang usapin. Ako ay handang ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos at hayaan Siyang masdan ang bawa’t isa sa ating mga puso upang ang ating mga puso ay madalisay lahat sa harapan ng Diyos. Nais Kong ipahayag ang isang inaasam mula sa kaibuturan ng Aking puso: Ako ay umaasa na maging ganap na natamo ng Diyos, maging isang dalisay na birhen na isinakripisyo sa dambana, at lalong higit magkaroon ng pagkamasunurin ng isang tupa, nagpapakita sa gitna ng buong sangkatauhan bilang isang banal na espirituwal na katawan.  Ito ang Aking pangako, ang panunumpa na Aking itinalaga sa harap ng Diyos. Ako ay handang tuparin ito at suklian ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan nito. Handa ka bang gawin ito? Ako ay naniniwala na ang Aking pangakong ito ay magpapalakas ng marami sa mga nakababatang kapatirang lalaki at babae, at magdadala sa maraming kabataan ng pag-asa. Aking nadarama na tila binibigyan ng Diyos ng tanging pagpapahalaga ang mga kabataan. Marahil ito ay Aking sariling pagkiling, nguni’t lagi Kong nadarama na ang kabataan ay may pag-asa para sa kanilang kinabukasan; tila gumagawa ang Diyos ng dagdag na gawain sa mga kabataan. Bagaman sila ay kulang sa panloob-na-pananaw at karunungan at silang lahat ay masyadong masisigla at mainitin-ang-ulo gaya ng isang bagong-silang na guya, Ako ay naniniwala na ang kabataan ay hindi lubos na walang silbi. Makikita mo ang kawalang-malay ng kabataan sa kanila at sila ay madaling tumanggap ng mga bagong bagay. Bagaman ang mga kabataan ay may disposisyong tungo sa kayabangan, kabagsikan, at pagiging dala ng emosyon, ang mga bagay na ito ay hindi nakaaapekto sa kanilang kakayahan na tumanggap ng bagong liwanag. Ito ay sapagka’t ang mga kabataan sa pangkalahatan ay hindi kumakapit sa lipás nang mga bagay. Iyan ang kung bakit nakikita Ko ang walang-hangganang pag-asa sa mga kabataan, at kanilang kasiglahan; ito ang pinagmumulan ng Aking pagiging malambot sa kanila. Bagaman hindi Ko kailanman inaayawan ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, hindi rin Ako interesado sa kanila. Gayunpaman, Ako ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae. Marahil ang Aking nasabi ay wala sa lugar o walang-pakundangan, subali’t Ako ay umaasa na kayong lahat ay maaaring magpatawad sa Aking kapabayaan, sapagka’t Ako ay napakabata at hindi masyadong nagpapahalaga sa Aking paraan ng pagsasalita. Gayunpaman, sa totoo lang, ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, matapos ang lahat, ay mayroong kanilang mga tungkulin na dapat nilang gampanan—sila ay hindi kailanman walang-silbi. Ito ay sapagka’t sila ay may karanasan sa pakikitungo sa mga pag-uugnayan, sila ay matatag sa kung paano tatanganan ang mga bagay-bagay, at sila ay hindi gumagawa ng ganoong karaming pagkakamali. Hindi ba ang mga ito ay kanilang mga kalakasan? Nais Ko na sabihin nating lahat sa harap ng Diyos: “O Diyos! Nawa ay magampanan naming lahat ang aming sariling mga tungkulin sa aming iba’t ibang mga katungkulan, at nawa ay magawa naming lahat ang aming sukdulang makakaya para sa Iyong kalooban!” Ako ay naniniwala na ito ay kalooban ng Diyos!


