Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

10 Setyembre 2018

Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (4)

Kidlat ng SilangananAng Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (4)


Ano ang ibig sabihin ng maging perpekto? Ano ang ibig sabihin ng malupig? Ano ang pamantayan na kailangang matugunan ng isang tao upang malupig? At ano ang pamantayan na kailangang matugunan ng isang tao upang maging perpekto? Ang panlulupig at pagpeperpekto ay parehong para sa layuning paggawa sa tao upang siya ay makabalik sa kanyang orihinal na wangis at makalaya sa kanyang maka-satanas na disposiyon at sa impluwensya ni Satanas. Ang panlulupig ay maagang dumarating sa paraan ng paggawa sa tao, ibig sabihin ay ito ang unang hakbang ng gawain. Ang pagpeperpekto ay ang pangalawang hakbang, o ang pangwakas na gawain. Ang bawat tao ay kailangang dumaan sa paglulupig; kung hindi ay hindi niya makikilala ang Diyos at hindi niya malalaman na mayroong Diyos, iyon ay, hindi niya makakayang kikilalanin ang Diyos. At kung ang isang tao ay hindi kinikilala ang Diyos, imposibleng siya ay magagawang ganap ng Diyos dahil hindi niya makakamit ang mga pamantayan sa pagiging ganap na ito. Kung hindi mo man lamang kikilalanin ang Diyos, paano mo Siya makikilala? At paano mo Siya hahanapin? Hindi rin kayo makakapagpatotoo sa Kanya, lalong hindi magkaroon ng pananampalataya upang masiyahan Siya. Sa gayon, sa sinuman na nais gagawing ganap, ang unang hakbang ay dumaan sa gawaing panlulupig. Ito ang unang kondisyon. Ngunit ito man ay panlulupig o pagpeperpekto, ang bawat isa ay para sa layunin ng paggawa sa tao at upang siya ay baguhin, at ang bawat isa ay isang bagay sa gawain ng pamamahala sa tao. Ang dalawang hakbang na ito ang kung ano ang mga kinakailangan sa paggawang ganap sa isang tao; hindi maaring lampasan ang kahit alin sa mga hakbang. Tunay nga na ang “pagiging nalupig” ay hindi masyadong magandang pakinggan, ngunit sa katunayan ay ang paraan ng panlulupig sa isang tao ay ang paraan ng pagbago sa kanya. Matapos siyang malupig, maaaring hindi mo pa naalis nang lubusan ang iyong masamang disposiyon, ngunit malalaman mo ito. Sa pamamagitan ng gawaing panlulupig malalaman mo ang iyong mababang pagkatao at malalaman mo rin ang iyong pagkasuwail. Kahit hindi mo kayang alisin o baguhin ang mga ito sa loob ng maiksing panahon ng gawaing panlulupig, makikilala mo ang mga ito. Ito ang magsisilbing saligan ng iyong pagka-perpekto. Sa gayon ang panlulupig at pagpeperpekto ay parehong ginawa upang baguhin ang tao, parehong ginawa upang alisin sa tao ang kanyang masamang maka-satanas na disposiyon upang maihandog niya ang kanyang sarili nang lubusan sa Diyos. Ang pagiging nalupig ang unang hakbang nga lang sa pagbabago ng disposisyon ng tao at ito rin ang unang hakbang sa lubusang pag-aalay ng tao ng kanyang sarili sa Diyos, isang hakbang na mas mababa sa pagiging perpekto. Ang disposisyon ng buhay ng isang nilupig ay nababagong mas kaunti kumpara sa isang taong naging perpekto. Ang pagiging nalupig at pagiging perpekto ay magkaiba sa pangmalas mula sa isa’t isa dahil ito ay magkakaibang yugto ng gawain at dahil binibigyan nito ang mga tao ng iba't-ibang mga pamantayan, ang paglupig ay pinananatili sila sa mabababang pamantayan at ang pagka-perpekto ay pinananatili sila sa mas mataas. Ang mga ginawang perpekto ay ang mga matuwid na tao, mga taong ginawang banal at dalisay; sila ang mga pagkakabuo-buo ng gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, o ang mga resulta. Kahit na hindi sila mga walang salang mga tao, sila ay mga taong nagsisikap mamuhay ng makabuluhang buhay. Ngunit paano ang mga nalupig? Binibigkas lang nila ang pagkakilala nila sa pag-iral ng Diyos; kinikilala nila na ang Diyos ay ang Siyang nagkatawang tao Mismo, na ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, at ang Diyos ay nagpunta sa lupa upang gawin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Kinikilala rin nila na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang Kanyang pananakit at kapinuhan ay lubos na kapakipakinabang sa tao. Iyon ay, nag-uumpisa pa lamang silang magkaroon ng wangis ng tao, at mayroon silang kaunting pagkakaunawa sa buhay ngunit may kalabuan pa rin. Sa ibang salita, nag-uumpisa pa lang silang magtaglay ng pagkatao. Ito ang mga bunga ng pagkakalupig. Kapag umapak ang mga tao sa daan ng pagka-perpekto, ang kanilang lumang disposiyon ay maaaring mabago. Bukod dito, ang kanilang mga buhay ay magpapatuloy sa paglago at unti-unti silang pumapasok nang mas malalim sa katotohanan. Kakayanin nilang kamuhian ang mundo at kamuhian ang lahat ng hindi nagsisikap malaman ang katotohanan. Lalo nilang kinamumuhian ang kanilang mga sarili, ngunit higit pa riyan, malinaw na kilala nila ang kanilang mga sarili. Pumapayag silang mabuhay sa katotohanan at ginagawa nila ang layuning hanapin ang katotohanan. Hindi sila pumapayag na mamuhay napapaloob ng kanilang mga isipan na nabuo ng kanilang mga utak, at nararamdam nila ang pagkamuhi sa mapagmatuwid-sa-sarili ng tao, kahambugan, at kapalaluan. Sila ay nagsasalita nang may matinding pagpapahalaga sa kagandahang-asal, pinangangasiwaan ang mga bagay-bagay nang may pagkawari, at may taglay na karunungan, at matapat na masunurin sa Diyos. Kung nakararanas sila ng pagkakataon ng pagkastigo at paghatol, hindi lamang sila nagiging walang kibo at mahina, kundi sila pa ay nagpapasalamat. Hindi maaring wala silang pagkastigo at paghatol ng Diyos; sila ay nakatatanggap ng Kanyang proteksiyon sa pamamagitan nito. Hindi nila itinataguyod ang pananampalatayang may kapayapaan at kaligayahan at ang paghanap ng tinapay upang mapawi ang gutom. Ni hindi rin nila sinusundan ang panandaliang kaaliwan ng laman. Ito ang mayroon ang mga naging perpekto.

