Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

12 Setyembre 2018

Bakit Hindi Ka Handang Maging Isang Hambingan?

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, Katotohanan

Kidlat ng Silanganan|Bakit Hindi Ka Handang Maging Isang Hambingan?

Yaong mga nalupig ay mga hambingan, at pagkatapos lamang na magawang perpekto na sila ay mga huwaran at mga halimbawa ng gawain ng mga huling araw. Bago magawang ganap sila ay mga hambingan, mga kasangkapan, gayundin ay mga gamit para sa serbisyo. Yaong mga lubusang nalupig ng Diyos ay ang pagbubuo gayundin ay mga huwaran at mga halimbawa ng Kanyang plano sa pamamahala. Itong ilang mabababang “mga titulo” lamang para sa mga tao ay nagpapakita ng maraming nakalilibang na “mga kwento”. Yaong mga kasama ninyo na may maliit na pananampalataya ay palaging magtatalo tungkol sa isang hindi-mahalagang titulo hanggang ang inyong mukha ay mamula, at sa ilang mga pagkakataon ay hahayaan pa itong makaapekto sa ating ugnayan. Kahit ito ay isang munting titulo lamang, sa inyong pag-iisip, sa inyong paniniwala, ito ay hindi isang maliit na pangalan lamang, kundi ito ay isang mahalagang bagay patungkol sa inyong kapalaran. Kaya yaong mga hindi matitino ay malimit na magdurusa ng malaking kawalan dahil sa ganoong kaliit na bagay na gaya nito—ito ay pagiging maingat sa mga walang saysay na bagay at kawalang-ingat sa mahahalagang bagay, at kayo ay tatakas at hindi na kailanman babalik dahil sa ilang maliit na pangalan. Ito ay dahil sa inyong nakikita ang buhay bilang hindi-mahalaga at masyado ninyong pinahahalagahan ang tawag sa inyo. Kaya sa inyong mga espirituwal na buhay, at kahit sa inyong mga praktikal na buhay, kayo ay malimit na makabubuo ng maraming kumplikado at kakaibang mga kwento dahil sa inyong mga paniwala patungkol sa katayuan. Marahil ay hindi ninyo ito aaminin, nguni’t sasabihin ko sa inyo na ang mga taong ito ay talagang umiiral sa inyong praktikal na mga buhay. Hindi pa lamang kasi kayo nabubunyag nang isa-isa. Ang ganitong mga bagay ay nangyayari na sa bawa’t buhay ninyo. Kung hindi mo ito pinaniniwalaan, tingnan mo lamang ang paglalarawang-salaysay sa ibaba mula sa buhay ng isang kapatirang babae (o lalaki). Posible na ang taong iyan ay ikaw sa katunayan, o marahil ay isang tao na kilala mo sa iyong buhay. Kung hindi ako nagkakamali, ang paglalarawang-salaysay na ito ay isang karanasan na nangyari sa iyo, at walang kulang sa pagsasalarawan, wala kahit isang kaisipan o ideya ang nalisanan, kundi buong nakatala ang mga iyon sa kwentong ito. Kung hindi mo ito pinaniniwalaan, tingnan mo lamang.
Ito ay isang maliit na karanasan mula sa isang “taong espirituwal” na nakatala rito. Nang pumunta siya sa iglesia at nakita ang mga katayuan ng kanyang mga kapatirang lalaki at babae, nakaramdam siya ng pagkabalisa: Bakit hindi ninyo kailanman binibigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos? Mga walang-konsensyang nilalang! (Pinapagalitan ang kanyang mga kapatirang lalaki at babae.) Tunay nga, binabalewala ninyo ang inyong mga konsensya upang gumawa ng mga makahayop na bagay. ... Ang pagsasalita ko nito sa inyo ay pagkamuhi ko rin sa sarili ko. Nakikita ko na ang Diyos ay nagliliyab sa pagkainip at nadarama ko ang isang apoy sa ilalim ko. Tunay na handa akong lubos na isakatuparan ang gawain ng Diyos at tunay na nais ko kayong tumayo sa pamamagitan ng aking serbisyo. Kaya lamang ang kasalukuyan kong kalakasan ay napakahina. Ang Diyos ay gumugol ng napakalaking panahon sa atin at nagsalita ng napakaraming mga salita, nguni’t ganito pa rin tayo. Sa aking puso, lagi kong nararamdaman na may napakalaki akong pagkakautang sa Diyos ...” (Umiiyak at hindi makapagpatuloy sa pagsasalita.) At sa gayon ay nanalangin siya: “O Diyos! Isinasamo ko sa Iyo na bigyan ako ng kalakasan at lalo pa akong antigin, at nawa ang Iyong Espiritu ay gumawa sa akin. Ako ay handang makipagtulungan sa Iyo. Hangga’t Ikaw ay makatatamo ng kaluwalhatian sa katapusan, handa akong ibigay ang buo kong sarili sa Iyo sa kasalukuyan, kahit na mangahulugan pa ito na dapat kong itaya ang aking buhay. Ako’y handa[a] hangga’t kami ay makapag-aalay ng dakilang mga papuri, ang mga kapatirang lalaki at babae ay aawit at sasayaw na may kagalakan upang purihin ang Iyong banal na pangalan, luwalhatiin Ka, ihayag Ka, at maging tiyak sa Iyong gawain gayundin ay maging handang magpakita ng pagsasaalang-alang para sa iyong pasanin ...” Siya ay masigasig na nanalangin sa ganitong paraan, at talagang nagbigay ang Banal na Espiritu ng pasanin sa kanya. Sa mga sandaling ito siya ay lubhang nabibigatan, at ginugol ang buong araw sa pagbabasa, pagsusulat, at pakikinig. Abalang-abala siya hangga’t kaya niya. Ang kanyang espirituwal na kalagayan ay napakahusay at sa kanyang puso lagi siyang masigla at nabibigatan. May mga sandaling siya ay mahina at walang masulingan, nguni’t hindi nagtagal ay nabawi niya ang kanyang normal na katayuan. Pagkatapos ng ilang panahon na gaya nito, ang kanyang pag-unlad ay naging mabilis, nakaya niyang maunawaan ang marami sa mga salita ng Diyos, at mabilis rin siyang natuto ng mga awitin—sa pangkalahatan, ang kanyang katayuang espirituwal ay napakahusay. Nang makita niya na maraming mga bagay sa iglesia ang hindi ayon sa kalooban ng Diyos, siya ay naging balisa. Nang makita niya na walang nangongopya ng mga cassette tapes nang taos-puso, siya ay nabalisa: Ito ba ang katapatan sa gawain ng Diyos? Pagbibigay-kasiyahan ba ito sa Kanyang kalooban? Hindi man lamang kayo makapagkaloob ng gayong kaliit na kongkretong halaga? Kung ayaw ninyong gawin ito, gagawin ko ...”
