Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

02 Oktubre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan

Ebanghelyo-kaligtasan
 Ebanghelyo-kaligtasan
Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan

Kailangan lahat ng mga tao na maunawaan ang layunin ng Aking gawain sa lupa, iyon ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung ano ang antas na dapat kong makamit sa gawaing ito bago ito maging kumpleto. Kung ang mga tao, na lumalakad kasama Ako sa araw na ito, ay hindi maintindihan kung ano ang tungkol sa Aking gawain, sa gayon ay walang kabuluhan ang kanilang paglakad kasama Ako? Ang mga taong sumusunod sa Akin ay dapat alam ang Aking kalooban. Ako ay nagtatrabaho sa mundo nang may libo-libong taon na, at Ako ay gumagawa pa rin nito ngayon. Bagaman may mga karamihang natatangi na iba’t-ibang mga bagay na kasama sa aking gawain, ang layunin nito ay nananatiling hindi nagbabago. Halimbawa, bagaman Ako ay napupuno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ito pa rin ay upang iligtas siya, upang mahusay na kumalat ang Aking Ebanghelyo at higit pang palawakin ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil sa panahong ang tao ay naging kumpleto. Kaya ngayon, sa panahon na maraming mga tao ang lubos na nawalan ng pag-asa, Ako ay nagpapatuloy sa Aking gawain, pinagpapatuloy ang gawaing nararapat upang hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katotohanan na ang tao ay sawang-sawa na sa Aking sinasabi at hindi alintana ang katunayan na siya ay walang pagnanais na pahalagahan ang tungkol sa Aking gawain, ipinagpapatuloy Ko pa rin ang Aking tungkulin dahil ang layunin ng aking gawain ay nananatiling hindi nagbabago at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira. Ang pakay ng Aking paghatol ay upang gawin ang tao na mas mahusay na sumunod sa Akin, at ang pakay ng Aking pagkastigo ay upang payagan ang mga tao na magkaroon ng mas mahusay na pagbabago. Bagama’t ang gagawin Ko ay para sa kapakanan ng Aking pamamahala, hindi Ako kailanman gumawa ng anumang bagay na hindi mapapakinabangan ng tao. Iyon ay dahil gusto Kong gawin ang lahat ng mga bansa sa labas ng Israel na maging kasing masunurin gaya ng mga Israelita at gawin silang mga tunay na lalaki, kaya Ako ay may isang panghahawakan sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking pamamahala; ito ay ang gawain na Aking tutuparin sa mga lupain ng mga Hentil. Kahit sa ngayon, maraming mga tao ang hindi pa rin maunawaan ang Aking pamamahala dahil sila ay walang pakialam dito, sa halip basta nag-isip lamang ng kanilang mga kinabukasan at mga patutunguhan. Kahit ano pa man ang Aking sinasabi, ang mga tao ay walang malasakit sa Aking gawain, nakatutok lamang sa mga patutunguhan ng kanilang kinabukasan. Kaya kung ito ay magpapatuloy, paano lalawak ang Aking gawain? Papaano kakalat sa buong mundo ang Aking Ebanghelyo? Kailangan ninyong malaman na kapag ang Aking gawain ay lumalawak, Ikakalat ko kayo, at tatamaan kayo tulad ng kung papaano tinamaan ni Jehovah ang mga tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang ang Aking ebanghelyo ay lumawak sa buong mundo upang ang Aking gawain ay maaaring kumalat sa mga bansang Gentil. Kung kaya, ang Aking pangalan ay dadakilain ng mga parehong matatanda at mga bata at ang Aking banal na pangalan ay itataas sa pamamagitan ng mga bibig ng mga tao mula sa lahat ng mga angkan at mga bansa. Sa huling panahon, ang Aking pangalan ay dadakilain sa gitna ng mga bansang Gentil, gagawin ang Aking mga gawaing nakikita ng mga Hentil upang sila ay tawagin Akong Makapangyarihan sa lahat, at ipatupad ang Aking mga salita. Ipagbibigay-alam ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, bagkus Diyos ng lahat ng mga bansang Gentil, pati na rin ng mga bansang Aking isinumpa. Pahihintulutan ko ang lahat ng mga tao na makita na Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ito ay ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking gawain para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na ipapatupad sa mga huling araw.