Sinasabi mong kinikilala mo ang Diyos na nagkatawang tao at kinikilala mo na ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, ngunit gumagawa ka ng ilang bagay sa Kanyang likuran, at hindi ka kumikilos sa paraang gusto Niya sa’yo, at hindi ka natatakot sa Kanya. Ito ba ay pagkilala sa Diyos? Kinikilala mo ang mga sinasabi Niya, ngunit hindi mo isinasagawa kahit na iyong mga bagay na kaya mong gawin at hindi ka nananatili sa Kanyang paraan. Ito ba ang pagkilala? Kinikilala ninyo Siya, ngunit ang tangi mong pag-iisip ay magbantay laban sa Kanya, hindi kailanman ang igalang Siya. Kung nakita mo at kinilala ang Kanyang mga gawain at alam mo na Siya ang Diyos, ngunit nananatili kang maligamgam at lubusang walang pagbabago, sa gayon ikaw ay isang taong hindi pa rin nalupig. Ang isang nalupig na tao ay kinakailangang gawin ang lahat ng makakaya niya; gugustuhin niyang pasukin at abutin ang mga mas matataas na katotohanan kahit na hindi pa niya kaya. Ito ay dahil lamang may hangganan ang kaya niyang tanggapin sapagkat ang kanyang mga pagsasagawa ay may takda at hangganan. Ngunit kahit paano ay kinakailangan niyang gawin ang lahat sa kanyang kakayahan. Kung kaya mong gawin ang mga bagay na ito, ito ay dahil sa gawaing panlulupig. Ipagpalagay mong sabihin, “Yamang kaya Niyang gumawa ng napakaraming salita na hindi kaya ng tao, kung Siya ay hindi Diyos, sino na?” Ang pagkakaroon ng ganitong pag-iisip ay hindi nangangahulugang kinikilala mo ang Diyos. Kung kinikilala mo ang Diyos, dapat ipakita mo sa pamamagitan ng iyong mga pagkilos. Namumuno sa isang simbahan ngunit hindi nakagagawa ng pagkamatuwid, nagnanasa sa pera at laging patagong inililipat ang pera ng simbahan sa sarili mong mga bulsa-ito ba ang pagkilala na mayroong Diyos? Ang Diyos ay makapangyarihan at dapat na katakutan. Paano kang hindi matatakot kung tunay na kinikilala mo na mayroong Diyos? Paano mo nagagawa ang mga kasuklam-suklam na mga bagay? Matatawag ba iyan na paniniwala? Tunay nga bang kinikilala mo Siya? Ang Diyos ba ang iyong pinaniniwalaan? Ang iyong pinaniniwalaan ay isang malabong Diyos; iyan ang dahilan kaya hindi ka natatakot! Silang totoong kumikilala at nakakakilala sa Diyos ay lahat takot sa Kanya at takot na gumawa ng kahit na anong bagay na sumasalungat sa Kanya o lumalaban sa kanilang mga konsyensya; sila ay lalong takot na gumawa ng kahit anong bagay na alam nilang labag sa kalooban ng Diyos. Ito lamang ang maituturing na pagkilala sa pag-iral ng Diyos. Ano ang dapat mong gawin kapag pinipigilan ka ng iyong mga magulang na maniwala sa Diyos? Paano mo iibigin ang Diyos kung ang asawa mong hindi nananampalataya ay mabuti ang pagtrato sa iyo? At paano mo iibigin ang Diyos kung ang mga kapatiran ay kinamumuhian ka? Kung kinikilala mo ang Diyos, sa gayon ikaw ay kikilos nang naaangkop at ipapamuhay ang realidad sa lahat ng mga situwasyong ito. Kung ikaw ay nabigong gumanap nang tunay ngunit sinasabi lang na kinikilala mo ang pag-iral ng Diyos, sa gayon ikaw ay mabunganga lang! Sinasabi mo na naniniwala ka sa Kanya at kinikilala Siya. Ngunit sa paanong paraan mo Siya kinikilala? Sa paanong paraan mo Siya pinaniniwalaan? Siya ba'y iyong kinatatakutan? Siya ba'y iyong iginagalang? Siya ba'y iyong iniibig hanggang sa kaibuturan? Kapag ikaw ay balisa at walang masandalan, nararamdaman mo na ang Diyos ay dapat ibigin, at matapos iyon nakalilimutan mo ang lahat tungkol dito. Iyan ay hindi pag-ibig sa Diyos o paniniwala sa Diyos! Ano ang kahuli-hulihang nais ng Diyos na makamtan ng tao? Lahat ng mga katayuang Aking binanggit, kagaya ng pag-iisip na ikaw ay isang maimpluwensyang tao, pakikiramdam na kaya mong matutunan agad ang mga bagay, pagkontrol sa iba, panghahamak sa iba, paghusga sa mga tao batay sa kanilang itsura, pang-aapi sa mga matatapat na tao, pagnanasa sa pera ng simbahan, at iba pa-ang maalisan ng isang bahagi ng ganitong masasamang maka-satanas na disposisyon ay ang dapat nakikita sa iyo matapos kang malupig.