   Mula sa Aking nakita sa Aking karanasan, ang marami na lantarang lumaban sa daloy na ito, iyan ay, ang marami na tuwirang lumaban sa Espiritu ng Diyos, ay ang mga taong mas matatanda. Ang relihiyosong mga paniwala na pinanghahawakan ng mga taong ito ay napakalakas at kanilang ikinukumpara ang makalumang mga bagay sa mga salita ng Diyos sa bawa’t aspeto. Lagi nilang inilalapat ang mga bagay-bagay na tinanggap nila sa nakaraan sa mga salita ng Diyos. Hindi ba sila nakakatáwá? Ang isa bang gaya niyan ay makagagawa ng gawain ng Diyos? Maaari bang magamit ng Diyos ang ganyang uri ng tao para sa Kanyang gawain? Ang Banal na Espiritu ay may pamamaraan para sa isang tiyak na araw ng Kanyang gawain; kung ang mga tao ay mangangapit sa makalumang mga bagay, darating ang araw na sila ay itutulak mula sa tanghalan ng kasaysayan. Sa bawa’t yugto ng Kanyang gawain, ang Diyos ay laging gumagamit ng bagong mga tao. Kung ang isa ay mangangaral sa iba ng mga di-na-ginagamit na mga bagay, hindi ba wawasakin lamang nito ang mga tao? Hindi ba ito pagpigil sa Kanyang gawain? Kung gayon kailan matatapos ang gawain ng Diyos? Marahil ay may ilan na may mga paniwala tungkol sa kasasabi Ko lamang. Marahil ay hindi sila mapapaniwala. Gayunpaman, Ako ay umaasa na ikaw ay hindi nababahala; maraming mga bagay na ganito ang mangyayari sa malapit na hinaharap, at ito ay maipaliliwanag lamang sa pamamagitan ng mga katunayan. Mabuti pang bisitahin natin ang ilang mahahalagang mga personalidad, ilang mga sikat na pastor o tagapagpaliwanag ng Biblia at ipangaral ang daloy na ito sa kanila. Sa una, sila ay tiyak na hindi hayagang lalaban, nguni’t maglalabas sila ng Biblia upang makipagtunggali sa iyo. Ipasasalaysay nila sa iyo ang Aklat ni Isaias at Aklat ni Daniel, at ipapapaliwanag pa nila sa iyo ang Aklat ng Pahayag. At kung hindi ka makapagsalita rito, tatanggihan ka nila, at tatawagin kang isang bulaang Cristo, sasabihing nagkakalat ka ng daan ng katatawanan. Makalipas ang isang oras gagawa sila ng mga maling paratang laban sa iyo hanggang hindi ka na makahinga. Hindi ba ito lantarang paglaban? Nguni’t iyan ay simula pa lamang. Hindi nila kayang pigilan ang susunod na hakbang ng gawain ng Diyos, at hindi magtatagal, pipilitin sila ng Banal na Espiritu na tanggapin ito. Ito ang pangkalahatang takbo; ito ay isang bagay na hindi kayang gawin ng mga tao at isang bagay na hindi kayang guni-gunihin man lamang ng mga tao. Ako ay naniniwala na ang gawain ng Diyos ay lalaganap nang di-napipigilan sa buong sansinukob. Ito ang kalooban ng Diyos, at walang sinumang makapagpapatigil dito. Nawa ay liwanagan tayo ng Diyos at tulutan tayong tumanggap ng higit pang bagong liwanag at huwag gambalain ang pamamahala ng Diyos sa bagay na ito. Nawa ay kaawaan tayo ng Diyos upang makaya nating lahat na makita ang pagsapit ng Kanyang araw ng kaluwalhatian. Kapag ang Diyos ay naluwalhati sa buong sansinukob ay iyan din ang panahon na makakamtan natin ang kaluwalhatian kaagapay Niya. Tila iyan din ang magiging panahon na Ako ay mawawalay mula sa mga yaon na lumalakad kasama Ko. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay magtataas ng kanilang mga tinig kasama ng sa Akin sa isang pagsusumamo sa Diyos: Nawa ang dakilang gawain ng Diyos ay matapos sa lalong madaling panahon upang makita natin ang Kanyang araw ng kaluwalhatian sa panahon ng ating buhay. Umaasa pa rin Ako na matutupad ang kalooban ng Diyos sa panahon ng Aking buhay, at umaasa Ako na ipagpapatuloy ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa atin at wala na kailanmang anumang mga hadlang. Ito ang Aking walang-hanggang hangarin. Nawa ang Diyos ay lumagi sa ating kalagitnaan at nawa ang Kanyang pag-ibig ay magtayo ng mga tulay sa pagitan natin upang ang pagkakaibigan sa pagitan natin ay nagiging mas mahalaga. Umaasa Ako na ang pag-ibig ay lilikha ng higit pang pagkaunawa sa pagitan natin at na ang pag-ibig ay magpapalapit pa sa atin, aalisin ang anumang pagkakalayo sa pagitan natin, at na ang pag-ibig sa pagitan natin ay magiging mas malalim, mas malawak, at mas matamis. Ako ay naniniwala na ito dapat ang maging kalooban ng Aking Diyos, at Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mas makakaniig Ko, at na pahahalagahan naming lahat ang maikling mga araw namin na magkakasama at ang mga iyon ay magsisilbing magandang mga alaala para sa amin.


