"Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos." Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
07 Abril 2020
04 Abril 2020
Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita
Salita ng Diyos | Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita
Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at pagiging nakamamangha. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos, naniniwala ang tao sa pagiging makapangyarihan sa lahat at sa karunungan ng Diyos, gayundin sa pagmamahal ng Diyos para sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga pagkaunawa at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at mas marami pang tao ang namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano ng pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o nagsasagawa ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita gamit ang sarili Niyang bibig, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila na ginagawa Niya ang Kanyang gawain nang personal. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.
01 Abril 2020
Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos
Mga pagsubok ng buhay | Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos
Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay.
29 Marso 2020
Makakapasok Ba Tayo sa Kaharian ng Langit Kung Makakamit Natin ang Kaligtasan?
Pananalig sa Diyos | Makakapasok Ba Tayo sa Kaharian ng Langit Kung Makakamit Natin ang Kaligtasan?
Si Zhang Mude ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia, at naniniwala siya na "Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas" (Roma 10:10).
26 Marso 2020
Nagpupuri't Umaawit Tayo sa Diyos
Tagalog Worship Songs | Nagpupuri't Umaawit Tayo sa Diyos
I
Dinig natin tinig ng Diyos,
sa Kanya bumabaling tayo,
sumusunod sa yapak ng Kordero.
Sa piging Niya'y dumadalo, kinakain, iniinom
mga salita Niya sa maghapon.
Nasisiyahan tayo sa pagdidilig at tustos
ng Kanyang salita at espiritu nati'y muling nabubuhay.
Nauunawaan natin ang katotohanan
at kilala natin ang praktikal na Diyos.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo
I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?
-
Tagalog church songs | Tabernakulo ng Diyos Nasa Mundo na Ⅰ Pagbalik ng Diyos , mga bansa'y nahati-hati na ng ha...
-
Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos " Kapag nahaharap sa kalun...
-
Mga Mapagpanggap Upang ganap na maipagbawal ang paniniwala sa relihiyon at magawang isang bansang walang Diyos ang Tsina, ginaga...