Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

21 Marso 2019

Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Unang bahagi)


1. Mula pa nang ang mga tao ay nagsimulang tumahak sa tamang landas ng buhay, sila ay nananatili nang hindi-malinaw tungkol sa maraming bagay. Sila ay ganap pa ring nalalabuan tungkol sa gawain ng Diyos, at tungkol sa maraming gawain na dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, sa pagkalihis ng kanilang karanasan at sa mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil hindi pa nadálá ng gawain ng Diyos ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, ang lahat ay hindi maliwanag tungkol sa karamihan ng espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi-malinaw sa inyo kung ano ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos. Ito ay mas higit pa kaysa sa simpleng bagay ng mga pagkukulang sa inyo: Ito ay isang malaking kapintasan ng lahat niyaong nasa mundo ng relihiyon.

20 Marso 2019

Tagalog Gospel Songs | Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos



Tagalog Gospel Songs | "Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos"



I
Libu-libong taon ang lumipas,
natatamasa pa rin ng tao ang liwanag 
at ang hanging kaloob ng Diyos.
Hinihinga pa rin ng mga tao 
ang hiningang inihinga ng Diyos Mismo.
Tinatamasa pa rin ng tao ang mga bagay na likha ng Diyos
ang mga isda, ibon, bulaklak at insekto.
Tinatamasa ng mga tao ang lahat ng bagay, 
lahat ng bagay na inilaan ng Diyos.
Araw at gabi'y patuloy sa pagpapalitan ang bawat isa.

18 Marso 2019

Tagalog Gospel Songs Isang Ilog ng Tubig ng Buhay


Tagalog Gospel SongsIsang Ilog ng Tubig ng Buhay


I
Isang ilog ng tubig ng buhay, singlinaw ng kristal,
umaagos mula sa trono ng Diyos at ng Kordero.
Sa kabilaang bahagi ng ilog ay naroon ang puno ng buhay,
na may labindalawang uri ng bunga,
at nahihinog bawat buwan.
Ang mga dahon ng puno ay sa pagpapagaling ng mga bansa.
Mawawala na ang sumpa, wala nang sumpa.
Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay lalagi na sa lungsod.

17 Marso 2019

Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.



II. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Pagliligtas ng Diyos sa Sangkatauhan


1. Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas.

14 Marso 2019

Tagalog Christian Songs | Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian



Tagalog Christian Songs | Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian


I
Nang sa mundo ng tao dumating si Jesus,
dinala N'ya panahon ng Biyaya,
tinapos Panahon ng Kautusan.
Muli Diyos naging tao sa mga huling araw.
Dinala N'ya Panahon ng Kaharian,
tinapos Panahon ng Biyaya.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos
aakayin sa Panahon ng Kaharian
at tatanggap ng Kanyang gabay.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?