Kidlat ng Silanganan|Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (3)
Ang resulta na makakamit sa mapanlupig na gawa ay una sa lahat upang ang laman ng tao ay huminto sa paghimagsik, iyon ay, upang magkaroon ang isip ng tao ng panibagong pagkaunawa sa Diyos, ang kanyang puso na lubusang sumunod sa Diyos, at upang siya ay magpasya na maging para sa Diyos. Kung paano nagbabago ang pag-uugali o laman ng tao ay hindi makakapagpasya kung siya ay nalupig na. Sa halip, kapag ang iyong pag-iisip, ang iyong diwa, at ang iyong pagkaunawa ay nagbago-iyon ay, kapag ang iyong buong saloobing pang-isip ay nagbago-ikaw ay nalupig na ng Diyos.
Kapag ikaw ay nagpasyang sumunod at nagpagtibay na ng panibagong kaisipan, kapag hindi mo na madala ang kahit na alin sa iyong mga paniniwala o mga layunin sa mga salita at gawain ng Diyos, at kapag ang iyong utak ay makakapag-isip na nang matuwid, iyon ay, kapag kaya mo na magsikap para sa Diyos nang buong puso-ang ganitong uri ng tao ay siyang lubusan nang nalupig. Sa sakop ng relihiyon, maraming tao ang hindi nagdurusa nang walang kabuluhan sa kabuuan ng kanilang buhay, pinasusuko ang kanilang katawan at binubuhat ang kanilang krus, kahit na maghirap at magtiis hanggang sa huli nilang hininga! Ang ilan ay nag-aayuno pa rin sa umaga ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay ipinagkaila nila sa kanilang sarili ang mga masasarap na pagkain at magarang mga kasuotan, pinahahalagahan lang ang paghihirap. Kinaya nilang isuko ang kanilang mga katawan at pabayaan ang laman. Ang diwa ng kanilang pagtitiis sa pagdurusa ay kahanga-hanga. Ngunit ang kanilang pag-iisip, ang kanilang mga paniniwala, ang kanilang saloobing pang-isip, at tunay na ang kanilang lumang sarili-wala kahit isa sa mga ito ay ginawan man lang ng paraan. Wala silang tunay na pang-unawa sa kanilang mga sarili. Ang pang-isip nilang anyo ng Diyos ay isang makalumang anyo ng isang di-tiyak at malabong Diyos. Ang kanilang pagpasya sa pagdurusa para sa Diyos ay galing sa kanilang sigasig at positibong kalikasan. Kahit na sila ay naniniwala sa Diyos, hindi nila nauunawaan ang Diyos o alam ang Kanyang kalooban. Sila ay bulag na gumagawa at bulag na nagdurusa lamang para sa Diyos. Hindi nila binibigyan ng kahit anong halaga ang pagiging mapanuri at halos walang malasakit sa kung paano matitiyak na ang kanilang paglilingkod at tunay ngang tumutupad sa kalooban ng Diyos. Lalong hindi nila alam kung paano makakamtan ang pag-unawa sa Diyos. Ang Diyos na kanilang pinagsisilbihan ay hindi ang Diyos na nasa Kanyang orihinal na anyo, kundi isang Diyos na sila mismo ang nagsalamangka, isang Diyos na kanilang nabalitaan, o ang isang maalamat na Diyos na nababasa sa mga naisulat. Sa gayon, ginamit nila ang kanilang mga matingkad na likhang-isip at ang kanilang maka-Diyos na mga puso upang magdusa para sa Diyos at akuin para sa Diyos ang mga gawain na nais gawin ng Diyos. Ang kanilang paglilingkod ay talagang di-husto, sa gayo'y tunay na walang kahit isang naglilingkod sa Diyos sa paraang makatutupad ng