Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

25 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Kidlat ng Silanganan,Jesus
Kidlat ng Silanganan | Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo; datapwat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay parehong may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain ng laman, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagpapatupad sa mga gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapahinuhod sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay ang Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi rin Siya gagawa ng bagay na makasisira sa Kanyang sariling gawain. Sa makatuwid, ang Diyos na nagkatawang-tao ay siguradong hindi gagawa ng kahit anong gawain na makagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang sangkap ng gawain ng Banal na Espiritu ay ang pagligtas sa tao at dahil sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Tulad nito, ang gawain ni Cristo ay ang iligtas ang tao alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang naisasakatuparan ang Kanyang sangkap sa loob ng Kanyang laman, nang sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay maging sapat upang maisagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay napapalitan ng gawain ni Cristo sa oras ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang sentro ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa mga gawain ng kahit anong panahon. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang din lamang na Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa pagiging tao ang mga gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang ministeryo na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

24 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

pananampalataya-sumunod
pananampalataya-sumunod Kidlat ng Silanganan | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos
Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatag sa saligan ng pagtalima sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagtalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang makamit nila ang pagtalima sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makapagbabago nito. Kung ang iyong mga adhikain ay hindi para sa kapakanan ng pagtalima sa Diyos, at mayroon kang ibang mga layunin, kung gayon ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga dasal sa harapan ng Diyos, at kahit ang bawa’t kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Diyos. Maaaring ikaw ay may malumanay na pananalita at marahang pag-uugali, ang bawa’t kilos mo at pagpapahayag ay maaaring tama kung tingnan, maaaring lumilitaw ka bilang isa na tumatalima, subali’t pagdating sa iyong mga adhikain at mga pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng iyong ginagawa ay pagsalungat sa Diyos, at masama. Ang mga taong nagpapakita na parang tumatalima gaya ng tupa, subali’t ang mga puso ay nagkakandili ng mga masasamang hangarin, ay mga lobo na nakadamit-tupa, sila ay direktang nagkakasala sa Diyos, at ang Diyos ay walang ititira kahit isa sa kanila. Ang Banal na Espiritu ang siyang magbubunyag sa bawa’t isa sa kanila, upang makita ng lahat na ang bawa’t isa sa kanila na mapagkunwari ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Ang Diyos ang siyang makikitungo at magpapasya sa kanila nang isa-isa.

23 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

 
Kidlat ng Silanganan | Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao


Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.
Hinanap ko'y estado at kasikatan. 
Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.
Sa dasal sambit dati'y magagandang salita, 
pero ang buhay ko ay hindi akma.
Pananampalataya ko'y sa bukas ipinagbahala,
katotohana't realidad sa akin ay wala.
Pananampalataya'y kulong sa ritwal at patakaran;
ako'y naiwang walang saysay.
Bigong mabuhay at di karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos.

Puso ay nagising ng Diyos ng pagsinta,
nagsasabi sa'kin na mahalin ko rin Siya,
Aking napagtanto nasaktan ko ang Kanyang puso,
ngayo'y iisa lang ang nais ko Oh Diyos, 
ang mabuhay para sa'Yo."
Sa aking hindi pagsunod at kawalan ng konsensya, sarili'y kinapootan.
Hindi pinapansin, walang pag-aalala sa puso ng Diyos at mga salita Niya.
Sa kawalan ko ng konsensya, papaano pa ba mapapabilang na tao?
Ang hatol ng Diyos sa akin ay nagpapakita, 
na kay Satanas ako ay napasamang lubha.
"Mundo ay puno ng bitag at kasamaan,
pero susundin pa rin ang katotohanan.

Puso ay nagising ng Diyos ng pagsinta,
nagsasabi sa'kin na mahalin ko rin Siya,
Aking napagtanto nasaktan ko ang Kanyang puso,
ngayo'y iisa lang ang nais ko Oh Diyos, 
ang mabuhay para sa'Yo.
Oh aking Diyos, ako'y naligtas dahil mahal mo ako.
Isasaisip at hindi kakalimutan ang 'Yong mga ginawa.
Puso mo ay iingatan at katotohanan ay hahanapin.
Lubos kong iaalay ang aking sarili at buhay,
bilang ganti sa pagmamahal Mo, O Diyos ko.
"Puso ay nagising ng Diyos ng pagsinta,
nagsasabi sa'kin na mahalin ko rin Siya,
Aking napagtanto nasaktan ko ang Kanyang puso,
ngayo'y iisa lang ang nais ko Oh Diyos, 
ang mabuhay para sa'Yo.
mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