Kapag mayroon siyang pasanin, kapag mas gumagawa ang Banal na Espiritu mas mabuti ang kanyang pakiramdam. Paminsan-minsan siyang nakakatagpo ng ilang pagkanegatibo o ilang kahirapan, nguni’t nakakaya niyang pagtagumpayan ito. Iyan ay, nang maranasan niya ang gawain ng Banal na Espiritu, kahit na kapag kamangha-mangha ang mga kalagayan niya hindi niya maiwasan ang ilang mga kahirapan o kaunting panghihina. Hindi maiiwasan ang mga ito, subali’t hindi naglaon ay nakaya niyang makalabas mula sa mga katayuang yaon. Kapag nakararanas ng panghihina, sa sandaling siya ay nanalangin nararamdaman niya na ang kanyang sariling tayog ay talagang hindi sapat nguni’t handa siyang makipagtulungan sa Diyos. Anuman ang ginawa ng Diyos, handa siyang bigyang-kasiyahan ang Kanyang kalooban, at handa siyang sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos. May ilang mga tao na may ilang mga opinyon at pagkiling tungkol sa kanya. Nakaya niyang isantabi ang kanyang sarili at maagap na nakikibahagi sa pagsasamahan kasama nila. Ito ang mga kalagayan sa panahon ng normal na gawain ng Banal na Espiritu. Pagkatapos ng ilang panahon ang gawain ay nagsimulang mabago, at ang mga tao ay pumasok lahat tungo sa isa pang hakbang ng gawain na may ibang hinihingi sa kanila. Kaya nagkaroon ng bagong mga salita na nagtaas sa mga hinihingi sa mga tao: “... Pagkasuklam lamang ang mayroon Ako sa inyo, hindi kailanman mga pagpapala. Hindi Ako nagkaroon kahit kailan ng kaisipan na pagpalain kayo, ni nagkaroon man Ako ng kaisipan na gawin kayong ganap. Pagkasuklam lahat ang mayroon Ako para sa inyo. Ito ay dahil sa mapanghimagsik kayo, dahil kayo ay likô at mandaraya, at dahil sa kayo ay kulang sa kakayahan at may mababang estado. Kaya hindi kayo kailanman napalapit sa Aking paningin o sa Aking puso. Ang gawain Ko ay may hangarin lamang na hatulan kayo; ang Aking kamay ay hindi kailanman napalayô sa inyo, ni ang Aking pagkastigo. Ako ay nagpapatuloy sa paghatol at pagsumpa sa inyo. Sapagka’t wala kayong pagkaunawa sa Akin. Iyan ang dahilan kung bakit ang Aking poot ay palaging sumasainyo. Bagama’t Ako ay palaging nakagagawa sa gitna ninyo, dapat ninyong malaman ang Aking saloobin sa inyo. Walang iba ito kundi pagkainis—walang ibang saloobin o opinyon. Nais Ko lamang na kumilos kayo bilang mga hambingan para sa Aking karunungan at dakilang kapangyarihan. Kayo ay mga hambingan Ko lamang dahil ang Aking pagkamatuwid ay nabubunyag sa pamamagitan ng inyong pagkasuwail. Pinakikilos Ko kayo bilang mga hambingan para sa Aking gawain, upang maging mga pandagdag sa Aking gawain...” Sa sandaling nakita niya ang mga salitang[b]“kagamitan” at “hambingan”, siya’y nagsimulang mag-isip: “Paano ba ako mapasusunod nito? Nakabayad na nga ng halagang gaya nito, hambingan pa rin ako. Hindi ba’t ang isang hambingan ay isang taga-serbisyo lamang? Sa nakaraan sinabi na hindi tayo magiging mga taga-serbisyo, kundi magiging bayan ng Diyos, gayunman hindi ba’t ganoon pa rin tayo ngayon? Hindi ba’t ang mga taga-serbisyo ay kulang sa buhay? Kahit na magdusa pa ako hindi ito pupurihin ng Diyos! Pagkatapos kong maging isang hambingan para sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi pa ba tapos ito? …” Habang mas iniisip niya ang tungkol dito mas nanghihina siya. Nagtungo siya sa iglesia at nakita ang mga kalagayan ng kanyang mga kapatirang lalaki at babae at lalo pang sumama ang pakiramdam: “Hindi kayo maayos! Hindi ako maayos! Ako ay negatibo. Uh! Ano pa ang maaring gawin? Hindi pa rin tayo gusto ng Diyos. Sa paggawa ng ganitong uri ng gawain, walang paraan para hindi Niya tayo gagawing negatibo. Hindi ko alam kung anong mali sa akin. Hindi man lamang ako nagnanais na manalangin. Kung anuman, hindi ako maayos sa sandaling ito at hindi ko mailabas ang sarili ko rito. Nanalangin na ako nang maraming ulit nguni’t hindi ko pa rin kaya, at hindi ako handang magpatuloy. Ganito ang tingin ko rito. Sinasabi ng Diyos na tayo ay mga hambingan, kaya hindi ba’t ang mga hambingan ay mga taga-serbisyo lamang? Sinasabi ng Diyos na tayo ay mga hambingan, hindi mga anak, ni tayo ay Kanyang bayan. Tayo ay hindi Niya mga anak, lalong hindi Niya mga panganay na anak. Tayo’y hindi anuman, mga hambingan lamang. Sa ganyang uri ng pagtawag, posible ba tayong magkaroon ng magandang kalalabasan? Ang mga hambingan ay walang pag-asa dahil wala silang buhay. Kung mga anak Niya tayo, Kanyang bayan, magkakaroon ng pag-asa riyan, at tayo ay maaaring gawing ganap. Ang mga hambingan ba ay maaaring magtaglay ng buhay ng Diyos sa loob nila? Maaari bang ang Diyos ay maglagay ng buhay sa loob niyaong gumagawa ng serbisyo para sa Kanya? Yaong mga minamahal Niya ay yaong mga nagtataglay ng Kanyang buhay, at yaong mga nagtataglay ng Kanyang buhay ay mga anak Niya, Kanyang bayan. Bagama’t ako ay negatibo at mahina, umaasa ako na lahat kayo ay hindi negatibo. Nalalaman ko na ang pag-urong at pagiging negatibo sa ganitong paraan ay hindi makapagbibigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos, subali’t hindi ako handang maging isang hambingan. Natatakot ako na maging isang hambingan. Kahit ganoon, mayroon lamang akong kaunting lakas, at hindi ko kayang magpatuloy ngayon. Umaasa ako na lahat kayo ay hindi matututo sa akin, kundi makapagtamo kayo ng kaunting pagliliwanag mula sa akin. Palagay ko ay mabuti pang mamatay na ako! Iiwanan ko sa inyo ang ilang mga huling pananalita bago ako mamatay–umaasa ako na makagaganap kayo bilang mga hambingan hanggang sa katapusan; marahil sa katapusan ay pupurihin ng Diyos ang mga hambingan....” Nang makita ito ng mga kapatirang lalaki at babae, nagtaka sila:[c]Paano siya naging napakanegatibo? Hindi ba’t maayos siya sa dalawang araw na yaon? Bakit bigla siyang naging napakalamig? Bakit hindi siya normal? Sinabi niya: “Huwag mong sabihing hindi ako normal. Sa katunayan, malinaw ako sa lahat ng nasa aking puso. Nalalaman ko na hindi ko nabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos—hindi ba’t ito ay dahil lamang sa hindi ako handang kumilos bilang Kanyang hambingan? Hindi ako nakagawa ng ano pa mang ibang bagay na napakaseryoso. Marahil isang araw ay babaguhin ng Diyos ang titulong[d] mga hambingan tungo sa Kanyang mga nilalang na ginagamit Niya sa mahahalagang mga paraan. Hindi ba’t may kaunting pag-asa rito? Umaasa ako na hindi kayo negatibo o nanghihina, na kayo ay makapagpapatuloy na sumunod sa Diyos at maging mas mabuting mga hambingan. Anuman ang katayuan, hindi ko kayang magpatuloy.” Narinig iyan ng ibang mga tao, at sinabi nila:[e] Kahit na hindi ka maayos magpapatuloy kami na sumunod, at hindi kami masisikil dahil negatibo ka.
