Sinasabi ng mga tao na Ako ay mahabaging Diyos at sinasabi nila na magsasabatas Ako ng pagliligtas para sa lahat na Aking nalikha—ang mga ito ay sinasabing lahat batay sa mga pagkaunawa ng sangkatauhan. Ang pagtukoy sa Akin bilang isang mahabaging Diyos ay nakatuon tungo sa Aking mga panganay ng anak at Aking bayan. Dahil Ako ay marunong na Diyos, malinaw sa Aking isip kung sino yaong minamahal Ko at sino yaong kinamumuhian Ko. Para sa yaong mga minamahal Ko, palagi Ko silang mamahalin hanggang sa pinakadulo at ang pag-ibig na iyan ay hindi kailanman magbabago. Para sa yaong mga kinamumuhian Ko, hindi maaantig ang puso Ko kahit kaunti gaano man sila kabait. Dahil ito sa hindi sila ipinanganak sa Akin at hindi nila taglay ang Aking mga katangian at hindi nila angkin ang Aking buhay. Ibig sabihin, hindi sila naitadhana at napili Ko, dahil hindi Ako nagkakamali. Ibig sabihin na lahat ng ginagawa Ko ay tinatawag na banal at kagalang-galang at hindi Ako kailanman nagkaroon ng anumang pagsisisi. Sa paningin ng mga tao, masyado Akong walang-puso; pero hindi mo ba alam na Ako ang matuwid at makaharing Diyos Mismo? Lahat ng Akin ay tama; yaong mga kinamumuhian Ko ay talagang tatanggap ng Aking mga sumpa at yaong mga minamahal Ko ay talagang tatanggap ng Aking mga pagpapala. Ito ang Aking banal at di-malalabag ng disposiyon at walang tao ang makababago nito; walang pasubali ito!
Ngayon, yaong mga totoong kaisa ng Aking mga layunin ay tiyak na magiging ganap sa pamamagitan Ko, dahil ang Aking gawain ay kapwa tuwiran at lubos at hindi nag-iiwan ng mga hindi tapos; masusunog yaong lahat na sinusumpa Ko. Kaya bakit nga ang nakararaming tao ay naisusumpa Ko gayunma’y ginagawa pa rin ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain sa kanila (sinasabi ito ukol sa hindi Ko paninirahan sa isang maruming templo)? Nauunawaan ninyo ba ang totoong kahulugan ng lahat ng usapin at lahat ng bagay ng nagbibigay serbisyo kay Cristo? Ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain sa pamamagitan nila kapag ginagamit Ko ang kanilang serbisyo, pero sa pangkaraniwan kapag wala sila sa Aking serbisyo pangunahing hindi sila naliliwanagan sa kanilang espiritu. Kahit na hinahanap nila Ako, galing ito sa kasigasigan, at panlalansi ito ni Satanas, dahil sa karaniwang panahon, hindi sila nagbibigay pansin sa Aking gawain kailanman at lubusang walang pagsasaalang-alang sa Aking mga pasanin. Ngayon nagkakagulang na ang Aking mga panganay na anak, kaya sinisipa Ko sila palayo at kaya nga naglalalayo na ang Aking Espiritu mula sa bawat dako, at inilalagay ang pantanging pagdidiin sa Aking mga panganay na anak, nauunawaan? Lahat ng bagay ay nasasalalay sa Aking mga gawa, nasasalalay sa Aking pagtatadhana, at nasasalalay sa lahat ng mga salita mula sa Aking bibig. Lahat ng dakong nakatatanggap ng Aking mga pagpapala ay magiging mga dako kung saan gumagawa Ako, at mga dako rin kung saan isinasagawa ang Aking gawain. Ang Tsina ang bansa kung saan pinaka-sinasamba si Satanas kung kaya naisusumpa Ko ito, at ito rin ang bansa na nakagagawa ng pinaka-sukdulan para usigin Ako. Lubusang hindi Ako gagawa sa mga taong nasa ilalim ng patnubay ng malaking pulang dragon. Nauunawaan ninyo ba ang totoong kahulugan ng Aking salita? Tutal, ang bilang ng Aking mga anak at Aking bayan ay kaunti. Lubusang lahat ay nasa loob ng Aking mga kamay at dapat nakatuon ang inyong lakas at dapat iukol ang higit na pagsisikap sa yaong mga napipili Ko at naitatadhana. Ibig sabihin, yaong Aking mga panganay na anak ay dapat kaagad magsagawa upang madala ang mga pasaning nasa Aking mga balikat sa lalong madaling panahon at ilagay ang buong pagsisikap sa Aking gawain.
Yaong mga gumagawa ng serbisyo para sa Akin, makinig! Makatatanggap kayo ng ilan sa Aking biyaya kapag gumagawa ng serbisyo sa Akin. Iyan ay, malalaman ninyo sa loob ng ilang panahon ang tungkol sa Aking huling gawain at mga bagay na mangyayari sa hinaharap, pero lubusang hindi kayo masisiyahan diyan. Ito ang Aking biyaya. Kapag naging ganap na ang inyong serbisyo, umalis kaagad at huwag magtagal. Yaong Aking mga panganay na anak ay hindi dapat maging mapagmataas, pero maaari kayong magmalaki, dahil napagkakalooban Ko kayo ng walang katapusang mga pagpapala. Yaong mga puntirya sa mga pagwasak ay hindi dapat magdulot ng ligalig sa inyong mga sarili o makaramdam ng lungkot sa inyong hantungan; sinong gumawa sa’yo bilang inapo ni Satanas? Pagkatapos mong nagawa na ang iyong serbisyo sa Akin, puwede kang bumalik muli sa walang hanggang hukay dahil wala ka ng gamit para sa Akin at sisimulan Kong pakitunguhan kayo ng Aking pagkastigo. Minsang sinisimulan Ko na ang Aking gawain hindi Ako kailanman tumitigil; maisasakatuparan kung ano ang Aking ginagawa at magtatagal kailanman kung ano ang Aking naisasakatuparan. Ipinatutupad ito sa Aking mga panganay ng anak, mga anak, bayan Ko, at gayon din ito sa inyo—walang hanggan ang Aking mga pagkastigo sa inyo. Nasabi Ko na sa inyo maraming ulit noon: Tiyak na makakastigo Ko ang lahat na masasama na tumututol sa Akin. Kapag tumututol ka sa Akin na walang pagsaway mula sa Banal na Espiritu, naisumpa na kayo at kasunod nito babagsakin kayo ng Aking kamay. Kung natatanggap ninyo ang disiplina ng Banal na Espiritu nang nagkaroon kayo ng mga masasamang kaisipan tungkol sa Akin, kung gayon nakatatanggap kayo ng Aking pagpapala. Gayunman, palagi kayong dapat maging maingat, hindi kailanman mapagpabaya, at hindi kailanman walang ingat.
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Mga Patotoo sa Biyaya ng Diyos