Sasabihin Ko nang malinaw sa inyo kung anong uri ng mga tao ang Aking mga panganay na anak na lalaki at binibigyan Ko kayo ng mga tumpak na pagpapatunay. Kung hindi Ko gagawin, hindi ninyo makakayang makuha ang mga angkop ninyong lugar at magpapasya nang walang itinatangi para sa inyong mga sarili kung ano ang dapat na magiging mga lugar ninyo. Ang ilan ay magiging labis na mapagpakumbaba at ang ilan ay magiging labis na arogante, at yaong hindi taglay ang Aking katangian, o yaong labis na kulang ang katangian ay nais lahat na maging mga panganay Kong anak na lalaki. Anong mga pagpapahayag ang nagagawa ng Aking mga panganay na anak na lalaki? Una, nagtutuon sila sa pag-unawa sa Aking kalooban, may konsiderasyon sa Aking kalooban at kasabay nito ay nasa kanilang lahat ang Banal na Espiritung gumagawa sa kanila; ikalawa, matiyaga silang naghahanap sa espiritu, hindi sila masama, lagi silang nananatili sa loob ng Aking mga hangganan, labis na normal, at ang mga pag-uugaling ito ay hindi huwad (sapagkat nagtutuon sila sa pagdama sa gawain ng Banal na Espiritu at may konsiderasyon sa Aking pagmamahal sa kanila, lagi silang maingat at may malalim na pagkatakot sa pagkakaroon ng pusong nagkakanulo sa Akin o lumalaban sa Akin); ikatlo, kumikilos sila nang buong puso para sa Akin, kaya nilang ihandog ang buo nilang pagkatao, at naaalis na nila ang anumang ideya tungkol sa kanilang mga inaasam sa hinaharap, sa kanilang buhay, kung anong kakainin nila, isusuot, gagamitin o kung saan sila titira; ikaapat, palagi silang may pusong nagugutom at nauuhaw para sa katuwiran, naniniwala silang labis ang kanilang kakulangan at masyadong musmos ang kanilang katayuan; ikalima, sila yaong mga binanggit Ko noon, bilang yaong may mabubuting reputasyon sa mundo ngunit naisasantabi ng mga taong makamundo, at may moral na integridad sa kanilang mga relasyon sa kabilang kasarian. Ang lahat ng ito ay mga pagpapatunay, ngunit hindi Ko maihahayag ang mga ito nang lubusan sa inyo ngayon sapagkat hindi pa naaabot ng Aking gawain ang yugtong yan. Mga panganay na anak na lalaki, tandaan! Ang mga pakiramdam ng buhay sa loob mo, ang iyong paggalang sa Akin, pagmamahal sa Akin, pagkakilala sa Akin, paghahanap para sa Akin, ang inyong pananampalataya—ang mga bagay na ito ay pagmamahal Ko lahat para sa inyo at lahat ng ito ay mga pagpapatunay na ibinibigay Ko sa inyo, upang kayo ay tunay na maging mga minamahal Kong anak na lalaki at maging katulad Ko, kumakain nang salo-salo, namumuhay nang magkakasama, tinatamasa ang mga pagpapala nang kasama Ako sa hindi mapantayang kaluwalhatian.
Hindi Ako makapagpapakita ng anumang kaluwagan sa sinumang umusig sa Akin, yaong mga walang kaalaman tungkol sa Akin (kabilang ang bago nasaksihan ang Aking pangalan), na naniwalang Ako ay tao, kabilang yaong mga lumapastangan sa Akin at nanira ng Aking puri sa nakaraan. Kahit pa sila ay sumasaksi nang pinaka-matunog para sa Akin sa kasalukuyan, hindi pa rin ito sapat. Ang pag-usig sa Akin sa nakaraan ay pagbibigay serbisyo para sa Akin at mga kasangkapan Ko pa rin sila kung magpatotoo sila para sa Akin ngayon. Tanging yaong mga tunay na ginagawa Kong perpekto ngayon ang may gamit para sa Akin, sapagkat Ako ang matuwid na Diyos Mismo, at lumabas Ako mula sa katawang-tao at ihiniwalay Ko ang Aking sarili mula sa lahat ng relasyon na nasa lupa. Ako ang Diyos Mismo at lahat ng tao, lahat ng usapin, at lahat ng bagay na nasa paligid Ko sa nakaraan ay nasa Aking mga kamay. Wala Akong emosyon at isinasagawa Ko ang katuwiran sa lahat ng bagay. Matuwid Ako, walang bahid nang kahit katiting na dumi. Nauunawaan ba ninyo ang kahulugan ng mga salita Ko? Makakamit rin ba ninyo ito? Iniisip ng mga tao na mayroon rin Akong normal na pagkatao, may pamilya at mga emosyon, ngunit alam ba ninyo na ganap kayong mali? Diyos Ako! Nakalimutan ba ninyo ito? Nalilito ba kayo? Hindi pa rin ninyo Ako kilala!