01 Oktubre 2017

Kidlat ng Silanganan | Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

Kristyano-pananampalataya
Kidlat ng Silanganan | Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan


Napakarami Kong nagawa kasama ninyo, at syempre, nakakapag-usap pati. Ngunit pakiramdam Ko na ang Aking mga salita at gawa ay hindi lubos na naabot ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Sapagkat sa mga huling araw, ang Aking mga ginawa ay hindi para sa kapakanan ng iisang tao o ilang mga tao lamang, nguni’t, upang mapatunayan ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, sa napakaraming dahilan—marahil ang kakulangan ng oras o abalang iskedyul sa trabaho—hindi nakayanan ng mga tao na maging pamilyar sa Akin at sa Aking disposisyon kahit bahagya lamang. Kaya’t sumulong Ako sa Aking bagong plano, ang Aking huling gawain, upang ilatag ang bagong pahina nang sa gayon lahat ng nakakakita sa Akin ay mapapahampas sa kanilang dibdib at iiyak nang walang humpay sa Aking presensya. Sapagkat dadalhin Ko ang katapusan sa sansinukob at sa buong mundo, at pagkatapos noon, ihahatid Ko ang lahat ng Aking disposisyon sa sansinukob para lahat ng nakakakilala at maging ang hindi sa Akin ay “magpipista ang mga mata” at makikita ang Aking pagdating sa mga tao, maging sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay dumarami. Ito ang Aking plano, ang nag-iisa Kong “pangungumpisal” simula nang nilikha Ko ang sansinukob. Nais Kong bukas-loob ninyong pagmasdan ang Aking bawat galaw, sapagkat ang Aking tungkod ay muling lalapit sa sansinukob, lalapit sa lahat nang tumututol sa Akin.

30 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos

 
Kidlat ng Silanganan | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos

Isang araw,
mararamdaman mo na ang Maylalang
ay hindi na isang palaisipan,
na ang Maylalang ay hindi kailanman nagtago sa iyo,
na ang Maylalang
ay hindi kailanman ikinubli ang Kanyang mukha sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi kailanman malayo sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi na ang Isa na 
walang tigil mong inaasam sa iyong mga kaisipan
ngunit hindi mo maaaring abutin ng iyong mga damdamin, 
na Siya ay talagang at tunay na nagbabantay sa iyong kaliwa at kanan,
nagtutustos ng iyong buhay, at tumatangan ng iyong tadhana, 
tumatangan ng iyong tadhana.
Wala Siya sa malayong abot-tanaw, 
ni inilihim Niya ang Kanyang Sarili sa itaas sa mga ulap.
Siya mismo ay nasa iyong tabi, namamahala sa lahat ng iyo,
Siya ay lahat ng bagay na tinataglay mo, at Siya ang tanging bagay na taglay mo.
Pinahihintulutan ka ng gayong Diyos na ibigin Siya mula sa puso, 

29 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Musical Drama "Chinese Gospel Choir 19th Performance"



Eastern lighting | Musical Drama "Chinese Gospel Choir 19th Performance"


Under a starry, quiet and peaceful night sky, a group of Christians earnestly awaiting the return of the Savior sing and dance to cheerful music. When they hear the joyful news “God has returned” and “God has uttered new words”, they are surprised and excited. They think: “God has returned? He has already appeared?!” With curiosity and uncertainty, one after another, they step into the journey of seeking God’s new words. In their arduous seeking, some people are questioning while others simply accept it. Some people look on without comment, while others make suggestions and search for answers in the Bible—they look but in the end it is fruitless…. Just when they become discouraged, a witness brings them a copy of the Age of Kingdom Bible, and they are deeply attracted to the words in the book. What kind of book is this really? Have they actually found the new words that God has uttered in that book? Have they welcomed the appearance of God?

28 Setyembre 2017

Kidlat ng Silanganan | Purihin ang Bagong Buhay

 
Kidlat ng Silanganan | Purihin ang Bagong Buhay

Purihin ang Bagong Buhay


Aleluya! Salamat at papuri sa ‘Yo!
Aleluya! Salamat at papuri sa Iyo, Makapangyarihang D’yos!

Kristo ng huling mga araw ay nagpakita, gumagawa at nangungusap sa tao.
Salita N’ya’y humahatol, dumadalisay, umaakay sa tamang pamumuhay.
Salita ng D’yos sa’ki’y bumago,
kaya ako ay may bagong buhay ng pagpupuri sa D’yos. (Aleluya!)
Sakit at kalituha’y wala na; pinalaya ang espiritu at umaawit. (Aleluya!)
Kaybuting maunawaan ang katotohanan. Daíg ang laman, kaylaya ko! (D’yos ay purihin!)
Mga paniwala’t ‘di pagkaunawa ay wala na, masuwaying disposisyon ko ay nabago.
Lumalakad ako sa daang maliwanag ng pantaong buhay; Pag-ibig ng D’yos ay napakahalaga at tunay na tunay! (D’yos ay purihin!)
D’yos ay ‘tinataas pag lasap pag-ibig N’ya.
Natikman ko na pag-ibig ng D’yos at kailanman ay ‘di na muling iiwan ang D’yos.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?