Matapos na pagdaanan ito ng ilang panahon siya ay negatibo pa rin tungkol sa pagiging isang hambingan, kaya sinabi Ko sa kanya: “Wala kang pagkaunawa sa Aking gawain. Wala kang pagkaunawa sa mas malalim na katotohanan, esensya, o hinahangad na mga resulta ng Aking mga salita. Hindi mo alam ang mga tinutumbok ng Aking gawain, o ang karunungan nito. Wala kang pagkaunawa sa Aking kalooban. Ang alam mo lamang ay umurong dahil ikaw ay isang hambingan—ang iyong pagnanasà sa estado ay napakatindi! Isa kang hangal! Napakarami Ko nang nasabi sa iyo sa nakaraan, at nasabi Ko nang gagawin kitang perpekto. Nakalimutan mo ba? Bago pa nasabi ang tungkol sa mga hambingan, hindi ba’t nasabi na ang pagperpekto?” “Sandali, iisipin ko ang tungkol dito! Bago nasabi ang tungkol sa mga hambingan, tunay ngang sinabi Mo iyan; ganyan nga!” “Nang magsalita Ako tungkol sa pagperpekto, hindi ba’t sinabi Ko na pagkatapos lamang na nalupig ang mga tao saka sila gagawing perpekto?” “Oo!” “Hindi ba’t taos-puso ang Aking mga salita? Hindi ba’t sinabi ang mga iyon nang may katapatan?” “Oo! isa Kang Diyos na hindi pa nakapagsalita ng anumang hindi matapat kahit kailan at walang sinumang maglalakas-loob na itanggi ito. Nguni’t napakarami ang mga paraan ng Iyong pagsasalita.” “Hindi ba’t ang mga paraan ng Aking pagsasalita ay nababago ayon sa mga hakbang ng gawain? Hindi ba’t ang Aking sinasabi ay ginagawa at sinasabi batay sa iyong mga kailangan?” “Ikaw ay gumagawa ayon sa kailangan ng mga tao at Ikaw ay nagkakaloob para sa kung ano ang kanilang kailangan. Totoo ito!” “Kung gayon hindi ba’t ang Aking mga pagbigkas, hindi ba’t ang nasabi Ko sa iyo ay naging kapakipakinabang? Hindi ba’t ang Aking mga pagkastigo ay para sa iyong kapakanan?” “Sinasabi Mo pa rin na ito ay para sa aking kapakanan! Malapit Mo na akong kastiguhin hanggang sa mamatay at ayaw ko nang mabuhay pa. Ngayon sinasabi Mo ito, bukas sinasabi Mo iyon. Alam ko na ang Iyong paggawang perpekto sa akin ay para sa sarili kong kapakanan, subali’t hindi Mo ako nagawang perpekto—ginagawa Mo akong isang hambingan at kinakastigo Mo pa rin ako. Hindi Mo ba ako kinamumuhian? Walang naglalakas-loob na maniwala sa Iyong mga salita, at ngayon ko lamang nakita nang malinaw na ito ay upang tiyakin lamang ang pagkamuhi sa Iyong puso, hindi upang iligtas ako. Itinago Mo ito sa akin noong una, sinabi Mo na gagawin Mo akong perpekto at na ang pagkastigo ay para sa paggawang perpekto sa akin. Kaya lagi kong sinusunod ang Iyong pagkastigo; hindi ko naguni-guni kahit kailan na magkakaroon ako ngayon ng titulo ng isang hambingan. Diyos, hindi ba’t mas mabuti kung pinaganap Mo ako bilang anuman bukod dito? Dapat Mo ba akong paganapin bilang isang hambingan? Ayos sana kung ako ang tagabantay-pinto sa langit. Ako ay paroo’t parito, ngayon ay wala akong hawak na anuman, at naisakripisyo ko na ang lahat, gayunpaman kahit ngayo’y sinasabi Mo sa akin, pinagaganap Mo ako bilang Iyong hambingan. Paano ko maipapakita man lamang ang Aking mukha?” “Nakagawa na Ako ng napakaraming gawain ng pagkastigo sa nakaraan, at wala ka bang pagkaunawa? Wala ka bang pagkaunawa sa iyong sarili? Hindi ba’t ang pagkastigo ang paghatol ng mga salita? Hindi ba’t ang titulong hambingan ay ang paghatol din ng mga salita?” “Palagay nang ito ay ganyan nga, ang mga hambingan ba na Iyong sinasalita ay isa ring pamamaraan? Ito ba ay upang hatulan ako sa pamamagitan nito? Kung iyan ang sitwasyon, ako ay susunod.” “Kung gayon paano mo Ako susundin ngayon?” “Sundin Ka—hindi ko pa rin napagplanuhan kung paano sumunod sa iyo! Nais kong Ikaw ay magsabi ng isang salita na hindi isang pamamaraan. Ako ba ay isang hambingan o hindi? Ang mga hambingan ba ay magagawa ring perpekto? Maaari bang ang pangalang ‘hambingan’ ay mabago? Maaari ba akong maging isang umaalingawngaw na saksi sa pamamagitan ng pagiging isang hambingan, at pagkatapos ay maging isa na nagawang perpekto, na isang huwaran ng pag-ibig sa Diyos, at kaniig ng Diyos? Ako ba ay maaaring magawang ganap? Sabihin Mo sa akin ang totoo!” “Hindi mo ba alam na ang mga bagay-bagay ay laging umuunlad, laging nagbabago? Hangga’t ikaw ay kasalukuyang handang sumunod na maging isang hambingan makakaya mong magbago. Ikaw man ay isang hambingan o hindi ay walang kinalaman sa iyong tadhana—ang pinakasusing punto ay kung ikaw ay maaaring maging isa na may pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay o hindi.” “Sabihin Mo sa akin! Kaya Mo ba akong gawing perpekto o hindi?” “Hangga’t ikaw ay sumusunod at tumatalima hanggang sa katapusan, Aking ginagarantiyahan na kaya kitang gawing perpekto.” “At anong uri ng pagdurusa ang kailangan kong maranasan?” “Kahirapan gayundin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita, partikular ang pagkastigo ng mga salita—kapareho ng pagkastigo bilang isang hambingan!” “Kapareho ng pagkastigo bilang isang hambingan rin? Nguni’t kung ako ay Iyong magagawang perpekto sa pagsasailalim