22 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Tungkol sa Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos

pananampalataya-buhay
pananampalataya-buhay
Kidlat ng Silanganan | Tungkol sa Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos

Ang pagpapatahimik sa iyong puso sa harap ng Diyos ay isa sa pinakamahalagang mga hakbang sa pagpasok sa mga salita ng Diyos, at isang aral na ang lahat ng tao sa kasalukuyan ay mayroong kagyat na pangangailangan na pasukin. Ang mga paraan sa pagpasok upang mapatahimik ang iyong puso sa harap ng Diyos ay ang mga sumusunod: 1. Ilayo mo ang iyong puso mula sa panlabas na mga bagay, maging tahimik sa harap ng Diyos, at manalangin sa Diyos nang may isang nakatuong puso. 2. Kapag ang iyong puso ay tahimik na sa harap ng Diyos, kainin, inumin, at tamasahin ang mga salita ng Diyos. 3. Gawing ugali ang magnilay-nilay at magdili-dili sa pag-ibig ng Diyos at bulay-bulayin ang gawain ng Diyos gamit ang iyong puso. Una magsimula sa panalangin. Maging matapat, at manalangin sa itinakdang oras. Kahit na gaano man kagipit sa oras, o gaano man kaabala, o anuman ang dumating sa iyo, manalangin araw-araw nang normal, at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang normal. Hangga’t kinakain mo at iniinom ang mga salita ng Diyos, hindi mahalaga kung ano ang iyong kapaligiran, ang iyong espiritu ay nasisiyahan, at ikaw ay hindi rin nagagambala ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay sa iyong paligid. Kapag normal mong binubulay-bulay ang Diyos sa iyong puso, hindi ka magagambala ng kung ano ang nangyayari sa labas. Ito ang kahulugan ng pagkakaroon ng tayog. Magsimula muna sa panalangin: Ang pananalangin nang payapa sa harap ng Diyos ay pinakamabunga. Pagkatapos noon, kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at bulayin ang mga salita ng Diyos at subukang kamtin ang liwanag, hanapin ang landas na isasagawa, alamin kung ano ang mga layunin ng mga pagbigkas ng Diyos, at unawain nang walang paglihis. Karaniwan nang lumapit sa Diyos nang normal sa iyong puso, nilayin ang pag-ibig ng Diyos, at bulayin ang mga salita ng Diyos, nang hindi nagagambala ng panlabas na mga bagay. Kapag ang iyong puso ay payapa hanggang sa isang antas na nagagawa mong magnilay-nilay, nang upang, sa loob ng iyong sarili, nabubulay-bulay mo ang pag-ibig ng Diyos at tunay na lumalapit sa Diyos maging anuman ang iyong kinaroroonang kapaligiran, at sa huli ay iyong narating ang punto kung saan nagbibigay ka ng papuri sa iyong puso, at ito ay lalo pang mahusay kaysa sa pananalangin, kung gayon sa ganito makapagtataglay ka ng isang tiyak na tayog. Kung matatamo mo ang mga kalagayan na inilarawan sa itaas, kung gayon mapatutunayan nito na ang iyong puso ay tunay na payapa sa harap ng Diyos. Ito ang unang hakbang; ito ay isang karaniwang pagsasanay. Pagkatapos lamang na magawa nilang maging payapa sa harap ng Diyos saka pa lamang makikilos ang mga tao ng Banal na Espiritu, at nang niliwanagan at pinagliwanag ng Banal na Espiritu, sa gayon lamang nila nagagawang tunay na makipagniig sa Diyos, at nagagawang maunawaan ang kalooban at ang paggabay ng Banal na Espiritu—at sa ganito, makapapasok sila sa tamang landas sa kanilang espirituwal na mga buhay. Ang pagsasanay sa iyong sarili na mabuhay sa harap ng Diyos upang maabot ang isang tiyak na lalim nang upang magawa mong maghimagsik laban sa iyong sarili, upang hamakin mo ang iyong sarili, at upang mabuhay sa mga salita ng Diyos, ito ay ang tunay na pagpapatahimik sa iyong puso sa harap ng Diyos. Ang kakayahang hamakin ang sarili, isumpa ang sarili, at maghimagsik laban sa sarili ay ang resulta na nakakamit ng gawain ng Diyos, at hindi ito magagawa ng mga tao. Kaya ang pagsasagawa ng pagpapatahimik ng puso ng isang tao sa harap ng Diyos ay isang aral na dapat kaagad pasukin ng mga tao. Hindi lamang karaniwang napatatahimik ng ilang mga tao ang kanilang mga puso sa harap ng Diyos, kundi ang kanilang mga puso ay hindi tahimik sa harap ng Diyos maging kahit kapag sila ay nananalangin. Sa kabuuan ito ay masyadong malayo mula sa mga pamantayan ng Diyos! Kung ang iyong puso ay hindi maaaring maging tahimik sa harap ng Diyos maaari ka bang kilusan ng Banal na Espiritu? Kung hindi ka magiging tahimik sa harap ng Diyos, maaari kang magambala kapag lumapit