Gumagamit Ako ng iba’t ibang tao upang makamit ang Aking kalooban: Natutupad ang Aking mga sumpa sa mga kinakastigo Ko at natutupad ang Aking mga pagpapala sa mga minamahal Ko. Ang mga nakakasumpong na ng Aking mga pagpapala at nagdurusa ng Aking mga sumpa ay sumasandig sa isang salita at pagbigkas Ko. Alam mo na sa sinumang mabuti Ako sa kasalukuyan ay tiyak na masusumpungan ang Aking mga pagpapala sa lahat ng panahon (ibig sabihin, yaong mga unti-unting nakakakilala sa Akin, mga unti-unting nagiging mas sigurado tungkol sa Akin, mga may bagong liwanag at pagbubunyag at mga nakakasabay sa bilis ng Aking gawain). Sinumang kinasusuklaman Ko (ito ay isang bagay na nasa Aking loob na hindi natutukoy ng mga tao mula sa panlabas) ay tiyak na magdurusa ng Aking mga sumpa, at walang duda na sila ay kasama sa mga supling ng malaking pulang dragon, kaya madadamay sila sa Aking pagsumpa sa malaking pulang dragon. Yaong mga hindi Ko kayang tiisin, yaong sa tingin Ko ay kulang ang katangian at hindi Ko maaaring perpektuhin o gamitin, magkakaroon pa rin sila ng pagkakataong maligtas at mabibilang sila sa Aking mga anak na lalaki. Kung hindi nagtataglay ang isang tao ng anuman sa Aking katangian, hindi nakakaintindi ng mga espiritwal na usapin at hindi Ako nakikilala, ngunit may pusong masigasig, maitatalaga sila kung gayon bilang isa sa Aking bayan. Itinuturing Ko yaong kabahagi sa Aking mga sumpa na hindi abot ng pagliligtas at sila yaong mga nasaniban ng masasamang espiritu. Nasasabik Akong tadyakan sila palabas. Isinilang sila ng malaking pulang dragon at sila ang pinaka-kinasusuklaman Ko. Mula sa puntong ito, hindi Ko sila kailangan upang magbigay ng serbisyo sa Akin—talagang ayaw Ko sa kanila! Ayaw Ko kahit na sinuman sa kanila! Kahit ang pag-iyak at pagngangalit ng kanilang ngipin sa Aking harapan ay walang epekto sa Akin, hindi Ko pinapansin ang kahit na sino sa kanila, kundi tinatadyakan Ko sila palayo—anong mga bagay ka? Nararapat ka bang nasa Aking harapan? Karapat-dapat ka ba?