Kanyang kalooban. Kahit na gaano pa sila kahandang magdusa, ang kanilang orihinal na pananaw sa paglilingkod at kanilang pang-isip na anyo ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago dahil hindi pa nila napagdaanan ang paghatol at pagparusa ng Diyos at ang Kanyang pagdadalisay at kasakdalan, at dahil walang kahit isang umakay sa kanila sa katotohanan. Kahit na naniniwala sila kay Hesus na Tagapagligtas, walang kahit isa sa kanila ang nakakita sa Tagapagligtas. Napag-alaman lang nila ang tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng mga alamat at sabi-sabi. Sa gayon, ang kanilang paglilingkod ay katumbas lang ng ligaw na paglilingkod nang nakapikit, tulad ng isang bulag na naglilingkod sa kanyang sariling ama. Ano ang kahuli-hulihang makakamit sa ganitong uri ng paglilingkod? At sino ang magpapahintulot dito? Mula sa umpisa hanggang sa huli, ang kanilang paglilingkod ay hindi kailanman nagbabago. Sila ay tumatanggap lamang ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lang nila ang kanilang paglilingkod sa kanilang pagiging likas at kung ano ang kanila mismong kinahihiligan. Anong gantimpala ang aanihin nito? Kahit si Pedro, na nakakita kay Hesus, ay hindi nalaman kung paano maglingkod sa paraang makatutupad ng kalooban ng Diyos. Sa kahuli-hulihan pa lamang, sa kanyang matandang edad, na kanya nang naunawaan. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa mga bulag na taong hindi pa nakakaranas ng kahit na anong pakikitungo o kahit na anong paglilinis at walang kahit isang gumagabay sa kanila? Hindi ba ang karamihan ng paglilingkod ninyo ngayon ay kagaya ng sa mga bulag na taong ito? Ang lahat ng hindi nakatanggap ng paghatol, hindi nakatanggap ng paglilinis at pakikitungo, at hindi nagbago-hindi ba sila ang mga hindi lubos na nalupig? Anong silbi ng mga taong iyon? Kung ang iyong pag-iisip, ang iyong pag-unawa sa buhay, at ang iyong pag-unawa sa Diyos ay hindi nagpapakita ng sariwang pagbabago at hindi nagbunga ng kahit na munting tunay na pakinabang, hindi mo kailanman makakamtan ang kahit na anong kapansin-pansin sa iyong paglilingkod! Kung walang pananaw at walang panibagong pang-unawa sa gawain ng Diyos, hindi ka magiging nalupig na tao. Ang iyong paraan ng pagsunod sa Diyos ay gayong katulad ng mga nagdurusa at nag-aayuno-ito ay may maliit halaga! Ito ay tiyak na dahil mayroong kaunting patotoo lamang sa kanilang ginagawa na masasabi Kong ang kanilang paglilingkod ay walang kabuluhan! Sa kanilang buong buhay, silang mga taong nagdusa, gumugol ng oras sa kulungan, at sa bawat sandali, nagtiis sila, pinahahalagahan ang pag-ibig at kabutihan, at pasanin ang kanilang krus. Sila ay siniraang-puri at itinakwil ng mundo at nakaranas ng lahat ng uri ng paghihirap. Sila ay sumusunod hanggang sa huli, ngunit, sila ay hindi nalupig at wala silang maibigay na patotoo sa pagkalupig. Hindi kaunti ang kanilang paghihirap na dinanas, ngunit sa loob ay talagang hindi nila kilala ang Diyos. Wala sa kanilang makalumang pag-iisip, makalumang paniniwala, mga relihiyos.