Ang gawaing panlulupig na natapos sa inyong mga tao ang may pinakamalalim na kabuluhan. Sa isang banda, ang layunin ng gawaing ito ay upang gawing perpekto ang pangkat ng mga tao, iyon ay, upang sila'y maging perpekto para maging pangkat ng mga mananagumpay, bilang ang unang pangkat ng tao na naging ganap, nangangahulugang ang mga unang bunga. Sa kabilang banda, ito ay upang hayaan ang mga nilalang na masiyahan sa pag-ibig ng Diyos, tumanggap ng pinakadakilang kaligtasan ng Diyos, at tumanggap ng buong kaligtasan ng Diyos, upang hindi lang masiyahan ang tao sa awa at kagandahang-loob, kundi mas mahalaga, sa pagkastigo at paghatol. Magmula nang nilikha ang mundo hanggang ngayon, ang lahat ng ginawa ng Diyos ay pag-ibig , na walang kahit anong poot sa tao. Kahit ang pagkastigo at paghatol na iyong nakita ay pag-ibig din, isang mas totoo at mas tunay na pag-ibig na umaakay sa tao sa tamang landas ng buhay. Sa pangatlong banda, ito ay magpapatotoo sa harap ni Satanas. At sa pang-apat na banda, ito ay upang magtatag ng saligan sa pagpalaganap ng gawaing ebanghelyo sa hinaharap. Ang lahat ng gawain na Kanyang ginawa ay para sa layunin ng pag-akay sa mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao, upang maaari silang magkaroon ng normal na buhay ng sangkatauhan, sapagkat hindi alam ng tao kung paano ang mamuhay. Kung wala ang ganitong pag-akay, ikaw ay makakapamuhay lang ng isang buhay na walang saysay, makakapamuhay lang ng isang walang halaga at walang kabuluhang buhay, at hindi mo malalaman kung ano talaga ang pagiging normal na tao. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan ng paglupig sa tao. Lahat kayo ay nagmula kay Moab. Ang gumawa ng gawaing panlulupig sa inyo ang siya ninyong dakilang kaligtasan. Kayong lahat ay tumira sa isang lugar ng kasalanan at kahalayan; kayong lahat ay mahalay at makasalanang mga tao. Ngayon hindi ninyo lang nakikita ang Diyos, ngunit ang mas mahalaga, natanggap ninyo ang pagkastigo at paghatol, tumanggap ng gayong pinakamalalim na kaligtasan, ito ay, tumanggap ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang totoong pag-ibig sa inyo; wala Siyang masamang intensiyon. Nang dahil sa inyong mga kasalanan, kayo ay hinahatulan Niya, upang suriin ninyo ang inyong mga sarili at tanggapin itong napakalaking kaligtasan. Lahat ng ito ay ginawa upang hubugin ang tao. Mula simula hanggang katapusan, ang Diyos ay ginagawa ang Kanyang buong makakaya upang mailigtas ang tao, at tiyak na Siya ay hindi makapapayag na tuluyang mawasak ang tao na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay. Ngayon Siya ay lumapit sa inyo upang gumawa; hindi ba ito ay higit pang kaligtasan? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawin pa ba Niya ang gawain na ganoon kalawak upang personal na akayin kayo? Bakit Niya kailangang magdusa? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o mayroong anumang masamang intensiyon ang Diyos sa inyo. Dapat ninyong alamin na ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatotoong pag-ibig. Dahil lamang sa pagiging suwail ng tao kaya sila ay kailangang iligtas Niya sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, sila ay hindi maliligtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano mamuhay o kung paano mabuhay, at kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lugar na ito at kayo ay mga mahalay at maruming mga diablo, hindi Niya maatim na pabayaan kayong maging mas napakasama; hindi rin Niya maatim na makita kayong nabubuhay sa maruming lugar kagaya nito, tinatapakan ni Satanas kung kailan niya gusto, o maatim na hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lang Niya na makuha itong inyong pangkat at lubusang iligtas kayo. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng gawaing panlulupig sa inyo-ito ay para lamang sa kaligtasan. Kung hindi mo makita na ang lahat ng ginawa sa iyo ay pag-ibig at kaligtasan, kung iniisip mo na ito ay isa lang paraan, isang paraan upang pahirapan ang tao at isang bagay na di-mapagkakatiwalaan, sa gayon mas mabuti pang bumalik ka sa iyong mundo upang magdusa ng sakit at paghihirap! Kung nais mo na mapasama sa agos na ito at masiyahan sa paghatol na ito at itong napakalaking kaligtasan, masiyahan sa lahat ng pagpapala na hindi matatagpuan kahit saanman sa mundo ng mga tao, at masiyahan sa pag-ibig na ito, kung gayon manatiling may pagpapakumbaba sa agos na ito upang tanggapin ang gawaing panlulupig upang ikaw ay maging perpekto. Kahit na ikaw ay nagdurusa ng ilang pasakit at kapinuhan ngayon dahil sa paghatol, ang pasakit na ito ay mahalaga at makabuluhan. Kahit na ang pagkastigo at paghatol ay mga kapinuhan at walang-awang pagsisiwalat sa tao, na layong parusahan ang kanyang mga kasalanan at parusahan ang kanyang laman, wala sa mga gawain na ito ay nilalayong isumpa at puksain ang kanyang laman. Ang mga matinding pagsisiwalat na ito ng salita ay lahat para sa layuning akayin ka sa tamang landas. Personal ninyong naranasan na ang napakarami sa mga gawaing ito at, malinaw na, hindi kayo naakay sa isang masamang daan! Ang lahat ng ito ay upang makaya mong mamuhay ng isang normal na pagkatao; ang lahat ng ito ay isang bagay na kayang matamo ng iyong normal na pagkatao. Ang bawat hakbang ng gawain ay ginawa ayon sa iyong mga pangangailangan, ayon sa iyong mga kahinaan, at ayon sa iyong aktwal na katayuan, at walang hindi kakayaning pasanin ang inilagay sa inyo. Kahit na hindi mo makita ito nang malinaw ngayon at nararamdaman mo na tila ikaw ay pinahihirapan Ko, kahit na patuloy mong iniisip na ang dahilan kaya ikaw ay kinakastigo at hinahatulan Ko araw-araw at dinudusta ka araw-araw ay dahil namumuhi Ako sa iyo, at kahit na ang iyong tinatanggap ay pagkastigo at paghatol, sa katunayan itong lahat ay pag-ibig sa iyo, ito rin ay malaking proteksiyon para sa iyo. Kung hindi mo kayang maunawaan ang mas malalim na kahulugan ng gawaing ito, sa gayon hindi ka na dapat magpatuloy pa sa iyong karanasan. Ikaw ay dapat maaaliw ng ganyang kaligtasan. Huwag mong tanggihang bumalik ka sa matinong pag-iisip. Dahil malayo na ang iyong narating, dapat mong makita nang malinaw ang kahalagahan nitong gawaing panlulupig. Hindi ka na dapat manghawakan sa gayo’t gayong pananaw!

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?