Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

26 Agosto 2018

Tungkol sa Biblia (4)

Kidlat ng SilangananTungkol sa Biblia (4)

Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at magawang ipaliwanag ang Biblia ay katulad ng paghahanap ng tunay na landas—ngunit sa katunayan, ganoon ba kadali ang mga bagay? Walang kahit isa ang nakakakilala sa katotohanan ng Biblia: na hindi hihigit pa sa makasaysayang tala ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pag-unawa sa mga layunin ng gawain ng Diyos. Ang bawat isa na nakapagbasa ng Biblia ay alam na ito ay nagtatala sa dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang Lumang Tipan ay nagsasalaysay sa kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa oras ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang Bagong Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jesus sa lupa, na kung saan ay nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba sila mga tala ng kaysayan? Ang pagpapalitaw sa mga bagay ng nakaraan sa panahon ngayon ay ginagawa silang kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi maaaring makatugon sa kasalukuyan. Sapagka't ang Diyos ay hindi tumitingin pabalik sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang naiintindihan sa gawain na nilaan na gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala kayo sa Diyos ngunit hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, sa gayon ay hindi ninyo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng paghahanap sa Diyos . Kung binabasa ninyo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga kalangitan at kalupaan, sa gayon ay hindi kayo naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala kayo sa Diyos, at nagpapatuloy sa buhay, dahil kayo ay nagpapatuloy sa pagkakilala sa Diyos, at hindi ipinagpapatuloy ang mga patay na liham at doktrina, o ang pag-unawa ng kasaysayan, dapat ninyong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat ninyong hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung kayo ay isang arkeologo maaari ninyong mabasa ang Biblia—ngunit kayo ay hindi, hindi kayoang isa sa mga taong naniniwala sa Diyos, at mabuting hanapin ninyo ang kalooban ng Diyos sa ngayon. Sa pagbabasa ng Biblia, sa pinakamababa kaunting mauunawaan mo ang kasaysayan ng Israel, matutunan mo ang tungkol sa buhay ni Abraham, David, at ni Moises, iyong malalaman kung paano nila iginalang si Jehova, kung paano sinunog ni Jehova ang mga laban sa Kanya, at kung paano Siya nakipag-usap sa mga tao sa kapanahunann iyon. Malalaman lamang ninyo ang tungkol sa gawain ng Diyos sa nakaraan. Ang mga talaan ng Biblia ay kaugnay sa kung paano ang unang mga tao ng Israel ay iginalang ang Diyos at nabuhay sa ilalim ng gabay ni Jehova. Dahil ang mga Israelita ay ang piniling mga tao ng Diyos, sa Lumang Tipan makikita ninyo ang katapatan ng lahat ng tao ng Israel kay Jehova, kung paano ang lahat ng sumunod kay Jehova ay inalagaan at pinagpapala Niya, maaari ninyong matutunan na noong ang Diyos ay nagtrabaho sa Israel Siya ay puno ng awa at habag, pati na rin ang pagmamay-ari ng naglalagablab na apoy, at na ang lahat ng mga Israelita, mula sa abahanggang sa makapangyarihan, ay iginalang siJehova, at sa gayon ang buong bansa ay pinagpala ng Diyos. Ganoon ang kasaysayan ng Israel na naitala sa Lumang Tipan.