Dapat ninyong maunawaan na ang Aking hinihiling ay hindi ang pagkaalipin ng inyong katawan o ang iyong isipan ay hawakan at pigilang makapag-isip ng mga hindi ma-katuwirang mga kaisipan. Hindi rin ito ang layunin ng gawain o ang kailangang gawin sa ngayon. Ngayon mismo kailangan ninyong magkaroon ng pagkaunawa mula sa positibong anggulo upang mabago ninyo ang inyong mga sarili. Ang inyong pinakakailangang gawin ay ang sangkapan ang inyong mga sarili ng mga salita ng Diyos, ibig sabihin lubusang sangkapan ang inyong mga sarili ng katotohanan at pananaw na nasa harap ninyo ngayon, at pagkatapos ay magpatuloy at isagawa ang mga ito. Ito ang inyong pananagutan. Hindi Ko hinihiling sa inyo na hangarin at kamtin ang lalong mas malaking pagpapalinaw. Sa kasalukuyan hindi talaga ninyo taglay ang tayog para sa gayon. Ang kailangan sa inyo ay gawin ang lahat ng inyong makakaya upang kainin at inumin ang mga salita ng Diyos. Kailangan ninyong maunawaan ang gawain ng Diyos at alamin ang inyong kalikasan, ang inyong sangkap, at ang dati ninyong buhay. Dapat ninyong talagang kilalanin ang mga nakalipas na maling gawi at ang inyong mga gawaing tao. Upang magbago, dapat ninyong baguhin ang inyong pag-iisip. Una ay palitan ninyo ang inyong lumang kaisipan ng bago, at hayaang ang bago ninyong kaisipan ang mamahala sa inyong mga salita at mga kilos at inyong buhay. Ito ang hinihiling sa bawat isa sa inyo ngayon. Huwag kayong kikilos nang bulag o susunod nang bulag. Dapat mayroon kayong batayan at asintahan. Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Dapat ninyong alamin nang husto kung para saan ang inyong pananampalataya sa Diyos, ano ang mapakikinabangan ninyo rito, at kung ano ang papasukin ninyo sa ngayon. Kinakailangan na dapat ninyong malaman ang lahat ng ito.
Ang dapat ninyong pasukin sa kasalukuyan ay ang pagpapaangat sa inyong buhay at pagpapataas sa inyong kakayahan. Bilang karagdagan, kailangan ninyong baguhin yaong mga dating pananaw mula sa inyong nakaraan, maging ang inyong pag-iisip, at baguhin ang inyong mga paniwala. Ang inyong buong buhay ay nangangailangan ng pagbabago. Kapag ang iyong pang-unawa sa katotohanan sa mga gawain ng Diyos ay magbago, kapag ikaw ay magkaroon ng bagong pang-unawa ng katotohanan ng lahat ng sinasabi ng Diyos, at kapag ang iyong panloob na pang-unawa ay maitaas, ang iyong buhay ay tutungo sa mabuti. Lahat ng ginagawa at sinasabi ng tao ngayon ay praktikal. Ito ay hindi mga doktrina, kundi ang mga kailangan ng mga tao sa kanilang buhay at kung ano ang kanilang dapat na taglay. Ito ang pagbabago na nagaganap sa tao sa mapanlupig na gawa, ang pagbabago na dapat maranasan ng tao, at ito ang kahihinatnan matapos malupig ang tao. Kapag ikaw ay nagbago ng iyong pag-iisip, nagpatibay ng bagong pang-isip na pananaw, binaligtad ang iyong mga paniniwala at layunin at ang iyong mga nakalipas na mga lohikong katwiran, itinapon ang mga malalalim na bagay sa loob mo, at nagkaroon ng bagong pagkaunawa sa pananampalataya sa Diyos, gayon ang mga patotoo na iyong dadalhin ay maitataas at ang iyong kabuuang pagkatao ay tunay na magbabago. Ang lahat ng ito ay ang mga pinakapraktikal, pinakamakatotohanan, at ang pinakapangunahin sa lahat ng bagay-mga bagay na mahirap hawakan ng mga tao sa nakaraan at mga bagay na hindi nila maaring madikitan. Iyon ang mga tunay na gawa ng Espiritu. Gaano