ang sinuman, maaari kang magambala kapag ang mga tao ay nagsasalita, at ang iyong puso ay maaaring lumayo kapag ang iba ay gumagawa ng mga bagay, kaya ikaw ay hindi taong nabubuhay sa harap ng Diyos. Kung ang iyong puso ay tunay na tahimik sa harap ng Diyos hindi ka maaabala ng anumang nangyayari sa mundo sa mundo, at walang tao, pangyayari, o bagay ang makasasakop sa iyo. Kung mayroon kang pagpasok dito, kung gayon yaong mga negatibong mga kalagayan o lahat ng negatibong mga bagay, gaya ng mga pagkaintindi ng tao, pilosopiya sa buhay, abnormal na ugnayan sa mga tao, at mga kaisipan sa iyong puso ay mawawala sa likas na paraan. Sapagkat palagi mong binubulay ang mga salita ng Diyos, at ang iyong puso ay palaging lumalapit sa Diyos at sinasakop ng totoong mga salita ng Diyos, yaong mga negatibong mga bagay ay nahuhubad nang hindi namamalayan. Kapag sinakop ka ng mga positibong bagong bagay, ang mga negatibong lumang bagay ay hindi magkakaroon ng puwang, kaya huwag kang magtutuon ng pansin sa mga negatibong bagay. Hindi mo kailangang magsikap para kontrolin sila. Magtuon ng pansin sa pagiging tahimik sa harap ng Diyos, kumain at uminom nang higit pang mga salita ng Diyos at tamasahin ang mga ito, umawit pa ng mga himno ng pagpupuri sa Diyos, at hayaang magkaroon ng isang pagkakataon ang Diyos na gumawa sa iyo, sapagkat gusto ng Diyos sa kasalukuyan na personal na gawing perpekto ang mga tao, gusto Niyang makamit ang iyong puso, kinikilusan ng Kanyang Espiritu ang iyong puso, at kung ikaw ay mabubuhay sa harap ng Diyos na sinusunod ang paggabay ng Banal na Espiritu mapalulugod mo ang Diyos. Kung magtutuon ka ng pansin sa pamumuhay sa mga salita ng Diyos at higit pang ipakikisama ang tungkol sa katotohanan upang matamo ang pagliliwanag at paglilinaw ng Banal na Espiritu, kung gayon itong mga relihiyosong pagkaintindi, katuwirang pansarili at pagpapahalagang pansarili ay maglalahong lahat, at sa gayon ay malalaman mo kung paano gumugol para sa Diyos, malalaman kung paano iibigin ang Diyos, at kung paano mapalulugod ang Diyos. Yaong mga bagay sa labas ng Diyos ay saka makalilimutan nang hindi namamalayan.

21 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

Kaligtasan-katotohanan
Kaligtasan-katotohanan
Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?
Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, nararapat mong maunawaan na ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay nakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunan ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong mundo. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyo. Samakatwid, kayo ang makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;” Sa nakaraan, narinig ninyo ang mga kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ito ang mga salita na isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lugar kung saan ito namamalagi. Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lugar na ito, ang mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinasalubong ng labis na mga hadlang, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa madaling panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit dahil na rin sa ganoong hirap na gumagawa ang Diyos ng larangan para sa Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang lubusin itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng masasamang disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahalagahan ng lahat ng paghahandog na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa ibang salita, yaon lamang nasa maruming lupa ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakamit sa maruming lupa at mula sa mga naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari lamang Siyang luwalhatiin sa kalagitnaan ng mga Pariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pag-uusig na iyon at ang pagkakanulo sa Kanya ni Hudas, hindi sana pinagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, higit dito ay ang ipako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kahit saan man gumawa ang Diyos sa bawat panahon at kahit saan siya gumawa ng Kanyang tungkulin sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at nagkakamit ng mga ninanais Niyang makamit. Ito ang plano ng gawa ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?