sa kahirapan, kung mayroong pag-asa mabuti iyan. Kahit na ito ay katiting lamang na pag-asa, ito ay mas mabuti kaysa pagiging isang hambingan. Ang titulong iyan, ‘hambingan’, ay napakasama ang tunog. Hindi ako handang maging isang hambingan!” “Anong mali sa isang hambingan? Hindi ba’t ang mga hambingan ay mabuti rin? Ang mga hambingan ba ay hindi karapat-dapat sa pagtatamasa ng mga pagpapala? Kung Aking sinasabi na ang mga hambingan ay maaring magtamasa ng mga pagpapala ikaw ay makapagtatamasa ng mga pagpapala. Hindi ba’t ang mga titulo ng mga tao ay nagbabago dahil sa Aking gawain? Isang titulo lamang ay nakababagabag sa iyo nang ganito katindi? Ang maging ganitong uri ng hambingan ay karapat-dapat. Handa ka bang sumunod o hindi?” “Kung gayon ay magagawa Mo ba akong ganap o hindi?! Mapahihintulutan Mo ba akong tamasahin ang Iyong mga pagpapala?” “Handa ka bang sumunod hanggang sa katapusan o hindi? Handa ka bang ialay ang iyong sarili?” “Hayaan Mong pag-isipan ko pa. Ang hambingan ay maaari ding magtamasa ng Iyong mga pagpapala, at maaaring magawang ganap. Pagkatapos na magawang ganap ako ay magiging Iyong kaniig at mauunawaan ang lahat ng Iyong kalooban, at maaangkin ko ang Iyong inaangkin. Matatamasa ko kung ano ang Iyong tinatamasa, at malalaman ko ang Iyong nalalaman. ... Pagkatapos na sumailalim sa kahirapan at magawang perpekto, maaari akong magtamasa ng mga pagpapala. Kung gayon ay anong mga pagpapala ang aking tunay na matatamasa?” “Huwag kang mabahala tungkol sa kung anong mga pagpapala ang iyong tatamasahin. Kahit na masabi Ko sa iyo, hindi mo makakayang guni-gunihin ang mga iyon. Pagkatapos na maging isang mabuting hambingan, ikaw ay malulupig, ikaw ay magiging isang matagumpay na hambingan. Ito ang isang huwaran at halimbawa ng nalupig, nguni’t siyempre maaari ka lamang maging ganoon pagkatapos malupig.” “Ano ang isang huwaran at halimbawa?” “Ito ay isang huwaran at halimbawa para sa lahat ng mga Gentil, iyan ay, yaong mga hindi pa nalupig.” “Ilang mga tao?” “Maraming mga tao. Ito ay hindi lamang apat o limang libo sa inyo—yaong mga tumatanggap ng pangalang ito sa buong mundo ay dapat na malupig.” “Kaya ito ay hindi lamang lima o sampung lungsod!” “Huwag kang mabahala tungkol dito ngayon—huwag kang masyadong mag-alala. Basta tumuon ka sa kung paano ka makapapasok sa sandaling ito! Aking ginagarantiyahan na maaari kang magawang ganap.” “Hanggang anong antas? At anong mga pagpapala ang maaari kong tamasahin?” “Anong masyado mong ikinababahala? Aking ginagarantiyahan na maaari kang magawang ganap; nakalimutan mo ba na Ako ay mapagkakatiwalaan?” “Tunay na Ikaw ay mapagkakatiwalaan, nguni’t ang ilan sa Iyong mga pamamaraan ng pagsasalita ay laging nababago. Ngayon sinasabi Mo na Iyong ginagarantiyahan na ako ay maaaring magawang ganap, nguni’t bukas maaari Mong sabihing ito ay hindi tiyak. At para sa ibang mga tao Iyong sinasabi ‘Aking ginagarantiyahan na ang isang tulad mo ay hindi maaaring magawang ganap.’ Hindi ko alam kung anong nangyayari sa Iyong mga salita. Hindi k0 basta tahasang mapaniwalaan ito.” “Kung gayon ay maaari mo bang ialay ang iyong sarili o hindi?” “Ialay ang ano?” “Ialay ang iyong kinabukasan, ang iyong mga inaasam.” “Uh! Iyan ay kaya kong bitawan! Ang pangunahing bagay ay ang titulong hambingan—talagang hindi ko gusto iyan. Kung Iyong aalisin ang titulong ‘hambingan’ mula sa akin ako’y magiging bukas sa kahit ano, makakaya kong gawin ang kahit ano. Hindi ba’t ang mga ito ay maliit lamang na mga bagay? Maaari Mo bang alisin ang tawag na iyan?” “Hindi ba’t napakadali lamang niyan? Kung kaya kitang bigyan ng titulong iyan kaya Ko rin itong alisin. Nguni’t hindi ngayon ang panahon—dapat mo munang ganapin ang iyong pagdaranas sa hakbang na ito ng gawain, at sa gayon ka lamang maaaring magtamo ng bagong titulo. Habang mas kagaya mo ang isang tao, mas kailangan nilang maging isang hambingan. Habang mas natatakot ka sa pagiging isang hambingan, mas papangalanan kita bilang ganoon. Ang taong gaya mo ay dapat na mahigpit na madisiplina at mapakitunguhan. Habang mas suwail ang isang tao, mas magiging taga-serbisyo sila, at sa katapusan sila ay walang makakamtan.” “Sa ganitong uri ng paghahanap, bakit hindi Ko maiwawaksi ang titulong ‘hambingan’? Sinundan Ka namin sa lahat nang mga taóng ito at nagdusa nang hindi kakaunti. Ginawa namin ito para sa Iyo at ginawa namin iyon para sa Iyo, nakayaon kami sa hangin at ulan. Kaming lahat ay nasa bandang huli ng aming 20 taon—kami ay nasa huling taon ng aming kabataan. Kami ay hindi nakapag-asawa o nakapagsimula ng isang pamilya, at yaong mga kasama namin na nagawa iyan ay nakalabas pa rin. Ako ay nasa paaralan hanggang mataas na paaralan; sa sandaling narinig ko na Ikaw ay dumating, binitawan ko ang aking pagkakataon na mag-aral sa unibersidad. At Iyong sinasabi na kami ay mga hambingan—kami ay nakapagdusa ng gayong mga kalugihan! Aming ginagawa ang lahat ng mga bagay na ito nguni’t lumalabas na kami ay Iyong mga hambingan. Anong iisipin ng aking mga kapwa manggagawa, aking mga kasamahan, at aking mga kababata tungkol sa akin? Kapag nakita nila ako at nagtanong tungkol sa aking posisyon at aking estado, paanong ako ay hindi mahihiyang sabihin sa kanila? Anong iisipin nila tungkol sa akin? Noong una, binayaran ko ang anumang halaga dahil sa aking paniniwala sa Iyo at lahat ng iba ay nilait ako bilang isang tanga. Nguni’t sumunod pa rin ako, at nanabik sa sandali na ang aking araw ay darating, at ipakikita sa lahat ng mga yaon na hindi naniwala. Nguni’t sa halip, ngayon Iyong sinasabi sa akin na ako ay isang hambingan. Kung ibinigay Mo sa akin ang pinakamababa sa mga titulo, kung tinulutan Mo ako na maging isang tao ng kaharian, iyan ay magiging mabuti! Kahit na ako ay hindi maaaring maging Iyong alagad o Iyong pinagtitiwalaan, ayos na sa akin na maging tagasunod Mo lamang! Kami ay sumunod sa Iyo sa lahat ng mga taóng ito, iniwan ang aming mga pamilya, at naging napakahirap na magpatuloy na maghanap hanggang ngayon, subali’t kami ay mayroon lamang titulong ‘hambingan’! Tinalikdan ko ang lahat para sa Iyo; aking binitawan ang lahat ng makalupang mga kayamanan. Nang sinusundan ng huling taon may nagpakilala sa akin sa isang potensyal na katuwang-sa-buhay. Siya ay talagang magandang-lalaki at magandang-manamit; siya ay anak ng isang mataas ang antas na kadre. Siya ay walang magandang trabaho, siya ay isang drayber, nguni’t siya ay talagang guwapo, at nang sandaling iyon ako ay interesado sa kanya. Nguni’t sa sandaling narinig ko na pangungunahan Mo kami patungo sa kaharian, na gagawin Mo kaming perpekto, at hiningi Mo sa amin na magkaroon ng determinasyon at kaagad na talikuran ang lahat, sa sandaling narinig ko iyan, nakita ko na ganap na wala akong anumang determinasyon! Tinibayan ko ang aking sarili at tinanggihan ito. Siya ay nagpadala ng mga regalo sa aking pamilya nang maraming ulit, subali’t hindi ko man lamang tiningnan ang mga iyon. Sa panahong iyon, sasabihin Mo ba na ako ay naguluhan? Isang bagay na ganoong kabuti ay nauwi sa wala. Paanong hindi ako maguguluhan? Naguluhan ako tungkol dito nang maraming araw hanggang sa punto na hindi ako makatulog sa gabi, nguni’t sa katapusan ay pinawalan ko rin ito. Sa tuwing ako ay nananalangin ako ay naaantig ng Iyong Espiritu, na nagsabi: ‘Handa ka bang isakripisyo ang lahat para sa Akin? Handa ka bang gugulin ang iyong sarili para sa Akin?’ Kapag iniisip ko ang mga salita Mong yaon ako ay umiiyak. Ako ay naantig at umiyak sa kalungkutan nang higit na maraming ulit kaysa sa aking nalalaman. Kinalaunan, siya ay nagtungo sa aking tahanan nang ilang ulit subali’t hindi ako nakipagkita kahit minsan. Ngayon ay nakalimutan ko na kahit ang kanyang itsura; hindi ko siya makikilala. Nang sumunod na taon narinig ko na nag-asawa na siya. Hindi man sabihin, ako ay masyadong nalungkot, nguni’t binitawan ko pa rin iyon alang-alang sa Iyo. Iniwan ko ang pag-aasawang iyon—di man sabihin ang aking pagkain at pananamit ay hindi mabuti—binitawan ko na ang lahat nang ito, kaya hindi Mo ako dapat paganapin bilang isang hambingan! Sinabi ng iba na ang kanyang ama ay isang kadre, at kung kami ay nag-asawa ikukuha niya ako ng trabaho. Pinahirapan ko ang aking sarili dahil dito at nakipagtunggali rito sa loob ng kalahating buwan, subali’t sa katapusan ay nakalabas ako rito. Iniwan ko ang aking pag-aasawa alang-alang sa pag-aalay ng aking sarili para sa Iyo, ang pinakamahalagang pangyayari sa aking buhay! Ang buong buhay ng isang tao ay walang iba kundi ang pagkakita ng isang mabuting katuwang-sa-buhay at pagkakaroon ng masayang pamilya. Pinawalan ko ang pinakamabuting bagay, at ngayon ay walang nalalabi sa akin at ako ay nag-iisa lamang. Saan Mo ako papupuntahin? Nagdusa ako mula nang nagsimula ako sa pagsunod sa Iyo. Hindi ako nagkaroon ng magandang buhay. Iniwan ko ang aking pamilya at aking karera gayundin ang lahat nang kaluguran ng laman, at ang buong halaga na lahat kami ay nagbayad ay hindi pa rin sapat upang matamasa ang Iyong mga pagpapala? Kaya ngayon ay ang bagay na ito ng ‘hambingan’. Diyos, talagang nakarating Ka sa sukdulan! Tingnan Mo kami—wala kaming masasandigan sa mundong ito. Ang ilan sa amin ay iniwan ang aming mga anak, ang iba ay iniwan ang aming trabaho, aming mga asawa,[f] at iba pa; iniwan namin ang lahat ng makalamang kaluguran. Ano pa bang mayroon kami na maaasahan? Paano kami makapagpapatuloy na manatiling buhay sa mundo? Ang mga halagang ito na aming binayaran ay walang katumbas kahit isang sentimo? Hindi Mo ba iyon nakikita kahit kailan? Ang aming estado ay mababa at ang aming kakayahan ay kulang—kinikilala namin ito, subali’t kailan ba namin hindi pinakinggan kung ano ang ninais Mong gawin namin? Ngayon ay walang-awa Mo kaming iniiwan na ang ‘kabayaran’ lamang ay pagiging mga hambingan? Ang halagang aming binayaran ay nagbigay lamang ng titulong[g]‘hambingan’? Sa katapusan, ang mga tao ay magtatanong sa akin kung ano ang nakamit ko mula sa paniniwala sa Diyos. Maaari ko bang ilagay ang salitang[h]‘hambingan’ sa harap nila? Paano ko ibubuka ang aking bibig upang sabihin na ako’y isang hambingan? Hindi ko kayang magkwento sa aking mga magulang, at hindi ko kayang magkwento sa aking dating potensyal na katuwang-sa-buhay. Dahil sa Iyo, ako ay walang anumang kinalaman sa aking mga kamag-aral. Pinadalhan nila ako ng mga regalo subali’t ibinalik kong lahat ang mga iyon. Mayroong ilan na, dahil pinadalhan nila ako ng sari-saring mga bagay at hindi ko tinanggap ang mga iyon, ay hindi na handang makipag-ugnayan sa akin. Iniwan ko na ang mga bagay na ito at hindi na nakikibahagi pa sa makasanlibutang mga pakikitungo. Nagbayad ako nang gayon kalaking halaga, at ang aking napala bilang kapalit ay ang pagiging isang hambingan! Ah! Ang aking pakiramdam ay napakaterible!” (Tinatapik ang kanyang mga hita at nagsisimulang umiyak.) “Kung Aking sinabi na ngayon hindi Ko ibibigay sa iyo ang titulong[i] hambingan nguni’t gagawin kang isa sa Aking bayan at payayaunin ka na magpalaganap ng ebanghelyo, kung bigyan kita ng estado upang makagawa ka, makakaya mo bang gawin ito? Ano ang tunay mong nakamit mula sa bawat hakbang ng gawaing ito? At isinalaysay mo pa ang iyong kwento—wala kang kahihiyan! Sinasabi mo na nagbayad ka ng isang halaga subali’t walang napala. Maari kaya na hindi Ko nasabi sa iyo kung ano ang Aking mga kundisyon upang matamo ang isang tao? Para kanino ang Aking gawain? Nalalaman mo ba? Pinananariwa mo ang dating mga sugat! Ikaw ba ay nabibilang pa na isang tao? Hindi ba’t ang anumang pagdurusa ay sa iyong sariling pagkukusa? At hindi ba’t ang iyong pagdurusa ay sa layuning magkamit ng mga pagpapala? Nakamit mo ba ang Aking mga kinakailangan? Lahat ng iyong nais ay upang magkamit ng mga pagpapala. Wala kang kahihiyan! Kailan ba na ang Aking mga kinakailangan sa iyo ay naging sapilitan? Kung handa kang sumunod sa Akin dapat kang sumunod sa Akin sa lahat ng mga bagay. Huwag kang magsalita ng mga kundisyon. Kung anuman, tunay na sinabi Ko sa iyo bago ang lahat na ang landas na ito ay isang landas ng pagdurusa. Ito ay puno ng nakapanghihilakbot na mga posibilidad, na may maliit na pangako ng katagumpayan. Nakalimutan mo ba? Sinabi Ko na ito nang maraming ulit. Kung handa kang magdusa sumunod ka sa Akin, at kung hindi ka handang magdusa, tumigil ka. Hindi kita pinipilit—ikaw ay malayang lumapit o umalis! Gayun pa man, ganito kung paano ang Aking gawain ay ginagawa, at hindi Ko maaaring antalahin ang Aking buong gawain dahil sa iyong indibidwal na pagkasuwail. Maaring ikaw ay hindi handang tumalima, nguni’t mayroong iba na handa. Kayong lahat ay mga desperadong tao! Wala kayong kinatatakutan! Iyong tinatalakay ang iyong mga kondisyon sa Akin—gusto mo bang patuloy na mabuhay o hindi?! Nagpaplano ka para sa iyong sarili at nagmamadali para sa iyong sariling kasikatan at pakinabang. Hindi ba’t ang Aking gawain ay lahat para sa inyo? Bulag ka ba? Bago Ako naging laman hindi mo Ako nakikita, at ang mga salitang yaon ay maaaring mapatawad, subali’t ngayon Ako ay nagkatawang-tao at Ako ay gumagawa sa gitna ninyo, gayunma’y hindi mo pa rin nakikita? Ano bang hindi mo nauunawaan? Sinasabi mo na nagdusa ka ng kawalan; kaya Ako ay naging katawang-tao upang iligtas kayong mga desperadong tao at gumawa ng napakaraming gawain, at hanggang ngayon ikaw ay dumadaing pa rin—sasabihin mo ba na Ako ay nagdusa? Hindi ba’t kung ano ang Aking ginawa ay para sa inyo? Mayroon Akong ganitong titulo para sa mga tao batay sa kanilang kasalukuyang tayog. Kung tinatawag kitang isang ‘hambingan,’ ikaw ay isang hambingan sa sandaling iyon. Kung tinatawag kitang ‘bayan ng Diyos,’ ikaw ay bayan ng Diyos sa sandaling iyon. Anuman ang tawag Ko sa iyo, gayon ka. Hindi ba’t ang lahat ay kung ano ang Aking sinasabi? At itong isang salita Kong ito ay lubhang nakagagalit sa iyo? Mabuti kung gayon, pagpasensyahan mo Ako! Kung hindi ka tumatalima ngayon, sa katapusan ikaw ay isusumpa—magiging masaya ka ba kung gayon? Hindi ka nagbibigay-pansin sa paraan ng pamumuhay subali’t nakatuon lamang sa iyong estado at titulo; ano ang katulad ng iyong buhay? Hindi Ko itinatanggi na ikaw ay nagbayad ng malaking halaga, subali’t tingnan mo ang iyong sariling tayog at pagsasagawa, at kahit ngayon iyong tinatalakay pa rin ang iyong mga kondisyon. Ito ba ang tayog na iyong nakamit para sa iyong kapasyahan? Mayroon ka pa bang anumang katapatan? Mayroon ka bang konsensya? Ako ba ang may maling nagawa? Ang Akin bang mga kinakailangan sa iyo ay may kamalian? Ano ito? Pinagaganap kita bilang isang hambingan ng mga ilang araw at hindi ka handang gawin ang gayon. Anong uri ng kapasyahan iyan? Kayong lahat ay walang paninindigan, kayo ay mga duwag! Ang pagpaparusa sa mga taong gaya ninyo ay kusang mangyayari!” Sa sandaling sinabi Ko ito, hindi siya umimik ni isang salita.
Sa pagdaranas ng ganitong uri ng gawain ngayon, dapat kayong magkaroon ng isang bagay ng pagtarok sa mga hakbang ng gawain at sa mga pamamaraan ng pagpapabago sa mga tao. Ito lamang ang daan upang magkamit ng mga resulta sa pagpapabago. Sa inyong paghahanap, mayroon kayong napakaraming indibidwal na mga paniwala, mga inaasam, at mga hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay sa layuning pakitunguhan ang inyong pagnanasa para sa estado at inyong maluluhong mga pagnanasa. Ang mga inaasam, ang pagnanasa para sa[j] estado, at ang mga paniwala lahat ay klasikong mga pagkatawan sa maka-Satanas na disposisyon. Ang dahilan na ang mga bagay na ito ay umiiral sa mga puso ng mga tao ay ganap na dahil sa ang lason ni Satanas ay palaging sinisira ang mga kaisipan ng mga tao, at palaging hindi maiwaksi ng mga tao ang mga panunuksong ito mula kay Satanas. Sila ay namumuhay sa gitna ng kasalanan gayunman ay hindi naniniwala na ito ay kasalanan, at sila ay naniniwala pa rin: “Kami ay naniniwala sa Diyos, kaya dapat Siyang magkaloob ng mga pagpapala sa atin at isaayos ang lahat nang akma para sa atin. Kami ay naniniwala sa Diyos, kaya dapat kaming maging mas mataas sa iba, at kami ay dapat na magkaroon ng higit na estado at higit na hinaharap kaysa kaninuman. Yamang naniniwala kami sa Diyos, Siya ay dapat na magbigay sa amin ng walang-hangganang mga pagpapala. Kung hindi, hindi ito matatawag na paniniwala sa Diyos.” Sa maraming mga taon, ang mga kaisipan na pinanaligan ng mga tao para sa kanilang pananatiling buhay ay sumisira sa kanilang mga puso hanggang sa punto na sila ay naging mapanlinlang, may-karuwagan, at kasumpa-sumpa. Hindi lamang sila kulang sa matibay na paninindigan at kapasyahan, subali’t sila rin ay naging ganid, mayabang, at matigas ang ulo. Sila ay lubos na nagkukulang sa anumang kapasyahan na dumaraig sa sarili, at higit pa, sila ay walang kahit kaunting katapangan upang iwaksi ang mga pamumuna ng mga madidilim na impluwensyang ito. Ang mga kaisipan at mga buhay ng mga tao ay bulok, ang kanilang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ay nananatiling di-matingnan sa kapangitan, at kahit kapag ang mga tao ay nagsasalita tungkol sa kanilang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ito ay tahasang di-kayang pakinggan. Ang mga tao ay naduduwag lahat, walang-kakayahan, kasumpa-sumpa, gayundin ay marupok. Sila ay hindi nakadarama ng pagkainis para sa mga pwersa ng kadiliman, at hindi sila nakadarama ng pagmamahal para sa liwanag at sa katotohanan; sa halip, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapaalis ang mga ito. Hindi ba’t ang inyong kasalukuyang mga kaisipan at mga pananaw ay ganito lamang? “Yamang ako ay naniniwala sa Diyos ako ay dapat na paulanan ng mga pagpapala at dapat na matiyak na ang aking estado ay hindi kailanman bumababa at na ito ay mas mataas kaysa sa mga di-mananampalataya.” Hindi mo nakakandili ang ganyang uri ng pananaw sa loob mo nang isa o dalawang taon lamang; nariyan na ito nang maraming taon. Ang iyong pang-negosyong pag-iisip ay labis ang pagkabuo. Kahit na ikaw ay nakarating sa hakbang na ito ngayon, hindi mo pa rin nabibitawan ang estado, nguni’t laging nagpipilit upang “alamin ang tungkol” dito at pinagmamasdan ito araw-araw, nang may lubhang takot na isang araw ang iyong estado ay mawawala at ang iyong pangalan ay masisira. Hindi kailanman naisantabi ng mga tao ang kanilang pagnanasa sa kaginhawahan. Kayo ay kasalukuyang kinakastigo sa paraang ito, at sa katapusan anong antas ng pagkaunawa ang inyong matataglay? Inyong sasabihin na gayunmang ang inyong estado ay hindi mataas, natamasa ninyo ang pagtataas ng Diyos. Kayo ay walang estado dahil kayo ay ipinanganak na mababa at ang pagkakaroon ng estado ay dahil sa pagtataas ng Diyos—ito ang ipinagkaloob Niya sa inyo. Ngayon kayo ay personal na nakatatanggap ng pagsasanay ng Diyos, ng Kanyang pagkastigo, at ng Kanyang paghatol. Ito ay higit sa Kanyang pagtataas. Personal ninyong natatanggap ang Kanyang pagdadalisay at pagsusunog. Ito ay dakilang pag-ibig ng Diyos. Sa nagdaang mga kapanahunan wala kahit isang tao ang nakatanggap ng Kanyang pagdadalisay at pagsusunog, at wala kahit isang tao ang nakatanggap ng pagperpekto ng Kanyang mga salita. Ang Diyos ngayon ay nakikipag-usap sa inyo nang harapan, dinadalisay kayo, ibinubunyag ang inyong mga nasa loob na pagkasuwail—tunay na ito ay Kanyang pagtataas. Anong magagawa ng mga tao? Kung sila man ay mga anak ni David o mga inapo ni Moab, sa kabuuan, ang mga tao ay nilalang na mga kalikhaan na walang maipagyayabang. Yamang kayo ay mga nilalang ng Diyos, dapat ninyong ganapin ang tungkulin ng isang nilalang. Wala nang iba pang mga kinakailangan sa inyo. At ikaw ay maaring manalangin at sabihing: “O Diyos! Ako man ay mayroong estado o wala, ngayon ay nauunawaan ko na ang aking sarili. Kung ang estado ko ay mataas ito ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung ito ay mababa ito ay dahil sa Iyong pagtatalaga. Lahat ay nasa Iyong mga kamay. Ako ay walang anumang mga pagpipilian o mga karaingan. Iyong itinalaga na ako ay maisilang sa bansang ito at sa gitna ng mga taong ito, at ako ay dapat lamang na maging ganap na masunurin sa ilalim ng Iyong dominyon dahil ang lahat ay nasa loob ng kung ano ang Iyong itinalaga. Ako ay hindi tumutuon sa estado; kung anuman, ako ay isa lamang sa gitna ng sangnilikha. Kung inilagay Mo ako sa walang-hanggang kalaliman, sa lawa ng apoy at asupre, ako ay walang-iba kundi isang nilalang. Kung gamitin Mo ako, ako ay isang nilalang. Kung gawin Mo akong perpekto, ako pa rin ay nilalang. Kung hindi Mo ako gawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil ako ay isa lamang nilikha. Ako ay walang iba kundi isang napakaliit na nilalang na nilikha ng Panginoon ng sangnilikha, isa lamang sa gitna ng mga taong nilikha. Ikaw ang Siyang lumikha sa akin, at ngayon Ikaw ang muling naglagay sa akin sa Iyong mga kamay upang sumailalim sa Iyong awa. Ako ay handa na maging Iyong kasangkapan at Iyong hambingan dahil ang lahat ay Iyong itinalaga. Walang sinumang makapagbabago nito. Lahat ng mga bagay at mga kaganapan ay nasa Iyong mga kamay.” Kapag dumarating ang sandaling iyan, ikaw ay hindi na tutuon sa estado, at iwawaksi mo iyan. Sa gayon ka lamang makapaghahanap nang may katiyakan at may katapangan, at sa gayon lamang na ang iyong puso ay maaaring maging malaya sa anumang mga pagsikil. Sa sandaling ang mga tao ay nahugot, kapag sila ay nakalabas mula riyan, sila ay wala nang mga alalahanin. Ano ang mga alalahanin para sa karamihan sa inyo ngayong sandaling ito? Kayo ay laging nasisikil ng estado at laging tumitingin para sa inyong sariling mga pagkakataon. Inyong dinadala ang mga aklat at pahina sa mga iyon nang hindi nakikita kung ano ang sinasabi tungkol sa hantungan ng sangkatauhan; kayo ay tumitingin pa nang higit subali’t hindi pa rin ito nakikita. Inyong iniisip:[k] “Paanong mawawalan ng mga pagkakataon? Maaari kaya na inilayo na ng Diyos ang mga pagkakataong iyon? Hindi ito maaari! Kung gayon ay bakit wala kahit ano? Ang Diyos ay nagsasalita lamang tungkol sa mga hambingan, kaya wala ng iba?” Kayo ngayon ay mga tagasunod, at kayo ay may kaunting pagkaunawa tungkol sa yugtong ito ng gawain. Gayunpaman, hindi pa rin ninyo naisasantabi ang inyong pagnanasa para sa estado. Kapag ang inyong estado ay mataas kayo ay naghahanap nang mabuti, subali’t kapag ang inyong estado ay mababa kayo ay hindi na naghahanap. Ang mga pagpapala ng estado ay palaging nasa inyong isipan. Bakit ang karamihan ng mga tao ay hindi makalabas sa pagkanegatibo? Hindi ba’t ito ay laging dahil sa “malabong” mga pagkakataon? Sa sandaling ang mga pagbigkas ng Diyos ay inilalabas kayo ay nagmamadali upang makita kung ano talaga ang inyong estado at pagkakakilanlan. Inyong inilalagay ang estado at pagkakakilanlan bilang pangunahin, at ang pangitain sa pangalawa. Pangatlo ay kung ano ang dapat ninyong pasukin, at pang-apat ay ang kasalukuyang kalooban ng Diyos. Inyo munang tinitingnan kung ang titulo ng Diyos para sa inyo bilang “mga hambingan” ay nagbago o hindi. Kayo ay nagbabasa nang nagbabasa, at kapag inyong nakita na ang titulong “hambingan” ay naalis na, kayo ay masaya at patuloy na nagpapasalamat sa Diyos, inyong pinupuri ang Kanyang dakilang kapangyarihan. Nguni’t sa sandaling inyong masilayan na kayo ay mga hambingan pa rin, kayo’y naguguluhan at kaagad na nawawalan ng anumang pag-uudyok sa inyong puso. Habang mas naghahanap kayo sa ganitong paraan mas kakaunti ang inyong makakamit. Habang mas matindi ang pagnanasa ng isang tao para sa estado, mas malubha na sila ay pakikitunguhan at mas nararapat na sila ay sumailalim sa mabigat na pagpipino. Ang ganyang uri ng tao ay napakawalang-kwenta! Sila ay dapat na pakitunguhan at hatulan nang tama upang lubusan nilang mabitawan iyan. Kung inyong sundan ang daang ito hanggang sa katapusan, wala kayong makakamit. Yaong mga hindi naghahabol sa buhay ay hindi maaaring mapabago; yaong mga hindi nauuhaw para sa katotohanan ay hindi maaaring matamo ang katotohanan. Ikaw ay hindi tumutuon sa paghahabol sa pansariling pagpapabago at pagpasok; ikaw ay laging tumutuon sa maluluhong mga pagnanasang yaon, at mga bagay na sumisikil sa iyong pag-ibig para sa Diyos at pumipigil sa iyo mula sa pagiging malapit sa Kanya. Maaari ka bang mapabago ng mga bagay na yaon? Madadala ka ba ng mga iyon tungo sa kaharian? Kung ang layunin ng iyong paghahabol ay hindi ang hanapin ang katotohanan, kung gayon mabuti pang samantalahin mo ang pagkakataong ito at bumalik sa sanlibutan upang ipagpatuloy na ito. Ang pagsasayang ng iyong panahon sa paraang ito ay talagang hindi karapat-dapat—bakit pahihirapan ang iyong sarili? Hindi mo ba matatamasa ang lahat ng mga uri ng mga bagay sa magandang sanlibutan? Pera, magagandang babae, estado, kasiyahan sa sarili, pamilya, mga anak, at iba pa—hindi ba’t ang lahat ng mga bungang ito ng sanlibutan ang pinakamabubuting mga bagay na maari mong matamasa? Anong saysay nito na lumaboy rito sa paligid na naghahanap ng isang dako kung saan maaari kang maging masaya? Ang Anak ng tao ay walang mahimlayan ng Kanyang ulo, kaya paano kang magkakaroon ng isang dako ng kaginhawahan? Paano ka Niya malilikhaan ng isang mainam na dako ng kaginhawahan? Iyan ba ay posible? Bukod sa Aking paghatol, ngayong araw maaari ka lamang makatanggap ng mga pagtuturo tungkol sa katotohanan. Ikaw ay hindi makatatamo ng kaginhawahan mula sa Akin ni maaari mong makamtan ang masayang himlayan na iyong iniisip sa gabi at araw. Hindi Ko ipagkakaloob sa iyo ang mga kayamanan ng sanlibutan. Kung susunod ka nang totohanan, handa Akong ibigay sa iyo ang daan ng buhay sa kabuuan nito, upang ikaw ay maging tulad ng isang isda na naibalik sa tubig. Kung hindi ka susunod nang totohanan, babawiin Ko itong lahat. Hindi Ako handang ibigay ang mga salita mula sa Aking bibig sa mga taong iyon na ganid sa kaginhawahan at katulad lamang ng mga baboy at mga aso!
Mga Talababa:
a. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “Ako’y handa.”
b. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “mga salitang.”
c. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “nagtaka sila.”
d. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “titulong.”
e. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “at sinabi nila.”
f. Ang orihinal na teksto ay nababasang “mga asawang-babae.”
g. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “titulong.”
h. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “ang salitang.”
i. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “titulong.”
j. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “ang pagnanasa para sa.”
k. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “Inyong iniisip.”

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?