Kidlat ng Silanganan|Ano Ang Mga Likas na Pagkakilanlan ng Taoat Kanilang Halaga
Kayo ay inihiwalay mula sa putik at sa paanuman, kayo’y pinili mula sa mga latak, marumi at kinasusuklaman ng Diyos. Kayo ay napabilang kay Satanas[a] at minsa’y niyurakan at dinungisan nito. Yaon ang dahilan kung bakit sinasabi na kayo ay inihiwalay mula sa putik, at kayo ay hindi banal, ngunit sa halip mga di-taong bagay na mula sa kung saan matagal nang ginawang mga hangal ni Satanas.