Ang Biblia ay isang makasaysayang talaan ng gawain ng Diyos sa Israel, at mga pagtatala sa maraming mga panghuhula ng mga sinaunang propeta pati na rin ang ilan sa mga pahayag ni Jehova sa Kanyang gawain sa panahong iyon. Kaya, ang tinitingnan ng lahat ng mga tao ang librong ito na "banal" (sapagka't ang Diyos ay banal at dakila). Syempre, ang lahat ng ito ay resulta sa kanilang paggalang kay Jehova at sa kanilang pagsamba sa Diyos. Ang mga tao ay sumasangguni lamang sa aklat na ito sa ganitong paraan dahil ang mga nilalang ng Diyos ay lubhang sumasamba sa kanilang Maylalang, at mayroong ding mga taong tinatawag ang aklat na ito na isang "makalangit na aklat." Sa katunayan, ito ay isa lamang tala ng tao. Ito ay hindi personal na pinangalananni Jehova, at hindi rin personal na ginabayan ni Jehova ang paglikha nito. Sa ibang salita, ang may-akda ng aklat na ito ay hindi ang Diyos, kundi ang mga tao. Ang "Banal" Biblia ay ang magalang na pamagat lamang na binigay dito ng tao. Ang pamagat na ito ay hindi pinagpasiyahan ni Jehova at ni Jesus pagkatapos ng kanilang pagtalakay sa bawat isa; ito ay walang iba kundi ang ideya ng tao. Sapagkat ang aklat na ito ay hindi sinulat ni Jehova, higit na hindi ni Jesus. Sa halip, ito ay ang mga salaysay ng maraming mga sinaunang propeta, apostoles, at manghuhula, na kung saan ay pinagsama-sama sa isang libro ng mga sunod na henerasyon bilang isang libro ng sinaunang kasulatan na, para sa mga tao, tila lubhang banal, isang libro na sa tingin nila ay naglalaman ng maraming hindi maarok at malalim na misteryo na naghihintay mabuksan ng susunod namga henerasyon. Dahil dito, ang mga tao ay lalong mas naging handa upang maniwala na ang aklat na ito ay isang "makalangit na aklat." Sa karagdagan ng Apat na Ebanghelyo at ang Aklat ng Pahayag, ang mga saloobin ng tao hinggil dito ay partikular na naiiba mula sa anumang iba pang libro, at sa gayon walang kahit isa ang sumubok upang pag-aralan itong "makalangit na aklat"—dahil ito ay lubhang "banal."
Bakit, sa oras na binasa nila ang Biblia, ang mga tao ay nakakayanang maghanapng isang tamang landas upang isagawa ito? Bakit nakakayanan nilang matamo ng marami ang yaong dati’y hindi nila naiintindihan? Ngayon, pinag-aaralan Ko ang Biblia sa ganitong paraan at hindi ito nangangahulugan na ikinasusuklaman ko ito, o itinatanggi ang halaga nito para sa sanggunian. Ipinapaliwanag Ko ang mga likas na halaga at mga pinagmulan ng Biblia sa inyo upang ihinto ninyo ang pananatilisa kadiliman. Dahil ang mga tao ay may maraming pananaw tungkol sa Biblia, at karamihan sa kanila ay mali; ang pagbasa ng Biblia sa paraang ito ay hindi lamang humahadlang sa kanila mula sa pagkakaroon nang kung ano ang nararapat, ngunit, mas mahalaga, pinipigilan nito ang gawain na Aking nilalayong gawin. Ito ay isang napakalaking istorbo para sa mga gawain sa hinaharap, at nagbibigay lamang ng mga balakid, hindi kapakinabangan. Kaya, ang tinuturo ko sainyo ay ang simpleng diwa lamang at ang nasa loob ng kuwento ng Biblia. Hindi Ko sinasabi na huwag ninyong basahin ang Biblia, o lumibot kayo at ipahayag na ito ay ganap na walang halaga, kundi na kayo ay magkaroon ngwastong kaalaman at pananaw sa Biblia. Huwag maging masyadong may kiling! Kahit na ang Biblia ay isang aklat ng kasaysayan na isinulat ng mga tao, tinatala rin nito ang karamihan ng mga prinsipyo na kung saan ang mga sinaunang santo at propeta ay naglingkod sa Diyos, pati na rin ang mga kamakailang karanasan ng mga apostoles sa paglilingkod sa Diyos—lahat ng mga ito ay totoong nakita at nakilala ng mga taong ito, at maaaring magsilbi bilang sanggunian para sa mga tao sa kapanahunang ito sa paghahanap ng tunay na landas. Kaya, sa pagbabasa ng Biblia ang mga tao ay maaari ring makakuha ng maraming paraan sa buhay na hindi maaaring matagpuan sa iba pang mga libro. Ang mga paraan na ito ay ang mga daan sa buhay na gawain ng Banal na Espiritu na naranasan ng mga propeta at apostoles