Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

09 Agosto 2018

Ano ang isang walang pananalig?

Buhay, katotohanan, Diyos, kaligtasan, Langit,


Mga nauugnay na salita ng Makapangyarihang Diyos:

  Masasabi ko na lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay mga taong hindi naniniwala at mga taksil sa katotohanan. Ang mga ganitong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng papuri ni Kristo.

mula sa “Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


  May ilang mga tao na ang paniniwala ay hindi kailanman kinikilala sa puso ng Diyos. Sa ibang salita, hindi kinikilala ng Diyos na mga tagasunod Niya ang mga taong ito, sapagkat hindi pinupuri ng Diyos ang kanilang paniniwala. Para sa mga taong ito, gaano man karami ang taon na pagsunod nila sa Diyos, hindi kailanman nagbago ang kanilang mga ideya at pananaw. Katulad nila ang mga di-mananampalataya, sumusunod sila sa mga di-mananampalataya sa mga prinsipyo at paraan ng paggawa ng mga bagay, sumusunod sila sa kanilang mga batas ng kaligtasan at paniniwala. Hindi nila kailanman tinanggap ang salita ng Diyos bilang kanilang buhay, hindi sila naniniwala na ang salita ng Diyos ay katotohanan, hindi kailanman nilayon na tanggapin ang kaligtasan ng Diyos, at hindi nila kailanman kinikilala ang Diyos bilang kanilang Diyos. Itinuturing nilang libangan ang pagsampalataya sa Diyos, itinuturing nila ang Diyos bilang isa lamang na espirituwal na pagkain, kaya hindi nila inisip na mahalagang subukan at unawain ang disposisyon ng Diyos at diwa ng Diyos. Maaari mong sabihin na ang lahat na tumutugma sa tunay na Diyos ay walang kinalaman sa mga taong ito. Hindi sila interesado, at hindi sila maaaring abalahin upang tumugon. Dahil sa kailaliman ng kanilang mga puso ay mayroong isang malakas na tinig na palaging nagsasabi sa kanila: Ang Diyos ay hindi nakikita at hindi mahipo, at ang Diyos ay hindi umiiral. Naniniwala sila na pagsasayang lamang ng kanilang pagsisikap ang pagsubok na unawain ang ganitong uri ng Diyos; panloloko lamang ito sa kanilang mga sarili. Kinikilala lamang nila ang Diyos sa mga salita, at wala silang anumang tunay na paninindigan. Wala rin silang ginagawang kahit anong mga praktikal na tuntunin, sa pag-iisip na sila ay matatalino. Ano ang pananaw ng Diyos sa mga taong ito? Itinuturing Niya silang mga di-mananampalataya. Tinatanong ng ilang mga tao: "Maaari bang basahin ng mga di-mananampalataya ang salita ng Diyos? Maaari ba nilang gawin ang kanilang tungkulin? Maaari ba nilang sabihin ang mga salitang ito: 'Ako ay mabubuhay para sa Diyos'?" Ang madalas nakikita ng mga tao ay ang pakunwari na ipinakikita ng mga tao, hindi ang kanilang diwa. Ngunit hindi tumitingin ang Diyos sa pakunwari na mga pagpapakita; nakikita lamang Niya ang kanilang panloob na diwa. Kaya, ang Diyos ay may ganitong uri ng saloobin, ganitong uri ng kahulugan, sa mga taong ito.

mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Ang ibang tao ay di nagagalak sa katotohanan, lalo na ang paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at kayamanan, ang mga taong ito ay pinaniniwalaang mga magpagmataas na tao. Hinahanap lamang nila ang mga sekta sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng paraan ng katotohanan, mananatili silang may pagaalinlangan at hindi nila mailalaan ang kanilang mga sarili nang lubusan. Sila ay nagsasalita ng pagsasakripisyo para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatitig sa mga dakilang pastor at mga guro, at si Kristo ay isinantabi. Ang kanilang mga puso ay napupuno ng kasikatan, kayamanan at karangalan. Talagang di sila naniniwala na ang isang ganoong kahinang tao ay may kakayahan ng panlulupig sa karamihan, na ang isang di kapansin-pansin ay may kakayahang gawing mabuti ang mga tao. Hindi sila naniniwala sa anumang paraan na itong mga walang saysay na taong kabilang sa mga alikabok at mga tambak na dumi ay ang mga taong pinili ng Diyos. Sila ay naniniwala na kung ang mga tulad ng mga taong ito ang layunin ng kaligtasan ng Diyos, kung ganon ang langit at lupa ay magkakabalibaliktad at lahat ng tao ay magkakatawanan. Sila ay naniniwala na kung pinili ng Diyos ang gayong walang saysay na mga tao na maging perpekto, kung ganon ang mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang kanilang mga pananaw ay nababahiran ng kawalan ng pananampalataya, sa katunayan, malayo mula sa kawalan ng pananampalataya, sila ay hibang na mga halimaw. Sapagkat ang tanging pinahahalagahan lamang nila ay posisyon, reputasyon at kapangyarihan, kanilang pinanghahawakan ang mataas na pagsasaalang-alang sa mga malalaking grupo at mga sekta. Talagang wala silang pagsasaalang-alang para sa mga pinangungunahan ni Kristo, sila ay mga traydor lamang na tumalikod kay Kristo, sa katotohanan, at sa buhay.

mula sa “Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?