Kidlat ng Silanganan | Dumating na ang Milenyong Kaharian
Nakita na ba ninyo kung ano’ng gawa ng Diyos ang matutupad sa grupo ng mga taong ito? Sinabi ng Panginoon, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga salita at magpatuloy, at sa hinaharap ang salita ng Diyos ay direktang pang gagabay sa buhay ng tao patungo sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagsugo ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang ang mga tao ay magtamasa, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na inilatag ng Diyos ang mga bagay upang makain at inumin ng mga tao upang pagsayahan, at personal Siyang nagpadala ng mga sumpa upang parusahan ang mga tao. At kaya ang bawat hakbang ng Kanyang gawa ay personal na ipinapatupad ng Diyos. Ngayon, hinahanap ng mga tao na muling mangyari ang mga katotohanan, sinusubukan nilang matanaw ang mga palatandaan at kababalaghan, at maaaring pabayaan ang mga taong iyon, dahil ang gawa ng Diyos ay siyang unti-unting napapatotohanan. Walang nakakaalam na ang Diyos ay bumaba mula sa langit, lingid pa rin sa kanilang kaalaman na nagpadala ang Panginoon ng pagkain at inumin mula sa langit—sa gayon, Siya ang tunay na nabubuhay, at ang mga maayang eksena ng Milenyong Kaharian na iniisip ng mga tao ay personal na mga salita din ng Diyos. Ito ay katotohanan, at tanging ito lamang ang umiiral sa Diyos na nasa lupa. Ang pag-iral ng Diyos sa lupa ay tumutukoy sa laman. Yaong hindi ukol sa laman ay wala sa lupa, at sa gayon ang lahat ng mga taong tumutuon sa pagpunta sa ikatlong langit ay kumikilos nang walang kabuluhan. Isang araw, kapag ang buong sansinukob ay nagbalik sa Diyos, ang sentro ng Kanyang gawa sa buong sansinukob ay susunod sa tinig ng Diyos; sa ibang dako, tatawag ang ilan, ang ilan ay gagamit ng eroplano, ang ilan ay gagamit ng bangka sa karagatan, at ang ilan ay gagamit ng mga laser upang makatanggap ng mga pananalita ng Diyos. Ang lahat ay magiging mapagsamba, at mapaghangad, sila lahat ay mapapalapit sa Diyos, at magtitipun-tipon sa Panginoon, at ang lahat ay sasamba sa Panginoon—at ang lahat ng ito ay mga gawa ng Diyos. Tandaan ito! Hindi kailanman muling magsisimula ang Panginoon saanman. Tutuparin ng Panginoon ang katotohanang ito: Gagawin Niya na ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob ay magtutungo sa Kanya, at sasamba sa Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay magugutom, at ang tanging ang Diyos nang ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na nagmamay-ari ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang oras na ang mga gawa ng Diyos ay mahahayag, at ang Diyos ay maluluwalhati; ang lahat ng tao sa buong sansinukob ay sasamba sa kabigha-bighaning “tao.” Hindi ba ito ang magiging araw ng kaluwalhatian ng Diyos? Isang araw, ang mga nakatatandang pastol ay magpapadala ng mga telegrama na humahanap sa tubig mula sa bukal ng tubig na buhay. Sila ay matatanda na, subalit sila ay tutungo pa rin upang sumamba sa taong ito, na kanilang itinakwil. Sa kanilang mga bibig kikilalanin nila at sa kanilang mga puso sila ay magtitiwala—at hindi ba ito isang senyales at kababalaghan? Kapag ang buong kaharian ay nagdiriwang, ito ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, at kung sinuman ang lalapit sa inyo at tatanggap sa mabuting balita ng Diyos ay pagpapalain ng Diyos, at ang mga bansang ito at ang mga taong ito ay pagpapalain at aalagaan ng Diyos. Ito ang tinatayang direksyon: Yaong mga tatanggap ng mga salita ng Diyos mula sa kanyang bibig ay magkakaroon ng landas na lalakaran sa mundo, at maging sila man ay mga negosyante o mga siyentipiko, o mga maestro o mga manggagawa, yaong mga walang salita ng Diyos ay mahihirapan kahit na sa unang hakbang, at sila ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ito ang ibig sabihin ng, “Sa katotohanan maaabot mo ang buong mundo; sa kawalan ng katotohanan, wala kang mararating.” Ang katotohanan ay: Gagamitin ng Diyos ang Daan (na nangangahulugang lahat ng Kanyang mga salita) upang atasan ang buong sansinukob at pamahalaan at lupigin ang sangkatauhan. Ang mga tao ay laging umaasa sa malaking pagbaling sa mga paraan na isinasagawa ng Diyos. Sa payak na pananalita, sa pamamagitan ng mga salita kinukontrol ng Diyos ang mga tao, at dapat mong gawin ang Kanyang sinasabi[a] naisin niyo man o hindi; ito ay isang tunay na layunin, at dapat na sundin ng lahat, at kaya, pati, ito ay hindi matitinag, at alam ng lahat.
|
"Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos." Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na praktika. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na praktika. Ipakita ang lahat ng mga post
13 Oktubre 2017
Kidlat ng Silanganan | Dumating na ang Milenyong Kaharian
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo
I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?
-
Tagalog church songs | Tabernakulo ng Diyos Nasa Mundo na Ⅰ Pagbalik ng Diyos , mga bansa'y nahati-hati na ng ha...
-
Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos " Kapag nahaharap sa kalun...
-
I Palaging isinasailalim ng Diyos ang tao sa isang mahigpit na pamantayan. Kung ang iyong katapatan ay may mga kondisyon, di N...