Ang Aking katuwiran ay ganap nang naihayag sa inyo. Sa anumang paraan ng pakikitungo Ko sa anumang uri ng tao ay nagbubunyag ng Aking katuwiran at ng Aking kamahalan. Dahil Ako ang Diyos Mismo na nagdadala ng poot kasama Niya, hindi Ko hahayaang makawala ang kahit na isang umusig sa Akin o luminlang sa Akin. Malinaw ba ninyong nakikita ito, sa ilalim ng mahigpit na kinakailangan na ito? Yaong mga pinili Ko at itinalaga ay parang mga bihirang perlas o agata at kakaunti at malayo ang agwat, tulad ng dapat tiyak na pagiging mas kaunti ng mamamahala bilang mga hari kaysa sa yaong magiging Aking bayan, at inihahayag nito ang Aking kapangyarihan at ang Aking mga nakamamanghang gawa. Madalas Kong sinasabi na gagantimpalaan Ko kayo, ipagkakaloob sa inyo ang mga korona at sa Aking loob ay may kaluwalhatiang walang hanggan. Ano ang ibig Kong sabihin sa gantimpala, korona at kaluwalhatian? Sa pagkaintindi ng mga tao, ang mga gantimpala ay mga materyal na bagay, tulad ng pagkain, mga damit o bagay na maaaring gamitin, ngunit ito ang kanilang ganap na lumang pag-iisip; hindi ito ang ibig Kong sabihin sa halip ay isang maling pagkaunawa. Ang mga gantimpala ay mga bagay na nakukuha na ngayon at bahagi ang mga ito ng biyaya. Ngunit may ilan rin na nauugnay sa mga kasiyahan ng laman, at yaong mga nagbibigay serbisyo sa Akin ngunit hindi ligtas ay maaaring magkamit rin ng ilang materyal na kasiyahan (bagama’t mga materyal pa rin na bagay ang mga ito na nagbibigay ng serbisyo para sa Akin). Ang korona ay hindi isang katungkulan. Ibig sabihin, hindi ito isang materyal na bagay na ibinibigay Ko sa inyo para sa inyong kasiyahan, kundi isang bagong pangalan na ipinagkakaloob Ko sa inyo, at sinumang kayang isabuhay ang iyong bagong pangalan ay yaong nagkamit ng korona, na pagkamit sa Aking mga pagpapala. Ang mga gantimpala at korona ay bahagi ng mga pagpapala, ngunit kung ihahambing sa mga pagpapala, malayong mas mababa ang mga ito, tulad ng pagkakaiba ng langit at lupa. Ang kaluwalhatian ay hindi madaling ilarawan sa mga pagkaunawa ng mga tao, dahil hindi isang materyal na bagay ang kaluwalhatian, kundi isang bagay na naiisip nila na sukdulang mahirap unawain. Ano ba talaga ang kaluwalhatian? Ano ang ibig sabihin ng bababa kayo sa kaluwalhatian na kasama Ko? Ang kabuuan Ko, yun ay, kung ano Ako at kung ano ang mayroon Ako—awa at mapagmahal na kabaitan (sa Aking mga anak na lalaki), at katuwiran, kamahalan, paghatol, poot, pagsumpa at pagsunog (sa lahat ng tao)—Ang Aking persona ay kaluwalhatian. Bakit Ko sinasabi na may walang hanggang kaluwalhatian sa Akin? Dahil sa Akin ay may karunungan na walang hanggan at walang katumbas na kasaganaan. Samakatuwid, ang ibig sabihin ng pagbaba sa kaluwalhatian na kasama Ako ay nagawa Ko na kayong ganap, taglay na ninyo kung sino Ako at kung ano ang mayroon Ako, nagawa Ko na kayong ganap, kayo ay mayroon nang pusong may paggalang sa Akin at hindi na Ako kinakalaban; dapat ay nauunawaan na ninyo ngayon, tama ba?
Ang maigting na sitwasyon ng lahat ng bansa sa lupa ay nakaabot na sa rurok, at lahat ng mga ito ay patuloy na naghahanda upang magbigay ng serbisyo para sa Akin at tumanggap ng Aking pagsunog. Kapag dumarating ang Aking poot at pagsunog hindi magkakaroon ng mga paunang pahiwatig, ngunit alam Ko ang gagawin Ko at lubos Akong malinaw tungkol dito. Dapat nakatitiyak kayo tungkol sa mga salita Ko at dapat kayong magmadali na ihanda ang lahat, at maghandang pastulan yaong mga dumarating mula sa ibang bansa. Tandaan ninyo ito! Ang Tsina—yun ay, bawat isang tao at lugar sa loob ng Tsina—ay dumaranas ng mga sumpa Ko; nauunawaan ba ninyo ang kahulugan ng mga salita Ko?
Magrekomenda nang higit pa:
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
8. Paano uunawain na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?