sa mga nagdaang kapanahunan, at karamihan sa mga salita ay mahalaga, at maaaring magbigay ng mga pangangailangan ng tao. Kaya, ibig ng lahat na magbasa ng Biblia. Dahil sa napakarami ang nakakubli sa Biblia, ang mga pananaw ng tao hinggil dito ay hindi tulad sa mga kasulatan ng dakilang espirituwal na mga kaanyuan. Ang Biblia ay isang talaan at koleksyon ng mga karanasan at kaalaman ng mga taong naglingkod kay Jehova at ni Jesus sa luma at bagong kapanahunan, at sa gayon ang mga sunod na henerasyon ay makayanang matamo ang maramingkaliwanagan, pagliliwanag, at mga landas upang magsanay mula dito. Ang dahilan kung bakit ang Biblia ay mas mataas kaysa sa mga kasulatan ng sinumang dakilang espirituwal na kaanyuan ay sapagkat ang lahat ng kanilang mga kasulatan ay hinango mula sa Biblia, ang kanilang mga karanasan ay lahat nagmula sa Biblia, at lahat sila ay ipinapaliwanag ang Biblia. At sagayon, bagaman ang mga tao ay maaaring makakuha ng kakailanganin mula sa mga libro ng anumang dakilang espirituwal na kaanyuan, sinasamba pa rin nila ang Biblia, dahil ito ay tila sobrang mataas at malalim para sa kanila! Kahit na ang Biblia ay pinagsasama ang ilang mga aklat ng mga salita ng buhay, tulad ng mga liham nila Pablo at sulat ni Pedro, at bagaman ang mga tao ay maaaring mabigyan matulungan ng mga librong ito, nakalipas pa rin ang mga librong ito, ang mga ito ay nabibilang pa rin sa lumang kapanahunan, at kahit na gaano man sila kabuti, ang mga ito ay angkop lamang para sa isang panahon, at hindi panghabang-panahon. Sapagka't ang gawain ng Diyos ay palaging umuunlad, at ito ay hindi maaaring simpleng tumigil sa panahon nina Pablo at Pedro, o palagiang mananatili sa Kapanahunan ng Biyaya kung saan si Jesus ay ipinako sa krus. At kaya, ang mga librong ito ay angkop lamang para sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa Kapanahunan ng Kaharian ng huling mga araw. Ang mga ito ay maaari lamang maglaan para sa mga mananampalataya ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa mga santo ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi mahalaga kung gaano sila kabuti, ang mga ito ay lipas pa rin. Ito ay pareho sa gawain ni Jehova ng paglikha o sa Kanyang gawain sa Israel: Hindi mahalaga kung gaano kahusay ang gawaing ito, ito ay hindi pa rin napapanahon, at ang oras ay darating pa rin nang ito ay lumipas.. Ang gawa ng Diyos ay pareho rin: Ito ay dakila, ngunit darating ang panahon na ito ay magtatapos; hindi ito maari na palagiang manatili sa gitna ng gawain ng paglikha, ni hindi rin isa sa pagpapako sa krus. Hindi mahalaga kung paano kapani-paniwala ang gawain ng pagpapako sa krus, hindi mahalaga kung gaano kabisa ito sa pagdaig kay Satanas, ang gawain ay, pagkatapos ng lahat, ay gawain pa rin, at ang kapanahunan, pagkatapos ng lahat, ay kapanahunan pa rin; ang gawain ay hindi maaaring palagiang manatili sa parehong pundasyon, ni ang mga panahon din ay kailanman hindi magbago, dahil doon ay mayroong paglikha at doon ay dapat mayroong huling mga araw. Ito ay tiyak na mangyayari! Kaya, ngayon ang mga salita ng buhay sa Bagong Tipan—ang mga liham ng mga apostoles, at ang Apat na Ebanghelyo—ay naging makasaysayang mga libro, sila ay naging lumang almanak, at paano ang lumang almanak ay magdadala sa mga tao sa bagong kapanahunan? Hindi alintana ang kakayahan ng mga almanake na ito sa pagbibigay sa mga tao ng buhay, hindi alintana kung paano nito magagawang akayin ang mga tao sa krus, hindi ba ang mga ito ay lipas na? Hindi ba walana silang mga halaga? Kaya, sinasabi ko na hindi dapat kayo bulag na naniniwala sa mga almanake na ito. Ang mga ito ay masyadong luma, hindi nila kayo kayang dalhin sa bagong gawain, at maaaring pabigat lamang sila sa inyo. Hindi lamang sa hindi nila kayo madadala sa bagong gawain, at sa bagong pagpasok, ngunit dinadala kayo ng mga ito sa lumang relihiyosongmga simbahan—at kung gayon, hindi ba kayo paurong sa inyong paniniwala sa Diyos?