mo ba talaga naunawaan ang Biblia sa nakaraan? Isang mabilis na paghahambing ang magsasabi sa iyo. Noong una inilagay mo sina Moises, Pedro, Pablo, o ang lahat niyaong mga pahayag at mga pananaw galing sa biblia sa itaas ng isang pedestal. Ngayon, kung sasabihin sa iyo na ilagay ang Biblia sa itaas ng pedestal, gagawin mo ba ito? Makikita mo na ang Biblia ay naglalaman ng napakaraming mga tala na isinulat ng tao at na ang Biblia ay kuwento lamang ng tao sa dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ito ay isang aklat ng kasaysayan. Hindi ba nangangahulugan na ang pagkaunawa mo ukol rito ay nagbago? Kung titingin ka ngayon sa talaangkanan ni Jesus sa Ebanghelyo ni Mateo, sasabihin mong, “Ang talaangkanan ni Jesus? Kalokohan! Ito ay talaangkanan ni Jose, hindi ni Jesus. Walang ugnayan sa pagitan nina Jesus at Jose.” Kapag tiningnan mo ang Biblia, ang iyong pagkaunawa ukol rito ay naiiba, ibig sabihin ang iyong pananaw ay nagbago, at magdadala ka ng isang mas mataas na antas ng pagkaunawa rito kaysa sa mga relihiyosong mga pantas noong una. Kapag sinasabi ng isang tao na mayroong isang bagay sa talangkanang ito, sasagot ka na, “Ano ang mayroon dito? Magpatuloy at ipaliwanag. Sina Jesus at Jose ay hindi magkamag-anak. Nalalaman mo ba iyon? Maaari bang magkaroon ng isang talaangkanan si Jesus? Paanong magkakaroon si Jesus ng mga ninuno? Paano Siya magiging inapo ng tao? Ang Kanyang katawang-tao ay isinilang kay Maria; ang Kanyang Espiritu ay ang Espiritu ng Diyos, hindi ang espiritu ng tao. Si Jesus ay ang iniibig na Anak na Lalaki ng Diyos, kaya maaari ba Siyang magkaroon ng talaangkanan? Habang Siya ay nasa lupa hindi Siya isang kaanib ng sangkatauhan, kaya paano Siya magkakaroon ng isang talaangkanan?” Kapag iyong sinuri ang talaangkanan at ipaliliwanag nang malinaw ang katotohanan, ibabahagi kung ano ang iyong naunawaan, ang taong iyon ay maiiwang walang imik. Sasangguniin ng ilang mga tao ang Biblia at tatanungin ka, “Si Jesus ay mayroong talaangkanan. Ang iyo bang Diyos sa kasalukuyan ay mayroong talaangkanan?” Sasabihin mo sa kanila ang iyong pinakamakatotohanang pagkaunawa. Sa ganitong paraan, ang iyong pagkaunawa ay makakakuha ng mga resulta. Sa katotohanan, si Jesus ay walang kaugnayan kay Jose sa anumang paraan at lalong hindi kay Abraham. Ito ay dahil si Jesus ay isinilang lamang sa Israel. Ngunit ang Diyos ay hindi isang Israelita o isang inapo ng mga Israelita. Dahil lamang si Jesus ay isinilang sa Israel, hindi nangangahulugan na ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita. Para lamang sa layunin ng Kanyang gawain kaya Niya tinanggap ang hakbang na ito ng pagkakatawang-tao ng Sarili Niya. Ang Diyos ay ang Diyos ng lahat ng mga paglikha sa sandaigdigan. Gumawa muna Siya ng isang yugto ng gawain sa Israel at sa gayon, pagkatapos, nagsimulang gumawa sa mga bansa ng Gentil. Ngunit ibinibilang ng mga tao si Jesus bilang Diyos ng mga Israelita at tangi sa roon ay inilagay Siya sa gitna ng mga Israelita at sa gitna ng mga inapo ni David. Sinasabi ng Biblia na sa mga huling araw, ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa gitna ng mga bansa ng Gentil, nangangahulugan na ang Diyos ay gagawa sa mga bansa ng Gentil sa mga huling araw. Na nagkatawang-tao Siya sa Juda noong panahong iyon ay hindi nagpapahiwatig na ang iniibig lamang ng Diyos ay ang mga Hudyo. Nangyari lamang iyon dahil ito ang hinihingi ng gawain. Hindi maaaring sabihin na kinailangan na ang Diyos ay magkatawang-tao sa Israel (sapagkat ang mga Israelita ay ang Kanyang mga taong pinili). Hindi ba ang mga taong pinili ng Diyos ay matatagpuan din sa mga bansa ng Gentil? Pagkaraang si Jesus ay natapos sa paggawa sa Juda saka lumawak ang gawain hanggang sa mga bansa ng Gentil. (Ang mga bansa sa labas ng Israel ay karaniwang tinatawag bilang “mga bansa ng Gentil”; “Ang mga bansa ng Gentil” ay hindi isang indikasyon na ang mga dakong iyon ay walang mga taong pinili; sa halip, ang mga bansa sa labas ng Israel sa kabuuan ay tinatawag na “mga bansa ng Gentil.”) Sa katotohanan, ang mga bansa ng Gentil na yaon ay tinitirhan din ng mga taong pinili ng Diyos; wala nga lamang ginawang gawain doon sa panahong iyon. Ang mga tao ay naglalagay ng gayong diin sa Israel sapagkat ang unang dalawang yugto ng gawain ay naganap sa Israel samantalang walang gawain ang ginawa sa mga bansa ng Gentil. Ang gawain sa mga bansa ng Gentil ay nagsisimula pa lamang sa kasalukuyan, at iyon ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga tao na tanggapin ito. Kung mauunawaan mo ito nang malinaw, tatanggapin nang tama at tatanawin nang wasto ang mga usaping ito, magkakaroon ka ng wastong pagkaunawa ukol sa Diyos ng kasalukuyan at ng nakaraan, at ito ay magiging mas mataas kaysa sa pagkaunawang taglay ng mga banal sa kabuuan ng kasaysayan. Kung nararanasan mo ang kasalukuyang gawain at naririnig ang personal na pagbigkas ng Diyos sa kasalukuyan, ngunit wala kang taglay na pagkaunawa sa anumang paraan sa kabuuan ng Diyos; kung ang iyong paghahangad ay nananatiling palaging kagaya ng dati at hindi pinalitan ng anumang bago; at lalo na kung mararanasan mo ang lahat ng gawaing panlulupig na ito, ngunit sa bandang huli ay walang makikitang pagbabago sa iyo o kahit na ano pa man, kung gayon ang iyong pananampalataya ay hindi lamang ba kagaya niyaong naghahangad lamang ng tinapay upang mapawi ang kanilang gutom? Kung magkagayon, ang gawaing panlulupig ay walang matatamong anumang resulta sa iyo. Hindi ka ba kung gayon magiging yaong aalisin?
Sa pagtatapos ng lahat ng mapanlupig na gawa, kailangang lahat kayo ay unawain na ang Diyos ay hindi lang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos ng lahat ng nilalang. Nilikha Niya ang lahat ng sangkatauhan, hindi lang ang mga Israelita. Kung sasabihin mo na ang Diyos ay ang Diyos ng mga Israelita lang o imposibleng ang Diyos ay magkatawang tao sa kahit na anong bayan sa labas ng Israel, sa gayon hindi mo pa rin naarok ang kahit anumang pagkaunawa sa mapanlupig na gawa at hindi mo man lamang kinikilala na ang Diyos ay ang iyong Diyos. Ang kinikilala mo lang ay ang Diyos ay kumilos mula sa Israel hanggang sa Tsina at ipinipilit mo na maging Diyos. Kung ganito pa rin ang pagtingin mo sa mga bagay, sa gayon ang Aking gawain ay hindi nagkabunga sa iyo at hindi mo naintindihan ang kahit na isa sa Aking mga sinabi. Sa huli, kung ikaw, kagaya ni Mateo, ay muling magsusulat ng talaangkanan para sa Akin, ihanap mo ako ng karapatdapat na "ninuno," at ihanap mo Ako ng tamang ugat-sa gayon ang Diyos ay may dalawang talaangkanan para sa Kanyang dalawang pagkakatawang tao-hindi ba iyon ang magiging pinakamalaking katatawanan sa mundo? Hindi ba ikaw, na "taong may mabuting balak" na ihinanap Ako ng talaangkanan, ay naging isang taong hinati ang Diyos? Kaya mo bang akuin ang pagpasan sa kasalanang ito? Pagkatapos ng lahat ng mapanlupig na gawa na ito, kung hindi mo pa pinaniniwalaan na ang Diyos ay ang Diyos ng lahat ng nilalang, kung iniisip mo pa rin na ang Diyos ay ang Diyos ng Israelita lang, hindi ka ba ang siyang lantarang lumalaban sa Diyos? Ang layunin ng paglupig sa iyo ngayon ay ang makilala mo na ang Diyos ay ang iyong Diyos, at ang Diyos ng iba, at ang pinakamahalaga ang Diyos ng lahat ng nagmamahal sa Kanya, at ang Diyos ng lahat ng nilalang. Siya ang Diyos ng mga Israelita at ang Diyos ng mga tao sa Ehipto. Siya ang Diyos ng mga taga Britanya at Diyos ng mga Amerikano. Siya ay hindi lang ang Diyos ni Adan at Eba, kundi pati ng lahat ng mga inapo ni Adan at Eba. Siya ay ang Diyos ng lahat na nasa langit at lahat ng nasa lupa. Ang pamilya ng Israelita at lahat ng mga pamilya ng mga Hentil ay kapwa nasa mga kamay ng isang Diyos. Hindi lang Siya gumawa sa Israel nang ilang libong taon at minsang pinanganak sa Hudea, pero ngayon Siya ay bumababa sa Tsina, ang lugar kung saan ang malaking pulang dragon ay nakapulupot na nakahiga. Kung ang pagkapanganak sa Hudea ay ginawa Siyang Hari ng mga Hudyo, sa gayon hindi ba ang pagbaba Niya sa gitna ninyong lahat ngayon ay ginagawa Siyang Diyos ninyo? Ginabayan Niya ang mga Israelita at Siya ay pinanganak sa Hudea, at Siya ay pinanganak din sa isang lupa ng mga Hentil. Hindi ba ang lahat ng Kanyang mga gawain ay para sa kabuuan ng sangkatauhan na Kanyang nilalang? Minamahal ba Niya ang mga Israelita nang isandaang ulit at kinamumuhian ang mga Hentil nang isanlibong ulit? Hindi ba iyan ang inyong paniniwala? Kayo itong mga hindi kumikilala sa Diyos; hindi na ang Diyos ay hindi kailanman ang iyong Diyos. Kayo itong mga tumatanggi sa Diyos; hindi ang Diyos ang hindi pumapayag na maging inyong Diyos. Sino sa mga nilalang ang wala sa kamay ng Makapangyarihan? Sa paglupig sa inyo ngayon, hindi ba ang layunin ay upang kilalanin ninyo na ang Diyos ay walang iba kundi ang inyong Diyos? Kung pananatilihin ninyo na ang Diyos ay Diyos lang ng mga Israelita, at pananatilihin na ang tahanan ni David sa Israel ay ang pinanggalingan ng kapanganakan ng Diyos at walang ibang bayan bukod sa Israel ang karapatdapat na "gumawa" ng Diyos, at lalong hindi kahit na sinong pamilyang Hentil na kayang tanggapin nang personal ang gawain in Jehovah-kung ganito pa rin ang inyong pag-iisip, sa gayon hindi ba kayo nagiging matigas ang ulo? Huwag ninyo laging pagtuunan ang Israel. Ang Diyos ay naririto mismo kasama ninyo ngayon. Huwag din kayong laging nakatingala sa langit. Itigil ninyo ang pangungulila sa Diyos sa langit! Ang Diyos ay lumapit na sa inyong kalagitnaan, sa gayon papaano Siyang nasa langit? Hindi kayo naniwala sa Diyos nang napakahabang panahon, ngunit kayo ay may napakaraming paniniwala tungkol sa Kanya, hanggang sa hindi kayo maglalakas-loob kahit isang saglit na isipin ang Diyos ng mga Israelita ay mamarapating "biyayaan" kayo ng Kanyang pagharap. Lalong hindi kayo mangangahas isipin kung paano ninyo makikita ang Diyos na magpakita nang personal, lalo na't kayo ay may di-matitiis na karumihan. Hindi ninyo rin inisip kahit kailan kung paanong personal na bababa ang Diyos sa isang lupaing Hentil. Siya ay dapat na bumaba sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng Oliba at magpakita sa mga Israelita. Hindi ba ang mga Hentil (yun ay, ang mga tao sa labas ng Israel) ang lahat ng mga bagay na Kanyang kinamumuhian? Paano Siya personal na gagawa kasama nila? Ang lahat ng ito ay ang mga napakalalim na paniwala na iyong pinalago sa maraming mga taon. Ang layunin ng paglupig sa inyo ngayon ay upang wasakin itong mga paniniwala ninyo. Nakita na ninyo ang Diyos na nagpakita nang personal sa inyo-hindi sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng Oliva, kundi sa mga tao na hindi pa Niya kailanman pinamunuan sa nakaraan. Matapos gawin ng Diyos ang dalawang yugto ng Kanyang gawain sa Israel, ang mga Israelita at ang lahat ng mga Hentil ay kapwa nagtaglay ng paniniwalang ito: Kahit na totoong nilalang ng Diyos ang lahat ng mga bagay, Siya ay pumapayag na maging Diyos ng mga Israelita lang, hindi ang Diyos ng mga Hentil. Ang mga Israelita ay naniniwala sa mga sumusunod: Ang Diyos ay Diyos lang namin, hindi ang Diyos ninyong mga Hentil, at dahil hindi ninyo iginagalang si Jehovah, si Jehovah-ang aming Diyos-ay kinasusuklaman kayo. Ang mga Hudyong iyon ay naniniwala rito: Ang Panginoong Hesus ay iniluklok ang anyo nating mga Hudyo at isang Diyos na dala ang tanda ng mga Hudyo. Sa amin gumagawa ang Diyos. Ang anyo ng Diyos at anyo namin ay magkatulad; ang aming anyo ay hawig sa Diyos. Ang Panginoong Hesus ay ang Hari ng mga Hudyo; ang mga Hentil ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng ganoong kadakilang kaligtasan. Ang Panginoong Hesus ang alay pangkasalanan para sa aming mga Hudyo. Alinsunod lamang sa dalawang yugto ng gawain na ang mga Israelita at ang mga Hudyo ay bumuo ng ganito karaming mga paniniwala. Mapagmataas nilang inaangkin ang Diyos para sa kanila, hindi pinapayagan na ang Diyos ay ang Diyos din ng mga Hentil. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay naging basyo sa mga puso ng mga Hentil. Ito ay dahil ang lahat ay naniwala na hindi gusto ng Diyos na maging Diyos ng mga Hentil at ang gusto Niya ay ang mga Israelita lang-ang Kanyang napiling mga tao-at gusto Niya ang mga Hudyo, lalo na ang mga disipulong sumunod sa Kanya. Hindi ba ninyo alam na ang gawain na ginawa ni Jehovah at Hesus ay para sa ikaliligtas ng lahat ng mga tao? Kinikilala na ba ninyo ngayon na ang Diyos ay ang Diyos ninyong lahat na pinanganak sa labas ng Israel? Hindi ba nandito ang Diyos sa kalagitnaan ninyo ngayon? Hindi ito maaring maging isang panaginip, maari ba? Hindi ba ninyo tanggap ang realidad na ito? Hindi ninyo pinangahasang paniwalaan ito o mag-isip ng tungkol dito. Kahit na paano ninyo tingnan ito, hindi ba narito ang Diyos sa gitna ninyo? Natatakot pa rin ba kayo na paniwalaan ang mga salitang ito? Simula sa araw na ito, hindi ba lahat ng mga taong nalupig at lahat ng gustong maging tagasunod ng Diyos, mga napili ng Diyos? Hindi ba lahat kayo, na mga tagapagsunod ngayon, mga piniling mga tao sa labas ng Israel? Ang inyong katayuan ba ay kapareho ng sa mga Israelita? Hindi ba ang lahat ng ito ang inyong dapat kilalanin? Hindi ba ito ang layunin ng gawa ng panlulupig sa inyo? Dahil nakikita ninyo ang Diyos, sa gayon Siya ang inyong magiging Diyos magpakailanman, simula sa umpisa magpahanggang sa hinaharap. Hindi ka Niya iiwan, habang kayong lahat ay pumapayag na sumunod sa Kanya at maging Kanyang tapat at masunuring mga nilalang.
Hindi alintana kung gaano man katatag ang kanilang kasalukuyang paninindigan upang mahalin ang Diyos, ang tao sa pangkalahatan ay naging masunurin at sumusunod hanggang sa kasalukuyan. Hindi hanggang sa wakas, kapag ang yugto ng gawaing ito ay nagtapos, ang tao ay magsisisi nang lubos. Iyon ay kapag ang mga tao ay tunay na nilupig. Sa ngayon sila ay nasa proseso pa lamang ng pagiging nilupig. Sa sandaling ang gawain ay magtapos, sila ay ganap na malulupig, ngunit hindi pa ngayon! Kahit na ang lahat ay kumbinsido, hindi ito nangangahulugan na sila ay ganap nang nilupig. Ito ay dahil sa kasalukuyan mga salita lamang ang nakita ng mga tao at hindi totoong mga pangyayari, at nadadama pa ring hindi sila tiyak gaano man kalalim silang naniniwala. Kaya nga sa huling totoong pangyayari lamang na iyon, ang mga salita ay nagiging realidad, na ang mga tao ay ganap na malulupig. Ngayon mismo ang mga taong ito ay nilulupig sapagkat sila ay nakaririnig ng maraming mga misteryo na hindi pa nila narinig kailanman noong una. Ngunit sa loob ng bawat isa sa mga ito, sila ay naghahanap at naghihintay pa rin para sa mga totoong mga pangyayari na tutulutan silang makita ang bawat salita ng Diyos na nagkakatotoo. Sa gayon lamang sila lubos na magiging kumbinsido. Kapag lamang, sa bandang huli, nakita ng lahat ang mga natupad na totoong mga realidad na ito, at naging sanhi ang mga realidad na ito sa kanila upang makadama ng katiyakan, magpapakita sila ng pananalig sa kanilang mga puso, sa kanilang pananalita, sa kanilang mga mata, at sila ay lubos na magiging kumbinsido mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Ito ang kalikasan ng tao. Kailangan ninyong makita ang mga salita na nagkakatotoong lahat, kailangan ninyong makita ang ilang mga totoong pangyayari na nagaganap at makita ang sakuna na sumasapit sa ilang mga tao, at sa gayon kayo ay lubos na magiging kumbinsido sa kaloob-looban. Kagaya ng mga Judio, nananatili kayong nag-uugnay ng malaking pagpapahalaga sa pagkakita ng mga tanda at mga himala. Ngunit namamalagi kayong hindi nakikita na mayroong mga tanda at mga himala at na ang mga realidad ay nangyayari na nilalayon upang mabuksan nang husto ang inyong mga mata. Maging ito man yaong bumababa mula sa langit, o isang haligi ng mga ulap na nagsasalita sa inyo, o ang Aking pagsasagawa ng pagpapalayas ng masamang espiritu sa isa sa inyo, o ang Aking tinig na dumadagundong kagaya ng isang lindol sa gitna ninyo, palagi ninyong ninanais at palaging nanaisin na makita ang ganitong uri ng pangyayari. Maaaring sabihin ng isang tao na sa paniniwala sa Diyos, ang inyong pinakadakilang kahilingan ay makita ang pagdating ng Diyos at personal na pakitaan kayo ng isang tanda. At sa gayon kayo ay malulugod. Para lupigin kayong mga tao, kailangan Kong magsagawa ng gawain na katulad ng mga kalakihan sa paglikha ng mundo at pagkatapos ay magdadagdag ng isang tanda. Sa gayon, ang inyong mga puso ay lubos na lulupigin.