Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

09 Pebrero 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Panalangin ng Bayan ng Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos



Kidlat ng Silanganan | Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Panalangin ng Bayan ng Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos



 Bayan ng Diyos itinanyag sa Kanyang trono,
puno ng dalangin sa puso.
Pinagpapala ng Diyos lahat ng nagbabalik-loob sa Kanya;
sila'y buhay sa liwanag.
Hilingin sa Banal na Espiritu na salita ng Diyos liwanagin
nang lubos nating malaman ang kalooban ng Diyos.
Nawa'y buong baya'y mahalin ang salita ng Diyos
at sikaping kilalanin ang Diyos.
Nawa'y bigyan tayo ng Diyos ng higit na biyaya,
nang ating disposisyo'y mabago.
Nawa'y gawin tayong perpekto
upang lubos na isa sa Kanya sa puso't isipan.
Nawa'y disiplinahin tayo ng Diyos
upang tungkulin sa Kanya'y ating matuguna
Nawa'y bawat araw gabayan tayo ng Banal na Espiritu
sa pangangaral at pagsaksi sa Diyos araw-araw.

07 Pebrero 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol



Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol



I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito'y nagsimulang mayanig.
Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa'n man Siya magpunta
kinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.

II
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito'y nagsimulang mayanig.
Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa'n man Siya magpunta
kinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao



Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

06 Pebrero 2018

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (1)



Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (1)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna."

05 Pebrero 2018

Kristiyanong Pelikula | "Nasaan ang aking tahanan" | God Is My Soul Harbo



Kidlat ng Silanganan Kristiyanong Pelikula | "Nasaan ang aking tahanan" | God Is My Soul Harbo



Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan. Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa. Nang lumaki si Wenya, siya ay naging napaka-ingat at masunurin, at nag-aral nang mabuti. Ngunit noong siya’y nagsisikap pa lamang sa paghahanda para sa eksamen para sa pagpasok sa kolehiyo, dumating sa kanya ang mga kasawian: nagkaroon ng pagdurugo sa utak ang kanyang ina at naging paralisado at naratay. Inabandona ng kanyang madrasto ang kanyang ina at kinamkam pa ang lahat ng kanyang ari-arian, at pagkatapos, ang kanyang itay ay naospital dahil sa kanser sa atay…. Hindi makayanan ni Wenya ang lahat ng responsibilidad sa kanyang pamilya, kaya dumulog siya sa mga kamag-anak at kaibigan, ngunit tinanggihan siya. ... Noong panahong nagdurusa si Wenya at wala nang matakbuhan, dalawang kapatid mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang tumestigo kay Wenya, sa kanyang ina at kapatid sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. 

02 Pebrero 2018

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal


     karaming relihiyosong kaugalian ang sinusunod mo? Ilang beses ka na bang nagrebelde laban sa salita ng Diyos at pinili ang iyong sariling landas? Ilang beses mo na bang isasagawa ang salita ng Diyos dahil tunay mong isinasaalang-alang ang Kanyang mga pasanin at hinahangad mong tuparin ang Kanyang nais? Unawain ang salita ng Diyos at isabuhay ito. Maging tapat sa iyong mga kilos at gawa; hindi ito pagsunod sa mga patakaran o ginagawa nang labag sa kalooban para sa pagkukunwari. Bagkus, ito ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay sa salita ng Diyos. Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang kaugaliang nakalulugod sa Diyos ay hindi isang patakaran kundi isang pagsasagawa ng katotohanan.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?