Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

09 Marso 2018

Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao


            


Kidlat ng Silanganan |Pag-bigkas ng Diyos | Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao





Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung wala ang gawa ni Jesus, hindi makakababa ang sangkatauhan mula sa krus, nguni’t kung wala ang pagkakatawang-tao ngayon, yaong mga bumaba mula sa krus ay hindi ipagtatagubilin ng Diyos o makapapasok tungo sa bagong kapanahunan. Kung hindi dumating ang karaniwang taong ito, kung gayon hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataon o magiging karapat-dapat upang makita ang tunay na mukha ng Diyos, dahil lahat kayo ay matagal nang dapat na winasak. Dahil sa pagdating ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng habag. Sa kabila nito, ang mga salita na dapat Kong iwan sa inyo sa katapusan ay ang mga ito pa rin: Ang karaniwang taong ito, na Siyang Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na nagáwâ na ng Diyos sa gitna ng mga tao."
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.


Ang mga Resulta ng Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw ay Nakamit sa Pamamagitan ng Salita

               


Kidlat ng SilangananSalita ng Diyos | Ang mga Resulta ng Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw ay Nakamit sa Pamamagitan ng Salita



I

Ang mga resulta ng gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay nakamit sa salita, sa salita.
Ang salita ay tumutulong sa tao na maunawaan ang mga misteryo
at gawain ng Diyos sa buong kasaysayan.
Ito ay nagdudulot sa tao ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu,
kaalaman ng mga misteryong selyado sa loob ng maraming siglo.
Ipinaliliwanag nito ang gawa ng mga propeta at mga apostol
at ang mga alituntunin nang ipinatupad nila ito.
Ang salita ay nagpapakilala sa tao sa disposisyon ng Diyos,
pati na rin ang Kanyang sariling paghihimagsik at diwa.

08 Marso 2018

Tagalog Christian Song | Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita

           


Kidlat ng Silanganan Tagalog ChMakapangyarihang Diyosristian Song | Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita



 I

Hanap ng Diyos yaong mga uhaw sa Kanyang pagpapakita.
Yaong mga di tumututol, masunuring tulad ng mga paslit.
Hanap ng Diyos ang may kaya,
kayang dinggin ang Kanyang mga salita,
wag limutin Kanyang habilin, ialay katawan at puso sa Kanya.
Kung walang makakayanig,
walang makakayanig sa'yong panata sa Diyos,
mamasdan ka Niya, mamasdan ka Niya nang may pabor, oh …
Igagawad Niya pagpapalang dapat sa 'yo, sa 'yo,
igagawad Niya pagpapalang dapat sa 'yo!

06 Marso 2018

Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

          


Kidlat ng Silanganan Salita ng Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain 

sa Kapanahunan ng Pagtubos



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng bagay na nagpapasaya: Ang kanyang puso ay napayapa at nabigyan ng katiyakan, ang kanyang espiritu ay inaliw, at siya ay inalalayan ni Jesus na Tagapagligtas. Na maaari niyang makuha ang mga bagay na ito na kinahinatnan ng panahon kung saan siya nabuhay. Sa Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay itiniwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan ay nangangailangan ng masaganang biyaya, walang hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Ang nakita lamang ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog ukol sa kasalanan para sa sangkatauhan-si Jesus. Ang alam lang nila ay maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at nakita lang nila ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito ay dahil nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya bago sila matubos, sila ay kailangan nilang matamasa ang lubos na biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila; ito lamang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Sa ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa biyaya, at maaari silang magkaroon ng pagkakataon na matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus."

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Cristianong Papuring Kanta | Tunay na Ligaya ang Maging Taong Tapat | Musikang Video

           

Kidlat ng SilangananCristianong Papuring Kanta | Tunay na Ligaya ang Maging Taong Tapat | Musikang Video


 I
Unawa sa katotohana’y nagpapalaya sa espiritu’t nagpapasaya.
Tunay nga!
Ako’y puno ng tiwala sa salita ng Diyos at walang duda.
Paano tayo magdududa pa?
Ako’y di negatibo, di umuurong, at kailanma’y di mawawalan ng pag-asa.
Masdan mo!
Tangan ko aking tungkulin buong puso’t isipan, at di nagbibigay-pansin sa laman.
Ako’y di rin masama!
Bagama’t ako’y mababa, puso ko’y hindi madaya.
Totoo?
Ako’y lubos na tapat sa lahat upang ang Diyos ay mapasaya. (Ah, tunay nga!)
Isinasagawa ang katotohanan, sumusunod sa Diyos, at nagsisikap magpakatapat.
Mabuti!
Ako’y bukas, matuwid, walang daya, namumuhay sa liwanag.
Lalong mabuti!
Mga taong tapat, halikayo dali, masinsinang mag-usap.
Lahat ng umiibig sa Diyos, halikayo’t magsama-sama.
Isa,
dalawa,
tatlo,
lahat tayo’y tunay na magkakaibigan.
Lahat ng umiibig sa katotohana’y isang kapatiran. (Pamilya!)
O masasayang tao, halikayo’t kumanta’t sumayaw para ang Diyos ay purihin.
Umawit! Umindak!
Ang pagiging tapat ay tunay na ligaya!
Ang pagiging tapat ay tunay na ligaya!
Ang pagiging tapat ay tunay na ligaya!

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?