   Nagkaroon pa ng mas maraming mga hakbang ang gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina subali’t ang mga iyon ay hindi kailanman masalimuot. Sa pag-iisip sa lahat ng mga hakbang na yaon, ang mga iyon ay hindi walang dahilan—ang mga iyon ay natapos nang lahat ng Diyos Sarili Niya, at lahat ng mga tao ay gumaganap ng sari-saring mga papel sa loob ng Kanyang gawain. Bawa’t tagpo sa palabas na ito ay katawa-tawa sa mga tao, at kataka-taka na ang bawa’t isa ay may papel dito. Sa bawa’t pagsubok, ang mga pagganap ng mga tao ay tunay na buhay, at bawa’t isa sa mga tao ay naiguhit nang napakalinaw at lubusan ng panulat ng Diyos. Bawa’t isa ay may napakarami na nalantad sa liwanag ng araw. Hindi Ko sinasabi na ginagawa ng Diyos na katatawanan ang mga tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain; walang magiging kabuluhan diyan. Lahat ng gawain ng Diyos ay mayroong kanyang layunin; Siya ay walang-pasubaling hindi gumagawa ng anumang bagay na walang kahalagahan o kabuluhan. Bawa’t bagay na Kanyang ginagawa ay upang gawing perpekto at matamo ang sangkatauhan. Mula lamang dito Aking tunay na nakita na ang puso ng Diyos ay lubos na para sa kabutihan ng tao. Bagaman ito ay matatawag na isang palabas, masasabi rin na ang palabas na ito ay isang halimbawa ng tunay na buhay, nguni’t para sa pangkalahatang direktor ng drama, ang Diyos, lahat ng mga tao ay dapat na makipagtulungan sa Kanya upang matapos ang gawaing ito. Nguni’t mula sa isa pang panig, nakakamit ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan nito at ginagawa na lalo pa Siyang mahalin ng mga tao. Hindi ba ito Kanyang kalooban? Kaya Ako ay umaasa na walang sinuman ang may anumang mga alalahanin. Wala ka bang nalalamang anuman tungkol sa kalooban ng Diyos? Napakarami Ko nang nasabi—Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay maaaring maunawaang lahat at hindi mamamali ang pagkaunawa sa Aking puso. Ako ay naniniwala na ang Diyos ay walang-pasubaling makakamit kayo. Bawa’t isa ay lumalakad sa ibang landas. Ako ay umaasa na ang landas sa ilalim ng inyong mga paa ay ang landas na binuksan ng Diyos, at kayo ay mananalanging lahat at sasabihin:: “O Diyos! Nawa ay makamit Mo ako upang ang aking espiritu ay bumalik sa Iyo.” Handa ka ba na hanapin ang paggabay ng Diyos sa kaibuturan ng iyong espiritu?

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw


Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?