Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

29 Hulyo 2020

Pagbubunyag sa Hiwaga ng Pagkakatawang-tao


Kahit alam ng mga taong nananalig sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay Diyos na naging tao, wala talagang nakakaunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Ipinropesiya sa Biblia na muling paparito ang Panginoon sa katawang-tao para magsalita at gumawa sa mga huling araw. Kung hindi natin kilala ang Diyos na nagkatawang-tao, walang paraan para tanggapin natin ang ikalawang pagparito ng Panginoon. Kaya, ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ang susi sa pagtanggap sa pagbalik ng Panginoon. Kung gayo’y paano natin makikilala ang Diyos na nagkatawang-tao?

——————————————

28 Hulyo 2020

Nakikita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive

Ang Payak na Pagkakaiba ng Reaksyon ng Ninive at Sodoma sa Babala ng Diyos na si Jehova

Ano ang ibig sabihin ng mapabagsak? Sa pangkaraniwang termino, ang ibig sabihin nito ay paglaho. Ngunit sa anong paraan? Sino ang makakapagpabagsak sa isang buong lungsod? Siyempre, imposibleng magawa ng isang tao ang gayong gawain. Hindi mga hangal ang mga taong ito; sa sandaling narinig nila ang pahayag na ito, nakuha na nila ang ideya. Alam nila na mula ito sa Diyos; alam nila na isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain; alam nila na ang kanilang kasamaan ang nagpasiklab sa poot ng Diyos na si Jehova at nagdala ng Kanyang galit sa kanila, kaya sila ay malapit nang puksain kasama ng kanilang lungsod. Paano kumilos ang mga mamamayan ng lungsod matapos nilang marinig ang babala ng Diyos na si Jehova? Inilarawan ng Biblia ang malinaw na detalye kung paano tumugon ang mga tao, mula sa kanilang hari hanggang sa pangkaraniwang tao. Batay sa tala ng Kasulatan: “At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Diyos; at sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya’y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Diyos: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. …”

27 Hulyo 2020

Upang Mapag-aralan ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos



Nagkatotoo na ang halos lahat ng propesiyang binanggit sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Naramdaman ng karamihan ng tao na nagbalik na ang Panginoon, kaya paano natin sisiyasatin ito para makatiyak tungkol sa kung ang Makapangyarihang Diyos nga ba ang nagbalik na Panginoong Jesus? Dapat ba tayong gumawa ng paghatol batay sa mga propesiya sa Biblia o dapat ba nating direktang siyasatin ang salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos? Paano natin gagamitin ang napakabihirang pagkakataong ito at salubungin ang pagbabalik ng ating Panginoon? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang kinakailangang mong gawin ay pagtanggap ng, hindi kailangan ng anumang patunay mula sa Biblia, anumang gawain hangga’t ito ay mula sa Banal na Espiritu, dahil ikaw ay naniniwala sa Diyos upang sundan ang Diyos, hindi upang siyasatin Siya. Hindi ka dapat maghanap ng karagdagang patunay para sa Akin upang ipakita na Ako ang iyong Diyos. Sa halip, kinakailangan mong aninawin kung Ako ay kapaki-pakinabang sa iyo; iyan ang susi” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

——————————————————

Natupad na ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kaya paano natin malalaman kung kailan babalik si Jesus?

26 Hulyo 2020

Tunay Ngang Dumating ang Diyos sa Gitna ng Mga Tao


Dinadala ng Diyos ang wakas ng sangkatauhan sa mundo ng tao.
Pagkatapos, nilalantad N’ya Kanyang buong disposisyon,
upang lahat ng taong nakakakilala at hindi sa Diyos
masisiyahang tititigan at nakikita na pumaparito ang Diyos
sa kalagitnaan ng mga tao,
sa lupa kung sa’n lahat ng bagay lumalago.
Ito ang plano ng Diyos.
Ito ang tangi Niyang “pahayag” mula nang nilalang niya ang tao.
Nais ng Diyos na
buong-puso niyong pagmasdan ang bawat kilos Niya,
dahil tungkod Niya’y nalalapit na naman sa sangkatauhan.
Lumalapit ito sa sangkatauhang tumututol sa Kanya.

25 Hulyo 2020

Ano ang Kahalagahan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus?

Sa Biblia, nakatalang: “At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:36-43). Sa tuwing babasahin ko ang mga taludtod na ito, nakakaramdam ako ng inggit kina Pedro, Juan at sa iba pa. Habang isinasagawa ni Hesus ang Kanyang gawain sa Judea, palagi Niyang kasama ang Kanyang mga disipulo araw at gabi at, matapos Siyang mabuhay muli, inalagaan Niya ang mga ito gaya ng ginagawa Niya noon, at nagpakita Siya sa kanila, ipinaliwanag ang mga kasulatan sa kanila at pinangaralan sila. Si Pedro at ang iba pa ay mapalad na napili ng Panginoon upang maging Kanyang mga disipulo at nakarinig sila ng mga turo ng Panginoong Jesus sa kanilang sariling mga tainga—napakapalad nila! Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos, at naintindihan ko na ang kalooban ng Panginoong Hesus ay nasa likod ng Kanyang pagpapakita sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, at na ang gawaing ito ay lalo pang napapaloob sa pagka-makapangyarihan ng Diyos at karunungan. Talaga ngang nakita ko na ang pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay ay tunay ngang makahulugan!

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?