Kidlat ng Silanganan | Hinahangad ng Diyos na Mas Marami pang Tao ang Magkamit ng Kanyang Kaligtasan
I
Nais ng Diyos na maraming tao ang mag-aaral nang mabuti
kapag naharap sa salita ng Diyos at Kanyang gawain,
lumalapit sa mahalagang salita na ito
na may maka-diyos na puso.
Huwag sundan ang yapak ng mga pinarusahan.
Huwag tularan si Pablo, tamang daa'y malinaw na alam
ngunit sadyang sumuway, nawala ang handog sa kasalanan.
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kamtin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!
II
Hindi hangad ng Diyos na marami ang maparusahan,
sa halip ay nais Nya na mas marami ang maligtas,
upang mas maraming tao ang magsikap,
at sumunod sa Kanyang mga yapak,
upang higit pa ang makapasok sa kaharian ng Diyos!
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kam'tin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!
III
Matuwid ang turing ng Diyos sa lahat,
ano man ang iyong edad, gaano ka man katanda,
o ang pagdurusa mong naranasan.
Kanyang disposiyo'y di magbabago kailanman,
matuwid sa harap ng mga bagay na ito.
Wala Siyang pinapaboran,
ngunit pinahahalagahan ang taong tinatanggap
katotohanan N'ya't bagong gawa,
iwinawaksi lahat ng ibang mga bagay.
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kam'tin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kam'tin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!
mula sa Kabuuran hanggang sa Mga Klasikong Halimbawa
ng Kaparusahan para sa Paglaban sa Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw