Lahat ay takot na takot kapag naririnig nila ang Aking salita. Lahat ay puno ng panginginig. Ano ang inyong ikinatatakot? Hindi Ko kayo papatayin! Ito ay dahil nakokonsensya kayo at takot na takot na mabisto. Ang ginagawa ninyo sa Aking likuran ay masyadong hindi-seryoso at walang-kabuluhan. Dahil dito ay muhing-muhi Ako sa inyo kaya marubdob Kong inaasam na naitapon Ko yaong mga hindi Ko naítálágá at nahirang sa walang-hanggang hukay para madurog nang pira-piraso. Gayunpaman, mayroon Akong plano, mayroon Akong mga nilalayon. Palalampasin Ko ang iyong buhay pansamantala, hindi kita sisipain hanggang matapos mo ang paglilingkod sa Akin. Ayaw Kong makita ang gayong mga nilalang, isa silang kahihiyan sa Aking pangalan! Alam mo ba ito? Nauunawaan mo ba? Walang-silbing mga hamak! Unawain mo ito nang malinaw! Kapag ikaw ay ginagamit Ako ang gumagawa niyon at kapag hindi ka ginagamit ay dahil din ito sa Akin. Lahat ay isinasaayos Ko, at sa Aking mga kamay lahat ay masunurin at maayos. Sinuman ang nangangahas na gumalaw nang lihis sa takbo ay agad na pababagsakin ng Aking mga kamay. Malimit Kong sinasabing “pababagsakin”; iniisip mo ba na ginagawa Ko talaga iyan sa sarili Kong mga kamay? Hindi Ko kailangang gawin! Ang Aking mga pagkilos ay hindi alángán gaya ng naguguni-guni ng sangkatauhan. Ano ang kahulugan kapag sinabi na ang lahat ay itinatatag at ginagawang ganap ng Aking salita? Lahat ay ginagawang ganap nang hindi Ko man lamang iniaangat kahit isang daliri. Nauunawaan mo ba ang tunay na kahulugan ng Aking salita?
Hindi Ko kailanman ililigtas ang sinuman sa mga yaon na gumagawa ng paglilingkod sa Akin. Wala silang bahagi sa Aking kaharian. Ito ay dahil sa abala lamang ang mga taong ito sa panlabas na mga bagay sa halip na isakatuparan ang Aking kalooban. Bagaman ginagamit Ko sila ngayon, sa totoo lamang sila ang mga taong kinasusuklaman Ko nang higit sa lahat, ang mga taong inaayawan Ko nang higit sa lahat. Ngayon, minamahal Ko ang sinumang makakapagsakatuparan ng Aking kalooban, ang sinumang makakapagpakita ng pagsasaalang-alang tungo sa Aking mga pasanin, at sinumang makapagbibigay ng kanilang lahat-lahat para sa Akin nang may tapat na puso at taos at patuloy Ko silang liliwanagan, hindi sila pahihintulutang lumayo sa Akin. Malimit Kong sinasabi, “Sa mga yaon na taos na gumugugol para sa Akin, tiyak na pagpapalain kita nang sagana.” Ano ang tinutukoy ng “pagpapalain”? Alam mo ba? Kaugnay ng kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, ipinahihiwatig nito ang mga pasaning ibinibigay Ko sa iyo. Lahat niyaong kayang magdala ng pasanin para sa iglesia, silang taos na nag-aalay ng kanilang mga sarili sa Akin, ang kanilang pasanin at kanilang tapat na puso ay isang pagpapala mula sa Akin. Dagdag pa rito, ang Aking mga pagbubunyag sa kanila ay isa ring pagpapala mula sa Akin. Ito ay dahil sa yaong mga walang pasanin ngayon ay hindi Ko itinálágá at hinirang; dumapo na ang Aking mga sumpa sa kanila. Ibig sabihin niyan, yaong Aking itinálágá at hinirang ay may bahagi sa mga positibong aspeto ng Aking nasabi, samantalang yaong mga hindi ay kabahagi lamang sa mga negatibong aspeto ng Aking nasabi. Habang mas nabibigkas ang Aking mga salita ay mas nauunawaan ang mga iyon. Habang mas nabibigkas ang Aking mga salita ay mas nagiging malinaw ang mga iyon. Bawa’t isa roon sa mga baluktot at mandaraya na hindi Ko naítálágá ay sinumpa Ko bago pa ang paglikha sa mundo. Bakit sinasabi na ang taon, ang buwan, ang araw, kahit ang oras, minuto, at ang segundo ng inyong mga kapanganakan ay naiplano Ko na nang angkop? Matagal Ko nang nalaman kung sino ang magkakamit ng estadong panganay na mga anak-na-lalaki. Sila ay nasa Aking paningin; matagal Ko na silang ibinilang na mahalaga, at matagal nang nagkaroon ng puwang sa Aking puso. Bawa’t salitang binibigkas Ko ay matimbang at nagdadala ng Aking mga kaisipan. Hindi mahalaga ang tao! Maliban sa ilan na minamahal Ko na humahawak ng estadong panganay na mga anak-na-lalaki, ilan ang nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa Aking kalooban? Ano ang halaga ng Aking mga anak-na-lalaki? Ano ang halaga ng Aking bayan? Sa nakalipas, ang tagúríng “Aking mga anak-na-lalaki” ay isang tagúrî para sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki. Nguni’t yaong Aking mga anak-na-lalaki at Aking mga tao na hindi nahihiya ay inakala na isa itong marangal na titulo ng pagtawag sa kanila. Huwag gampanan ang papel ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki nang walang kahihiyan, karapat-dapat ka ba rito? Ngayon ang tanging mga napatunayan ay yaong mga nailagay Ko sa mahahalagang posisyon sa harap Ko. Nakamit nila ang estado ng panganay na mga anak-na-lalaki. Mayroon na silang bahagi sa Aking trono, sa Aking korona, sa Aking luwalhati, at sa Aking kaharian. Lahat ay napakaingat Ko nang naiayos. Lahat niyaong tumatanggap ng estadong panganay na anak-na-lalaki ngayon ay sumailalim lahat sa matinding sakit, pang-uusig, at kahirapan, gaya ng naranasan nila sa kanilang mga pamilya simula nang kapanganakan, kanilang sariling mga pagkakataon, trabaho, pag-aasawa, at iba pa. Hindi nakamit ng mga panganay na anak-na-lalaking ito ang estadong ito nang hindi nagbabayad ng anumang halaga. Sila ay napasailalim na sa lahat ng mga aspeto ng buhay: mabuti, masama, at nasa-gitna. Lahat niyaong dati ay tinitingala ng mga tao ng mundo at nabubuhay sa kaginhawahan sa tahanan ay walang bahagi sa mga panganay na anak-na-lalaki. Hindi sila karapat-dapat na maging mga panganay na anak-na-lalaki; nagdadala sila ng kahihiyan sa Aking pangalan, walang-pasubaling hindi Ko sila gusto. Para sa Aking mga anak-na-lalaki at Aking bayan na Aking napili, mayroon din silang magandang reputasyon sa mundo, nguni’t malayung-malayo sila sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki. Gumagamit Ako ngayon ng ilang mga tao, nguni’t sa gitna nila ay marami ang wala man lamang mga katangian na kailangan para maging Aking bayan, sila ay mga layon ng walang-hanggang kapahamakan; ginagamit sila para mag-ukol ng paglilingkod sa Akin sa isang panahon, hindi para sa mahabang-panahong paggamit. Yaong mga para sa mahabang-panahong paggamit ay natukoy na sa Aking puso. Ibig sabihin niyan, yaong inilalagay Ko sa isang mahalagang posisyon ay yaong Aking minamahal at matagal Ko nang sinimulang gamitin sila. Iyan ay, naitalaga na ang kanilang tungkulin. Kaugnay roon sa Aking mga kinamumuhian, ginagamit lamang sila nang pansamantala sa kasalukuyang yugto. Kapag dumating ang mga banyaga, ang mga panganay na anak-na-lalaki ay malinaw na ibubunyag sa inyo sa panahong iyon.
Ngayon ay kinakailangan Ko na mabilis kayong lumago at magpakita ng pagsasaalang-alang sa Aking pasanin, ang pasaning ito ay hindi masyadong mabigat, at ipagagawa Ko lamang sa inyo kung ano ang inyong makakaya. Alam Ko ang inyong tayog, alam Ko ang mga tungkuling kaya ninyong gampanan. Alam Kong lahat ito at nauunawaan Ko ang mga bagay na ito. Inaasam Ko lamang sa Aking mga anak-na-lalaki na maging handang tanggihan ang inyong mga sarili, tunay na kinakayang mahalin kung ano ang Aking minamahal, kinasusuklaman kung ano ang Aking kinasusuklaman, ginagawa kung ano ang Aking ginagawa, at sinasabi kung ano ang Aking sinasabi. Huwag makontrol ng kalawakan, heograpiya, panahon, o sinumang tao. Inaasam Ko na ang inyong mga espiritu ay magiging malaya sa lahat ng dako at bawa’t isa sa inyo ay makakayang tumayo sa posisyon ng mga panganay na anak-na-lalaki. Sinong nag-aalay ng kanilang buong pagkatao sa Akin ngayon? Sinong tapat na gumugugol para sa Akin? Sino ang gising araw at gabi para sa Akin? Sinong nagpapatakbo ng mga gawain sa Aking bahay para sa Akin? Sinong nagpapagaan ng pasanin sa Aking mga balikat para sa Akin? Hindi ba sila ay ang Aking mga anak-na-lalaki? Lahat ng Aking ginagawa ay upang perpektuhin ang Aking mga anak-na-lalaki at paglilingkod sa Aking mga anak-na-lalaki, nauunawaan mo ba? Lahat ay para sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki at hindi Ako nagkakamali. Huwag mong isiping hinahatulan Ko nang mali ang mga tao. Huwag mong isipin na minamaliit kita. Huwag mong isiping hindi Ko ginagamit nang husto ang magaling na talento. Huwag mong isiping nagkamali Ako sa hindi pagtatálágá sa iyo. Bagkus, hindi ka karapat-dapat dito! Alam ba ninyo? Ngayon ay Aking pagtitibayin ang ilang mga bagay para sa inyo: Sinumang malimit na nagpapasiklab ng Aking galit, sinuman ang malimit na puntirya ng Aking puna o pakikitungo, ay tiyak na ang puntirya ng Aking pagkasuklam. Tiyak na mamamatay sila, nakataga ito sa bato. Nasabi Ko nang hindi Ko na pakikitunguhan ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki dahil nasailalim na ang mga taong ito sa Aking mahihigpit na pagsubok at nakamit na nila ang Aking pagsang-ayon. Sinuman ang tingnan Ko nang may mabagsik na itsura ay haharap sa panganib, hindi ka ba natatakot? Marami ang mamamatay sa sandaling lumabas ang Aking mga salita sa Aking bibig. Gayunpaman, pinananatili pa rin ng ilan ang kanilang laman, iyon nga lamang, patay ang kanilang espiritu. Ang pinakamalinaw na palatandaan ay wala silang gawain ng Banal na Espiritu at wala silang anumang pumipigil sa kanila. (Napásámâ na sila ni Satanas hanggang sa isang tiyak na punto.) Kapag ang kanilang laman ay namamatay, nangyayari ito nang kasama ang angkop na pagpaplano Ko at sa isang sandali na Aking natukoy. Ang kanilang kamatayang espirituwal ay walang magagawang malaking serbisyo para sa Akin; gagamitin Ko ang kanilang laman upang ipakita ang kababalaghan ng Aking mga gawa. Mula rito ay makukumbinsi ang mga tao, magpupuri sila nang walang patid, hindi magkakaroon ng sinumang walang paggalang sa Akin, at ng sinuman na hindi natatakot sa Akin. Hindi Ko tinatrato ang anumang detalye nang magaan; ang lahat ay nabubuhay o namamatay dahil sa Akin at walang makaaalis hanggang magampanan nila ang kanilang paglilingkod para sa Akin. Kahit si Satanas ay hindi makakaurong sa walang-hanggang hukay hanggang magawa nito ang paglilingkod para sa Akin. Bawa’t hakbang Ko ay matibay at matatag at nasa matigas na tungtungan. Wala Akong hakbang na paimbabaw, ni katiting man.
Sinong mangangahas na maghambing sa Akin? Sinong mangangahas na sumalungat sa Akin? Pababagsakin kita kaagad! Hindi Ako mag-iiwan ng bakas, at ang iyong laman ay mabubura; ito ay walang-pasubali. Gagawin Ko ito sa sandaling sinasabi Ko ito at wala nang balikan. Ang mundo ay gumuguho araw-araw. Ang sangkatauhan ay namamatay araw-araw. Ang Aking kaharian ay nabubuo araw-araw. Ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay lumalago araw-araw. Ang galit Ko ay tumitindi bawa’t araw, ang Aking mga pagkastigo ay nagiging mas mahigpit bawa’t araw, at ang salita Ko ay nagiging mas marahas bawa’t araw. Naghihintay pa rin kayong lumambot ang Aking pagwiwika sa inyo, na gumaan ang Aking tono, mag-isip kayong muli! Depende ito kung kanino Ako nakikitungo. Sa Aking mga minamahal, ang tono Ko ay marahan, laging nang-aalò. Sa inyo, maaari lamang Akong maging marahas at mapanghatol, dagdag pa rito ang pagkastigo at galit. Hindi namamalayan, ang situwasyon sa bawa’t bansa ng mundo ay tumitindi, gumuguho araw-araw, nagiging magulo araw-araw. Ang mga pinuno ng bawa’t bansa ay umaasang lahat na makuha ang kapangyarihan sa katapusan. Hindi nila ito inaasahan, nguni’t ang Aking pagkastigo ay nasa kanila na. Ninanais nilang agawin ang Aking kapangyarihan, nguni’t nangangarap lamang sila! Kahit ang pinuno ng United Nations ay dapat ring humingi ng kapatawaran mula sa Akin. Ang masasamang gawa na kanyang nagawâ ay marami. Ngayon ang panahon para sa pagkastigo. Hindi Ko siya palalampasin nang ganoon lamang. Dapat hubarin ng lahat ng nasa kapangyarihan ang kanilang mga korona. Ako lamang ang karapat-dapat na mamuno sa lahat ng mga bagay. Lahat ng bagay ay nakasalalay sa Akin. Lahat ay nakasalalay sa Akin, bukod pa sa ilang banyaga. Kaagad Kong pababagsakin yaong nanunuri sa Akin dahil ang gawain Ko ay nakarating na nang ganito kaláyò. Araw-araw ay may bagong pagbubunyag, araw-araw ay may bagong liwanag. Lahat ay nakukumpleto nang nakukumpleto. Ang huling araw ni Satanas ay palapit nang palapit at mas malinaw kaysa rati.
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
8. Paano uunawain na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?