Ang Biblia ay nagtatala ng mga bagay ngIsrael at ang mga kilos ng piniling mga tao sa panahong iyon. Sa ibang salita, ito ay salaysay ng mga patungkol kay Jehova, isang bagay na kung saan hindi masisisi ang Banal na Espiritu. Kahit na nagkaroon ng pagpili ng mga bahagi para sa pagsasama o pag-aalis, kahit na hindi sinang-ayunan ng Banal na Espiritu, Siya ay hindi pa rin masisisi. Ang Biblia ay walang iba kundi isang kasaysayan ng Israel at ng gawain ng Diyos. Ang mga tao, patungkol, at mga bagay na itinatala nito ay lahat totoo, at wala sa mga ito ang nagpapahiwatig ng hinaharap—maliban sa, siyempre, ang mga hula nina Isaias at Daniel, o ang aklat ng mga pangitain ni Juan. Ang sinaunang mga tao ng Israel ay may sapat na kaalaman at pinag-aralan, at ang kanilang mga sinaunang kaalaman at kultura ay sapat na nangunguna, at kaya kung ano ang kanilang isinulat ay mas mataas kaysa sa mga tao sa ngayon. Bilang isang resulta, hindi dapat sorpresa na maaari nilang isulat ang mga librong ito, sapagkat si Jehova ay maraming tinupad na gawain sa kanila, at marami silang nakita. Nakita ni David ang mga gawa ni Jehova ng kanyang sariling mga mata, personal niyang nilasap ang mga ito, at nakita ang maraming senyales at mga kababalaghan, at kaya sinulat niya ang lahat ng mga salmo bilang papuri sa mga gawa ni Jehova. Na nagagawa nilang isulat ang mga aklat na ito dahil sa kanilang mga kalagayan, hindi dahil sila ay "banal." Pinuri nila si Jehova dahil Siya ay nakita nila. Kung wala kayong nakitang anuman kay Jehova, at hindi alam ang Kanyang pag-iral, paano ninyo Siya pupurihin? Kung hindi pa ninyonakita si Jehova, sa gayon ay hindi ninyo malalaman kung paano Siya pupurihin, ni sambahin Siya, higit na mas magagawa ninyong sumulat ng mga kanta na nagbibigay papuri sa Kanya, at kahit na hilingin sa inyo na lumikha ng ilang mga gawa ni Jehova hindi ninyo makakayanang gawin ang gayon. Na, ngayon, maaari ninyong purihin ang Diyos at mahalin ang Diyos ay sapagkat nakita ninyo Siya, at naranasan din ang Kanyang gawain—at kung ang inyong kakayahan ay bumuti, kayo ba, pati, ay hindi rin magagawang magsulat ng mga tula bilang papuri sa Diyos na gaya ni David?
Upang maunawaan ang Biblia, upang maunawaan ang kasaysayan, ngunit hindi upang maunawaan kung ano ang ginagawa ng Banal na Espiritu ngayon—iyon ay mali! Nagawa mong napakahusay ang pag-aralan ang kasaysayan, nakagawa kayo ng isang napakahusay na trabaho, ngunit wala kayong nauunawaan sa gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu ngayon. Hindi ba ito ay kamangmangan? Ang ibang mga tao ay magtatanong sa inyo: Ano ang ginagawa ng Diyos sa ngayon? Ano ang dapat ninyong pasukin sa araw na ito? Kumusta na ang inyong pagtugis sa buhay? Naiintindihan ba ninyo ang kalooban ng Diyos?" Wala kayong magiging tugon sa kanilang mga katanungan—kaya ano ang alam ninyo? Sasabihin ninyo: Alam ko lamang na dapat akong tumalikod sa laman at kilalanin ang aking sarili. At kapag sila ay magtatanong pagkatapos "Ano pa ang iba mong batid?" sasabihin ninyo na alam rin namin kung paano ang pagsunod sa lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, at kaunting nauunawaan ang kasaysayan ng Biblia, at iyon lamang lahat. Iyon lamang ba ang lahat na inyong nakamit sa paniniwala sa Diyos sa mga nakalipas na taon? Kung iyon lamang ang lahat na inyong nauunawaan, sa gayon kayo ay lubhang nagkukulang. Kaya, ang iyong tayog ngayon ay sa panimula hindi kayang maipatupad ang Aking mga hinihingi sa inyo, at ang inyong kapangyarihan ng pagkita ng kaibhan at ang katotohanang inyong nauunawaan ay masyadong kakaunti—na ang ibig sabihin, ang inyong paniniwala ay masyadong mababaw! Dapat kayong magtaglay ng higit pang mga katotohanan, kailangan ninyo ng karagdagang kaalaman, dapat kayong makakita ng higit pa, at sa gayon lamang magagawa ninyong maikalat ang ebanghelyo, sapagkat ito ang nararapat ninyong makamit!







Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?