Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

20 Marso 2018

Tagalog Christian Gospel Movie | "Saan Ang Aking Tahanan" [Trailer]

            



Kidlat ng Silanganan | Tagalog Christian Gospel Movie | "Saan Ang Aking Tahanan" [Trailer]




Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan. Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa.

17 Marso 2018

Latest Tagalog Christian Worship Songs 2018 | Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos

           


Kidlat ng Silanganan | Latest Tagalog Christian Worship Songs 2018 | Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos


I
Ngayon ako'y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko'y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita'y pinupuno ako ng kalugura't kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

15 Marso 2018

Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?

                


Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kasaysayan ay umuunlad pasulong, pati na ang gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago. Hindi magiging praktikal para sa Diyos na magpanatili ng isang yugto ng gawain sa anim na libong taon, sapagkat alam ng lahat ng tao na Siya ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya maaaring ipagpatuloy na katigan ang gawaing kahalintulad ng pagpapako sa krus, ng isa, dalawa, tatlong beses ... na mapako sa krus. Ito ang pagkaunawa ng isang kakatwang tao. Hindi itinataguyod ng Diyos ang parehong gawain, at ang Kanyang gawain ay pabago-bago at laging bago, tulad sa kung paano Ako araw-araw na nakikipag-usap sa inyo sa mga bagong salita at gumagawa ng mga bagong gawain. Ito ang gawain na Aking ginagawa, ang susi nito ay nakatuon sa mga salitang “bago” at “kamangha-mangha.” “Ang Diyos ay hindi nagbabago, at ang Diyos ay palaging magiging Diyos”; ang kasabihang ito ay talagang totoo. Ang kakanyahan ng Diyos ay hindi nagbabago, ang Diyos ay laging Diyos, at Siya ay hindi kailanman magiging si Satanas, ngunit hindi ito nagpapatunay na ang Kanyang gawain ay palagian at walang-pagbabago tulad ng Kanyang kakanyahan. Ipinahahayag mo na ang Diyos ay ganito, ngunit paano mo samakatwid maipapaliwanag na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma? Ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalaganap at palagiang nagbabago, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na naipapakita at ipinapaalam sa mga tao."

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Katawang-tao at ng Espiritu ay may parehong Diwa

               


Kidlat ng SilangananIsang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Katawang-tao at ng Espiritu ay may parehong Diwa



I
Ang Espiritu ng Diyos ay may awtoridad sa bawat bagay.
Kanyang katawang-tao kasama ang diwa Niya,
ang kapangyarihan ay pareho pa rin.
Maari pa ring isagawa ng nagkatawang-taong Diyos
ang marami Niyang gawain.
Ginagawa lamang Niya ang kalooban ng Kanyang Ama.
At ang Diyos ay Espiritu,
maaari N'yang iligtas lahat ng sangkatauhan,
at gayon din ang Diyos sa katawang-tao.
Ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain.
Ito ay isang bagay na hindi kailanman maaaring pinangarap
o nakamit ng sinumang tao.
Ang Diyos ay, Siya ang awtoridad,
ngunit ang Kanyang katawang-tao ay maaaring magpasakop dito.
Ito ang tunay na kahulugan ng
"sinusunod ni Kristo ang kalooban ng Ama."

13 Marso 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya

              



Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya




I
Gawain ng Diyos ginagawa N'ya Mismo.
Siya ang nagsisimula't nagtatapos ng gawain.
S'ya'ng nagpaplano ng gawain.
S'ya'ng namamahala't nagdadala ng gawain sa katuparan.
Saad sa Biblia, "Diyos ang Pasimula at ang Katapusan;
Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin."
"Diyos, ang Pasimula't Katapusan;
Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin, ang Tagaani rin."
Lahat na ugnay sa gawang pamamahala ay gawa ng kamay N'ya,
gawa Niya.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?