Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

05 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos



Kidlat ng Silanganan | Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos
Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos
I
Ang paghatol ng Diyos ay di lang, sa iilang salita,
sa paglinaw sa katangian ng tao,
bagkus ay pagbunyag, pakikitungo sa paglipas ng panahon.
Tratong di matumbasan ng karaniwang salita,
katotohanang di saklaw ng tao
Tanging gawang tunay na paghatol;
tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos
sa puso't salita, sa isip o gawa,
siya'y tunay na makilala.
II
Dulot ay kamalayan sa wangis ng Panginoon,
at katotohanang di natin pagtalima.
"Ituturo hangari't layon ng Kanyang gawa"
at ng misteryong di saklaw ng tao.
Upang malaman ang katiwalian
at ang kapangitan sa sarili.
Tanging gawang tunay na paghatol;
tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos
sa puso't salita, sa isip o gawa
siya'y tunay na makilala.
III
Ito'y epekto ng gawa ng Diyos
epekto na dulot ng paghatol.
Buod nito ay ang mabuksan ang daan, katotohanan, at ang buhay ng Diyos
sa yaong sa Kanya'y tiwala.
Ito'y gawa ng Diyos sa paghatol.
Tanging gawang tunay na paghatol;
tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos
sa puso't salita, sa isip o gawa
siya'y tunay na makilala.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos. 

04 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

Kidlat ng Silanganan, Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Biblia,Langit
Kidlat ng Silanganan,Langit Kidlat ng Silanganan | Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang ordinaryo lamang. Sa kabila nito, ikaw ay nanatiling tagasunod ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagsasamahan tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, aking pinaaalalahanan ang lahat ng magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa iyo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.

03 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos



Kidlat ng Silanganan | Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos
Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos Walang may kamalayan sa pagdating ng Diyos, walang sumalubong sa pagdating Niya. Higit pa, walang may-alam sa gagawin ng Diyos. Walang may-alam ng gagawin N'ya. Buhay ng tao'y sadyang hindi nagbabago. Kasama natin ang Diyos gayang karaniwang tao, bilang pinakahamak sa lahat ng tagasunod, bilang karaniwang mananalig. May sarili Siyang hangarin at layunin. May pagka-Diyos Siyang di-taglay ng tao. Walang nakabatid ng Kanyang pagka-Diyos, o ang kaib'hang Kanyang diwa sa tao. Kasama natin Siya sa pamumuhay, walang takot at malaya, ang tingin natin sa Kanya'y 'di higit sa walang halagang mananalig. Kanyang minamasdan ang bawat kilos natin, at lahat ng ating saloobin ang lahat ng to ay lantad sa harapan Niya, ang lahat ay hayag sa harap Niya. Walang may pakialam sa pag-iral ng Diyos, walang nakaisip sa tungkulin Niya, higit sa lahat, walang sinumang naghinala tungkol sa kung sino Siya. Nagpatuloy lamang tayo sa mga gawain natin, na tila walang kaugnayan ang Diyos sa atin. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.




02 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pananampalataya, ministeryo
Kidlat ng Silanganan, pananampalataya Kidlat ng Silanganan | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan
Upang makilala ang gawa ng Diyos sa mga panahong ito, kadalasa’y, upang makilala rin kung sino ang Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay gawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay pumarito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano itinatakda ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawat tao ay mapaglalaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay pumarito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, ipinakalat Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinapos ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan nang pagpapako sa krus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, at iwinaksi ang lahat ng luma. Tinapos nang pagdating ni Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inilunsad ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdulot ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Pumarito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at maliwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos na nananahan sa puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain ni Jesus na Kanyang natapos noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, ginamot Niya at itinaboy ang mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos nang pagpapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang pagkaintindi, naniniwala ang tao na iyon ang dapat na pagkilos ng Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nanggamot Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at ipinakalat Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa noong mga huling araw ang lugar na pinanghahawakan ng malabong Diyos sa pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng walang katiyakang Diyos sa puso ng tao. Gamit ang Kanyang aktwal na salita at aktwal na gawa, kumilos Siya sa buong lupain, at ang gawaing Kanyang isinakatuparan kasama ng tao ay natatanging totoo at normal, nang sa gayon ang tao ay ganap na maunawaan ang katotohanan ng Diyos, at mawala nang tuluyan ang malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.

01 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan |Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, lahat ng bagay, kapalaran
Kidlat ng Silanganan, lahat ng bagay
Kidlat ng Silanganan | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao
Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at di alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng matamis at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, di alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?