Kidlat ng Silanganan|Pagsasagawa (6)
Sa kasalukuyan, maraming mga tao ang ni hindi taglay ang pagkamaykatwiran o ang pansariling kamalayan ni Pablo, na, bagamat siya ay pinabagsak ng Panginoong Jesus, tinaglay na ang paninindigan na gumawa at magdusa para sa Kanya. Binigyan siya ng karamdaman ni Jesus, at kalaunan, patuloy na tiniis ni Pablo ang karamdamang ito sa sandaling nagsimula siyang gumawa. Bakit niya sinabi na mayroon siyang tinik sa laman? Ang tinik, sa totoo lang, ay karamdaman, at para kay Pablo, ito ay isang nakamamatay na kahinaan. Gaano man siya kahusay gumawa o gaano man katindi ang kanyang paninindigang magtiis, palagi niyang tinaglay ang karamdamang ito.