- I
- Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan
- di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.
- Walang suporta at tulong,
- ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,
- sinusuong ang lahat,
- inilalantad walang dangal na buhay sa mundo
- sa katawang kaluluwa ay walang malay.
- Buhay nang walang pag-asa't layunin.
- Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,
- ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat
- na magliligtas sa nagdurusa
- at naghahangad ng Kanyang pagdating.
- Sa taong walang-malay,
- paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.
- Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.
- II
- Ang Makapangyarihan ay may awa sa malubhang nagdurusa.
- Kasabay nito, sawa na Siya sa walang malay,
- dahil kailangan Niyang maghintay ng kay tagal
- tugon mula sa tao, mula sa tao.
- Nais Niyang hanapin espiritu mo't puso.
- Nais N'yang dalhan ka ng pagkain at tubig.
- Nais N'yang gisingin ka.
- Upang ikaw ay 'di na uhaw, hindi na gutom.
- At kapag ikaw ay pagod,
- at kapag nararamdama'y kapanglawan,
- kapanglawan nitong mundo,
- huwag maguluhan, huwag umiyak.
- Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay,
- yayakapin iyong pagdating anumang oras.
- III
- S'ya'y nakabantay sa 'yong tabi, hinihintay kang bumalik.
- Hinihintay ang biglang pagbalik ng alaala mo,
- nalalaman na nagmula ka sa Diyos,
- ang katotohanan na nagmula ka sa Diyos.
- Minsan ka nang nawala sa landas,
- O, nawawalan ng malay sa daan,
- at di nalalaman na may ama.
- Lalo mong natatantong Makapangyariha'y naro'ng nakabantay.
- Naghihintay Siya, sa pagbabalik mo,
- sa buong panahon, sa buong panahon.
- IV
- S'ya'y mapait na nananabik.
- Naghihintay Siya, naghihintay ng tugon na walang sagot.
- Pagbabantay Niya'y di matawaran
- at ito'y para sa puso, sa puso't espiritu ng tao.
- Pagbabantay na maaaring magpakailanman,
- o maaaring ito'y nagwakas na.
- Ngunit dapat mong malaman,
- nasaan puso't kaluluwa mo.
- Oh... Nasaan?
- mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao